1

6 0 0
                                    

_ The Beginning _

It's a new day, a new beginning.

"Ma, gising na. Kakain na."

Ginising ni Keana ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa sahig ng bahay na gawa sa kawayan.

Matigas ito, pero mukhang sanay na ang kanyang ina na bakas ang pagod sa mukha.

Maaga pa pero pawis na pawis na si Keana, may dumi din sa kanyang pisngi dulot ng uling. Bagamat ganito ang kalagayan niya, napakaganda padin ng dalagita.

Hindi siya ganun ka puti at katangkad. Pero maganda and hulma ng katawan at mukha. Lalo na ang kanyang mga matang puno ng determinasyon.

She didn't wait for her mother to leave the hard and cold bed. Alam niyang pagod na pagod ang ina  kaya wala siyang magagawa kung ayaw niya pang bumangon.

Umalis si Keana sa kwarto ng ina— no, kwarto ng buong pamilya. Mahirap lang sina Keana. Ang bahay nila ay maliit at gawa sa kawayan at tagpi-tagling yero.

May nakakahilo ding amoy sa paligid dahil sa basang lupa at di naaarawan na parte ng bahay. Hindi kasi maganda ang pwesto ng bahay nila, pero kailangan nilang magtiyaga.

Mahirap lang sila.

Si Keana ay pangatlo sa limang magkakapatid. Ang  dalawang kuya niya ay nasa ibang parte ng Pilipinas, nagtratrabaho sa mga may pera.

However, they didn't finish school. Hanggang grade school lang sila. That's why what they could earn is limited. Barely able to provide three meals everyday for their own families. Much less, have some to send it here.

Ang pang-apat naman ay huminto na sa pag-aaral. Kung sapat sana ang pera nila, nasa 9th Grade na sana ang pang-apat nilang si Kyro.

Sa isang banda, ang pang-limang si Aisha ay Grade 4 pa lamang.

Pumunta si Keana sa labas ng kanilang bahay. Wala silang kusina kaya sa gilid ng bahay siya nagluluto.

Walang rice cooker o kahit single burner man lang. What they have are three stones positioned in triangular position, acting like a tripod for the already-dark cauldron.

Gurugu~

Tumunog ang tiyan niya dahil sa gutom. Kinuha niya ang sinaing niya at ang natitirang konting asin na naka lagay sa bote ng coke mismo.

Yes, they are so poor that they couldn't afford buying vegetables every time. Ba't di sila nagtatanim?

Ang maliit na lupang pinag lagyan ng kanilang bahay ay rinerentahan lang nila. Hindi din maganda ang lupa para magtanim dito.

Pagkalapag ng kanin sa sahig, ginawa ni Keana ang lagi niyang ginagawa. She divided the rice into four portions with Aisha's portion being a bit more.

And here comes, Kyro again, complaining.

"Bat mas marami nanaman sakanya ha?"

"Kyro!" She shouted. Nanlaki ang mata ng dalagita sa binata ngunit mas lalong nagalit pa ata si Kyro na tila ay mambubugbog siya. "Bata yan,' lagi ko nalang bang ipapa-alala sayo?"

"Eh ano naman kung bata? Maaawa ka? Wala namang ginawa yan kundi gumasta!" Sumbat nito. Kung hindi lang basagulero si Kyro, maraming mapapamahal sakanya.

May itsura siya at maganda din ang body-proportions niya.

"Tama na nga! Ang aga-aga, sumisigaw kayo!" Inis na pagpipigil ng kanilang inang si Grace. "Kyro, anak, bata yan. Dapat mas marami ang kakainin niya."

"Palamunin lang yan!" Padabog na tumayo si Kyro, halata ang galit sa mukha. It is as if he's suffering injustice. "Ako yung nagtratrabaho araw-araw para lang lumamon tayong apat. Tapos ako pa yung konti ang kinakain?"

That Thing Called Sacrifice Where stories live. Discover now