"♪ How are you these days? Anything special?
Only those typical words pass through my head
Actually, my heart is deep, deeper than the sea
The words that I really want to say is be with me ♪"------------
From: LyonKamusta prinsesa?
Sent: 7:38am
----------------Bakasyon na!! At 4th year na ako sa pasukan!
Sabado ngayon kaya makakanood ako ng mga paborito kong koreanovela at anime!
Pero nung nakita ko yung text nya parang gusto kong tumakbo sa tindahan at magpaload. Kahit may kalayuan ang tinadahan sa amin handa akong lumabas ng bahay at magpaload.
Nababaliw na ata ako at natutuwa ako kapag tinetext nya ako ng ganyan.
Masama na to di ba?
"Ma, may lumapit nga pala sakin na lalaki. May gusto daw sya sa sakin"
Sinabi ko yan kay Mama na parang nagsusumbong. Ayoko lang sabihin lahat ng detalye kasi nakakahiya. Paano pag nalaman nila na tinatawag ako ni Lyon na prinsesa? Aba! Nakakahiya yun no?
Hanggat maaari din ay gusto kong maging open sa mama ko sa ganitong bagay.
Kapag nasa high school ka na kasi ay hindi maiiwasan ang magka-crush or may manligaw sayo.
"Aba sabihin mo ay bawal ka pa mag- boyfriend ha? Ano bang sinabi?"
"Sabi ko po ay may iba akong gusto? Hehe"
"Naku mali yun! Basta bawal ka magpaligaw at magboyfriend. Pagaaral muna ang unahin."
Ay shunga! Bakit ko nga ba sinabi yun? Baka nga di pa yun naniniwala sa akin or wala syang pakialam?
"Ay. Oo nga po no? Sa susunod na kausapin nya ako yun ang sasabihin ko!"
Pero bakit may parte sa akin na gusto ko rin naman si Lyon? Na wala namang masama kung makipagkaibigan ako sa kanya.
Itanggi ko man pero masaya kapag sinusuyo ka ng isang lalaki kasi hindi naman palaging mangyayari sayo yun. Isang espesyal na tao lang ang makakagawa nun dahil espesyal ka sa kanya.
Hay. Bakit bata pa ako? Sana pwede na akong tumanggap ng manliligaw.
Nanood na lang ako ng koreanovela.
"Ate nood na tayo kdrama! Moon Embracing the Sun. Sobrang ganda! Sobrang favorite ko to!"
Parang baliw lang! Crush ko kasi si Kim Soo Hyun ~^O^~
"Shattap! Lahat naman ng Kdrama na pinapanood mo! Favorite mo! At lahat ng lang crush mo! Tse tabi nga uupo ang maganda! Di hamak naman na mas gwapo si Lee Min Ho!"
" O sige. Makikinood na nga lang may comment pa."
--------
From: Lyon
Kumain ka na po? Ano ginagawa mo? #^_^
Sent: 8:28am
----------
----------
From: Lyon
Mahilig ka pala sa anime?
Sent: 8:29am
------------
Ha? Pano nya naman nalaman yun?
-----------
To: Lyon
Oo mahilig ako sa anime pero mas mahilig ako sa Kdrama! Hehehe!
Sent: 8:30
-------------
"Sino yang katext mo!!! Ma si Erza may boyfriend na ata! Palaging may nagttext!"
"Baliw to! Kakilala ko lang to!"
" Himala naman kasi dahil di ka tutok na tutok dito sa pinapanood natin. Umaabot ka pa mga ng madaling araw para matapos mo yung pinapanood mo na wala namang katapusan. Sino ba yang katext mo?
" Dami agad nasabi? Mamaya na nga lang ako manonood. "
"Aba anong nangyari sayo? Nabagok ata ulo mo?"
----------
From: Lyon
Talaga prinsesa? Ako sa anime mahilig gusto ko nga magcosplay#^_^
Sent: 8:32am
-------------
Napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap naman labanan ang dapat sa gusto mo. Bawal ako magpaligaw pero gusto ko sya maging kaibigan.
***********************

BINABASA MO ANG
That Man
Teen FictionLoving can hurt. I was once your princess but you're still my prince. Loving can hurt sometimes. I miss you. You can keep me. You can hurt me. That's okay my prince. I will never let you go. Will you comeback or you will be "that man" in my life?