Erza's Point of View
♪"I have loved you for many years, maybe I am just not enough."♪
Scroll down...
...
...
What the?!!
Sh*t naiiyak ako.
Ganun?!
"Fcking long distance doesn't matter as long as we love each other?!"
"When you really LOVE someone height miles are just fucking numbers"?
Binabasa ko ng malakas yung post sa timeline.
Long distance? T*ngina taga Batangas at Caloocan lang naman tapos long distance?!
Calling Andrea.....
"Andrea.... may girlfriend na sya! Grabe bakit ganun? May iba na agad sya. Team forever daw sila sabi nung girl."
Katawagan ko ngayon ang isa sa mga bestfriend kong si Andrea Sy.
At yan agad ang sinabi ko sa kanya.
Naiiyak ako.
Kahit busy sya ay sinagot nya pa rin ang tawag ko.
"Huy, bakit ka ba umiiyak? Sinong may iba na? Yung first love mo?"
Wala silang alam tungkol sa lovelife ko kasi para sa akin wala naman akong magandang ikukwento.
Ang nasabi ko lang ay first love ko sya.
At ngayon ay para akong tanga na iiyak iyak kasi may girlfriend na sya.
"Oo tingnan mo. Issend ko sayo pictures nila. Naiiyak ako grabe...."
Alam mo yung wala ka ng magawa sa isang mahirap na sitwasyon kundi ang umiyak?
Grabe ang arte ko. Pero totoo to naiiyak talaga ako.
"Mag-isa ka ba ngayon? Wag ka na umiyak. Sige tingnan ko nga yung "pictures" nila."
Natapos na ang tawagan namin.
Naiiyak pa rin ako.
Biglang nagflashback sa akin lahat lahat. Kung saan kami nagsimula. Kung bakit ganito na ang nangyari.
Dati.......
Flashback
Second year high school na ako. Ayoko sa mga kaklase ko. Tumaas kasi yung grades ko kaya napapunta ako sa cream section or Section A.
Nung first year kasi ako ay random lang. Kung kailan ka lang nagenroll. Pero ngayon na nasa Section C yung mga kaibigan ko ay nalulungkot ako.
Binibisita ko na lang sila kasama ang bago kong friend na si Judy.
"Kamusta na kayo? Buti pa kayo magkakasama!"
"Ayus lang. Masaya kasi andaming kalokohan pa rin ng boys. Pero may mga transferee naman. Grabe nga yung isa ang gwapo. Ka-close ni Nicko, yung may gusto sayo? Hahahahaha" -Eve
"Wow hehe. Sa room naman namin ay tahimik lang, serious type? Pero masaya din naman kapag wala na sa klase."
"Ay? Parang ikaw lang? Tahimik at serious? Hahaha" -Eve
Ganun lang ako nung Sophomore ako. At noong Junior na ako ay mas nagbago ang buhay ko. Doon ako nagkaroon ng mga manliligaw at siya ang pinakaunang nanligaw sa akin.
Madalas akong mapagkamalang mataray at snob kasi tahimik ako. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi.
Nagsimula ang lahat noong may papanoodin kaming Stage Play na "Romeo and Juliet" ni Shakespeare.
Habang abala ang lahat ay bigla akong nakatanggap ng isang papel na galing sa dati ko kaklase noong Freshmen pa ako. Pero hindi naman sya yung nagsulat kundi yung katabi nyang mukhang ewan.
Ginusot ko yung papel kasi feeling ko ay pinagttripan nila ako. Hanggang sa matapos ang play kinukulit pa rin nila ako. Kinabukasan ay may pasok. Kinalimutan ko na yung nangyari. Ang ganda kasi nung play. Pero hindi ko inaasahan nung dismissal namin ay inaabangan na pala nya ako kasama ang mga kaibigan nya. Nakatingin sya sa akin kaya kinabahan talaga ako.
Yung mga mata nya.
Bakit feeling ko mabait sya pero nakakatakot.
Tapos sabi pa nya.
"When I know what I want, and I want it bad enough, I will find a way to get it." - sya
Syempre ako ay natulala lang. Kung hindi lang ako siniko ng bestfriend kong si Judy baka di pa ako gumagalaw.
"Haha pare ang baduy mo!! Erza kung pwede daw makipagkaibigan tong si Lyon?"- guy1
Kaibigan? Ayoko makipagkaibigan sa mga lalaki.
"Ahmm..."
Wala talaga akong masabi. Hindi ko alam kung paano ko ba sila tatanggihan.
"Erza Min Gonzales. Ako nga pala si Lyon Kai Fernandez at gusto kita. Sana maging magkaibigan tayo."
"Sorry may iba na akong gusto. Pero pwede naman tayong maging magkaibigan?"
Ay shunga! Bat yun ang sinabi ko? Sa sobrang kaba ko yun na lang nasabi ko. Oo may crush ako pero di naman ako naghahangad na maging boyfriend yun. Parang physical crush lang? Ang gwapo kasi at matalino sa Math!
"...S-sige. G-gusto kita. Gusto talaga kitang maging kaibigan. "
Siguro kailangan kong tanggapin na kahit sino ay pwedeng maging kaibigan. Girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy. Hahaha!
------
Ayoko na sana maalala yan. Pero kahit sabihin kong pangit na alaala ang makasama o makilala sya. Deep inside yung puso ko magkahalong saya at sakit yung nararamdaman. Katangahan 101 nga naman talaga. Hayup na pusong to kilig na kilig pag naaalala ang high school days with HIM!!!
BINABASA MO ANG
That Man
Teen FictionLoving can hurt. I was once your princess but you're still my prince. Loving can hurt sometimes. I miss you. You can keep me. You can hurt me. That's okay my prince. I will never let you go. Will you comeback or you will be "that man" in my life?