2

20 0 0
                                    

Erza's Point of View

"And all I feel in my stomach is butterflies. The beautiful kind, making up for lost time. Taking flight, making me feel right."♪

-----------------

From: Lyon
Goodmorning ^_^

Sent: 6:31 am

--------------------

To: Lyon
Good morning din po.

Sent: 6:35 am

--------------

Naka-receive ako ng text message galing kay Lyon.

Binigay ko na yung digits ko.

Inisip ko na sa oras na iyon ay ibinigay ko na din ang pagkakataon para sa friendship. Pero sabi ng konsensya ko ay ang landi landi ko! Haha Bakit ko nga naman ba binigay agad yung cellphone number ko? Bobo din !

Malapit na pa lang mag-Christmas at meron kaming Christmas party.

Tinatamad akong umattend pero syempre gusto ko pa din bigyan ng gifts ang mga friends ko.

.

Lagi na lang akong tinatamad kaya pagdating ko sa classroom ay sumandal lang ako sa upuan ko sa tabi ng bintana. Nasa second floor itong classroom ko sa second building. Marami kasing building itong school namin.

" Hayy katamad. "

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na boring ako kasama. Malungkot at walang challenge. Pero hinding hindi ko mabago yun. Masaya naman ako sa mga kaibigan ko pero kapag may ibang tao na ay di ko magawang maging masaya. Ewan ko ba sa sarili ko. Hanggang sa pagsasalita ay tinatamad ako. Ako na ang babaeng tamad. Gusto ko sana magbasa. Di ko pa natatapos yung binabasa kong "548 heartbeats".

Sobrang hilig ko sa libro at manga. Mas gusto ko rin sa kwarto ko kung saan magdamag akong manonood ng Korean novela at Anime. Masaya na ako dun lalo na kapag may ice cream akong kinakain.

Pero madalas talaga ay seryoso ako.

Sobrang iba ng pananaw ko sa mundo at sa mga tao. Ganito ako.

Bakit ganun sila? Andali nilang manakit ng ibang tao. Hindi sila nagdadalawang isip na manakit.

Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako mananakit.

"Erza sabi nga pala ni Lyon mag-aaral daw sya maggitara para sayo. Di ka daw nya matutugtugan ngayon kasi di pa daw sya marunong. Hahaha" -Claire

Narinig ng lahat ng kaklase ko ang sinabi ni Claire. Syempre ako naman ay hiyang hiya. Wala akong masabi.

"Eto pala daw sulat."-Claire

" .......... "- ako

Kinuha ko yung letter sa kamay nya. Ibang papel yung gamit tapos amoy na amoy yung pabango. Siguro pabango nya to. Ano namang trip ng lalaking yun at talagang pinabanguhan yung papel?

"Kahit advance na ang technology ngayon mas sweet pa rin kapag hand-written yung message nya para sayo. Di ba? Sana bigyan ako ng letter ng manliligaw ko hahaha" - Kyla

"Hindi naman sya manliligaw. Tsaka wala akong panahon sa mga ligawan na yan." - ako

"Aysus wala naman akong sinabi na nanliligaw sya sayo di ba? Ayie gusto magpaligaw! Hahaha" - Kyla

" Haha baliw ka talaga. Tara nga sa cafeteria gutom na ako. "

"Change topic~" - Kyla

Tinago ko yung sulat. Pero bakit ganun? Excited at kinakabahan akong basahin yung sulat. First time ko makatanggap ng love letter.

------------

From: Lyon

Kumain ka na? Lagi ka kumain sa tamang oras prinsesa. ^_^

Sent: 10:30am

-----------

Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. Baduy na tinatawag nya akong prinsesa pero nakakatuwa.

Parang tanga.

Magaling siguro tong mambola?

Nagbukas ako ng account sa facebook at sinearch ko ang pangalan nya.

Lyon Kai Fernandez

16 years old

Born February 16

From Muzon Batangas

Aba mas matanda pa pala sya ng isang taon sakin.

Nagtingin tingin pa ako ng pictures nya hanggang sa nakita ko na marami na pala syang naging girlfriend. At isa na dito ang dati kong kaibigan na si Mary Joy Briones.

That ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon