07. Home Sweet Home

111 6 0
                                    

Chapter Seven:

Nag-inat ako nang makalabas na ng tuluyan sa national airport dito sa Manila. That four hours flight seems to be the longest flight I had take in. Well, ito lang din naman ang naging kaisa-isang flight na naganap sa buong buhay ko. Pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay nagpatuloy pa rin naman ang magandang pakikitungo sa akin n'ong stewardess, even the old woman had move on! Kinawayan pa ako nito kanina nang nauna siyang bumaba sa akin sa eroplano na tila hindi ko siya nasabihan ng kung ano.

Hindi naman ako nakonsensya sa ginawa ko. Totoo naman kasing mas dapat na mangyari ang bagay na iyon, edi ngayon ay hindi na naririnig pa ng batang iyon ang gulo ng pamilya niya. Baka kung hindi rin nangyari ang bagay na iyon ay hindi matatauhan ang pamilya niya.

"Ma'am, taxi?" Napalingon ako sa lalaking lulon ang isang taxi. I stared at him intently, bago pa lang ako rito sa Manila at hindi ako sanay na makisalamuha. Ngayon pa lang ay kailangan ko ng mag-dobleng ingat. Ako na lang mag-isa sa lugar na ito kaya ngayon ay hindi na ako puwedeng magpadalos-dalos sa lahat ng gagawin ko.

"Ay, grabe namang titig 'yan. Hindi naman po kita nanakawan, ma'am. Matino po akong tao at saka, may kapatid po akong babae. Ayaw ko naman pong mangyari sa kaniya ang kung ano mang bagay na ginagawa ng ibang lalaki. May ID po ako rito, ma'am. Pede mo pong kunan ng litrato at ipasa sa mga kaibigan mo po o pamilya para malaman po nila na ako ang huling kasama mo kung may mangyari mang masama sa 'yo. Mabait po akong tao, ma'am! Takot ko lang po sa Diyos." My face distorted by what he had said. Okay na sana, pasado na kaso ay may ibang binanggit. Pakialam ko ba sa diyos nila?

Maniwala sila roon kung gusto nila basta ako ay matagal ko nang kinalimutan ang tungkol sa diyos na iyon. He is not real after all. Ni wala siyang ginawa para magbago ang pamilya ko. Ni hindi ma lang niya binago ang puso nila. My parents don't love me! They don't even care about me! Palagi na lang na ganoon. Kaya mas mabuti na rin siguro ito kahit masakit pa rin tanggapin.

Hindi ko na lamang siya sinagot at may kinalkal na gamit sa sling bag ko. Nang makuha ko ang shades ay agad ko iyong isinuot. "Please help me with my things," I commanded. Kahit may salitang please sa sinabi ko ay halata pa ring nang-uutos ako.

Agad namang nagmadali ang lalaki na kunin ang mga gamit ko habang ako ay dumiretso na sa backseat ng kotse para sumakay. Kung maghahanap pa ako ng iba dahil lang sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang lalaking driver ay mas lalo lang akong matatagalan. Gusto ko na ring magpahinga at matulog na naman. Napagod ata ako dahil sa pakikipag-usap ko sa stewardess na iyon, kung matatawag man iyong pag-uusap. Tila hindi naman apektado ang babaeng iyon at talagang na-trigger lang dahil pinaiyak ko iyong matanda.

Isa rin ang matandang iyon. I made her cry but she smiled and waved her hand at me in the end. I don't even know if she's faking it or not. But then, I saw it in her eyes earlier. Sa titig niya ay parang naiintindihan niya ako, na para bang nakikisimpatya siya kasama ako. That old woman is weird, kasama na rin iyong stewardess.

"Saan ho ba tayo, ma'am?" Napatingin ako sa driver na hinihingal pa ng bahagya pagkaupong-pagkaupo niya sa driver seat. May pawis pa sa noo nito na agad niya namang pinunasan pagkatapos ay ngumiti sa akin ng alanganin. I told him the address instead of minding his awkward smile at me. Napatango-tango rin naman ito agad na parang alam na kung saan man kami pupunta.

Hindi ko na siya nilingon pa dahil kampante na rin naman ako na hindi ako mawawala. Hindi ko nga lang maiwasang isipin ulit ang mga magulang ko. Ano na kayang nangyari ngayon sa amin? Masaya na ba sila? Kontento at wala ng problema dahil wala na ako? Nanikip ang dibdib ko roon kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko pagkatapos tanggalin ang shades ko sa mata. I let it stayed in my lap and let my self fell in a slumber of sleep.

Metro Series #5: Twisted PredilectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon