Chapter 1

124 3 3
                                    

Hyun Seok's POV

"Uy Je Jae! Ano na? Di mo na sinagot yung yung tinatanong ko sa'yo." Sabi ko sa pinsan ko habang naglilibot kami sa subdivision nila.

"Ang alin ba kasi yon? Ate Hyun Seok ah, ang kulit mo." She answered while laughing like a fool.

"Ba yan?! Eh sabi mo kasi kanina," I doubted kung itutuloy ko pa. Kanina ko pa rin kasi napapansin na wala kong tigil ng kakatanong tungkol sa taong to. "si ano--"

"Sino?"

"Eh ano, p-pa'no mo naman nasabi na mukhang adik si Xiumin?" I shyly uttered while watching my steps on the ground. Yeah! EXO ang topic namin. It happens na kelan lang ako nagkainteres sa kanila after watching their music videos. Actually, yung D.O. yung sinasabi kong bias ko, pero that Xiumin's face seems remarkable na hindi ko maalis sa isip ko. I heard her chuckled. I turned to my side to glance at her.

"Wala lang. Para sa'kin lang. Lalo na sa M.V. nilang Wolf. Grr!"

"Grabe ka naman. Dun lang pala eh. Ang astig kaya nya." Sagot ko. Naiinis kasi ako twing sasabihin nyang mukhang adik si Xiumin. Tss. Gwapo-gwapo eh.

"Astig? May hikaw nga dito." She said then pointed her left ear.

"Exactly! Syempre that's one of their asset sa video nila. Si Tao din naman meron ah? Mas malala pa nga eh." Well, si Tao kasi yung bias nya.

"Oh, ba't parang nagagalit ka?"

"Galit ba ko?"

"Eh parang ang cold nanaman ng boses mo eh."

"Grabe ka naman kasi! Makasabi ka ng adik eh.."

She suddenly stopped then turn to face me. Huminto rin ako. "Hala te, parang yun lang? Hahaha!" Then again, she laughed like crazy.

"Tse." Pabiro ko na lang na sagot. Nakakainis kasi. Pag meron syang sinasabi sakin na crush nya, todo support ako. Pero pag sya, todo lait pa. Nakakaasar. But wait, bakit nga ba grabe akong mainis? Una, kanya-kanyang opinyon naman kami. Sabi nga nila, 'walang basag trip'. Pangalawa, fan lang din naman ako, ba't grabe ako maka-react? OH MY GOSH! This is driving me crazy. Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw? Waaaah!

11:00 in the evening, I was alone in my room. As usual, busy uli ako sa bago kong kinaaadikan. I'm watching EXO's music videos. Growl yung una kong pinlay. S**t! Ang cute ni Kai. Haay.. Fan-girling mode on. Tapos nung nakita ko na uli si Xiumin, wala na.. tuluyan na kong nawala sa sarili. Lutang nanaman ang pag-iisip ko. Grabe! WHY SO CUTE BA KASI??! Hahaha.

  Naka-earphone ako non, so di ko narinig na bumukas yung pinto. Nakita ko na lang si Je Jae na pumasok bitbit yung tablet nya. Ok, ako naman, biglang stop ng video sabay exit. Tsk, bitin! 'To kasing pinsan ko eh. Aasarin nanaman ako pag nakita kong nanonood ng video ng EXO.

"Hi 'te." Bungad nya. Parang tagal naming di nagkita ah.

"Hmm? Bakit?"

"Wala lang. Naisip ko kasi na namimiss mo na ko kaya, dito muna ko matutulog."

"Wow huh! Tapos mo kong asar-asarin kanina, mamimiss?" Nakangiti pero seryoso kong sagot.

"Huh? Kelan kita inasar?" Medyo kunot yung noo nya.

"Wusus. Wala, never mind."

"Hala te, ano ba yon? Di naman kita inasar ah?"

"'Kaw naman kasi, kung makasabi ka ng adik eh. Ako ba, kelan mo ko narinig na nagsabi ng negative dun sa 'Hiccup' mo?" Sabi kong parang bata. Si Hiccup yung animated character na crush nya sa movie na 'How To Train Your Dragon.' Oha, sya nga animated ang crush pero positive pa rin yung comments ko eh.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon