Hyun Seok's POV
Okay, this is it. Ngayong araw malalaman ko na kung sinong alien ang darating sa school namin mamaya. I'm so excited. Alas-3 pa yung start ng program pero napagkasunduan namin nila ate Eun Mun, Eun Mi, at Hye Joon na magkita-kita ng alas-2 dun sa park para maaga kami sa school. Pero kami ni Eun Mi, 1:00 kami magkikita for some reason. At guess what? Kahit di naman ganon kalamig yung panahon, we've decided to wear our personalized jacket na may tatak na EXO sa harap then the name of our bias together with their numbers. Si Xiumin yung nasa'kin. Inunahan kasi ako ni Eun Mi kay D.O. eh. Si ate Eun Mun naman si Baekhyun, at si Luhan kay Hye Joon.
Pasado ala-una na ko umalis sa'min kasi baka wala pa sa meeting place namin si Eun Mi. But I was wrong, kasi pagdating ko nandun na sya. Aba, nakasimangot na ang loka. Napapangiti na lang ako habang palapit sa kanya.
"Hala Eun Mi, sorry. Kanina ka pa ba? Saktong 1 na kasi ako umalis sa'min kasi akala ko wala ka pa eh." Paliwanag ko kagad pagkalapit ko sa kanya.
"Di, di, ok lang. Actually kararating ko lang din naman eh." Sabi nya na medyo nanunulis pa rin yung nguso.
"O eh bakit ka nakasimangot?"
"Eh kasi naman! Alam mo yung ang ganda ng lakad mo, tapos may biglang bubunggo sa likuran mo? Nakakainis! Feel na feel ko pa naman tong suot ko tapos.. hmmp! Akala ko kanina nalaglag na yung baga ko eh." Hahaha. OA talaga magkwento to.
"Grabe ah? Laglag baga talaga? Baka naman kasi ang bagal ng lakad mo kaya ka nabunggo."
"Hindi ah!" Natawa na lang ako sa reaksyon nya.
"Eh ba't ka nga ba kasi nabunggo?"
"Ewan, basta nagulat na lang ako may lalakeng bumangga sa likuran ko. Buti nga di ako natumba eh. Tanga kasi. Siguro paatras yung takbo nya tapos naghaharutan sila nung babae. Magdyowa siguro."
"Eh di sana sinapak mo?!"
She gave me a 'what-the-heck' glare, then, "Naku Hyun Seok, di pa ko ganun kasadista. Wag mo kong itulad sayo."
"Kung makasadista ka naman dyan. Mabait na ko ngayon no!" I just said then pout a little.
"Mukhang yan? Tss! Tara na nga." She laughed then clinged her arms on mine.
"Sa'n ba tayo pupunta?"
"May bibilhin lang ako."
Habang naglalakad kami papuntang convenience store, we kept on guessing kung sinong member yung guest sa school mamaya.
"Sana si D.O., o kaya si Sehun Ohorat." Sabi nitong katabi ko. Ako naman medyo napatanga ng konti. Sehun Ohorat? Anong Ohorat?
"Huh? Anong 'Ohorat'?" She then burst in to laughter. Lecheng babae to. Pinagtawanan pa ko. Malay ko ba! Eh kelan lang naman ako nagka-interes sa EXO. Wala nga kong alam sa mga totoong pangalan nila eh. "Lululululuh? Ganado? Parang ikaw tagal mo na silang kilala ah." Sabi ko.
"Bwahahahaha! Nakakatawa lang kasi yung reaksyon mo." Sabi lang nya tsaka tumawa ulit.
"Tsk. Tse!" Sabi ko tsaka ko bumitiw sa kanya.
"Ay ay sorry na po maknae Hyunnie." She said smiling tapos kumapit uli sa braso ko.
"Expression lang yon ni baby Sehun. Nandun daw yun sa EXO showtime eh. Panonoorin ko yon pag di na ko masyadong busy." She said. You heard it right. Masyado kasing busy ang buhay college kaya wala talaga kaming alam sa world of those idols na hinahangaan namin.
"Sayang nga eh. Sana lahat na lang sila in-invite para makita man lang natin silang mag-perform ng live." Sabi ko.
"Eh wala eh. Isa lang daw."
BINABASA MO ANG
Still You
FanfictionIt's been already how many years since I've accepted the fact that I'm not yours, and you are not mine.. And now that you're back, I don't know how on earth you've managed to still hold my stone-like heart.. Among all others, why it's STILL have t...