3

0 0 0
                                    

"Miss okay ka lang?"

Tanong ng lalake.

Tumango naman si Keana, ayaw niyang gumawa ng eksena lalo na sa ganitong pagkakataon. Pinilit nalang niyang tiisin ang pagkahilo.

Siguro dulot nadin ito ng pagkagutom.

Hindi naniwala ang lalake. "Sorry." Maikli niyang sabi bago dinama ang nuo ng dalaga.

Nabigla si Keana at hindi napigilang mapa urong sa gilid.

"Wala ka namang lagnat. Hindi ka ba sanay sumakay ng bus?" Tanong niya.

"Oo" She answered shortly. "No need to mind me, go on with your business."

"Eh pano kung bigla ka nalang masuka?" He shook his head in dismay. "Alam mo miss, kapag sasakay ka sa mga bus, bumili ka ng gamot."

"Wala akong pera."

"Huh?" He didn't expect that Keana would be so straightforward. Some people will never admit that they don't have money anymore. They would say excuses like, 'I forgot to buy some'.

He just flattened his lips and took his backpack. Kinuha niya ang isang itim na maliit na case. Nang binuksan, agad niyang hinanap ang bonamin.

Buti nalang bumibili siya lagi para kung sakali, may magagamit siya.

"Wala akong tubig. Kaya subukan mo na lang na lunikin to." Binigyan niya si Keana ng isang tableta. "Gaganda ang pakiramdam mo after ten minutes."

Iniabot niya ang tableta.

Tinitigan lang ito ni Keana bago tinanggap matapos ang dalawang minuto. "Salamat."

"It's nothing." sabi ng lalake at sinimulan na ulit gawin ang ginagawa niya sa laptop niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at may tinignan.

Linunok ni Keana ang tableta at uminom ng kanyang tubig. Sa una, hindi pa ramdam ang epekto nito pero pagkatapos ng sampung minuto, gumanda na ang pakiramdam.

"Magkano yun?"

"Why?"

"Babayaran ko." Sagot ni Keana.

Sinabi ng kanyang ina na huwag dapat basta - bastang tumatanggap ng tulong sa ibang tao. Walang libreng pagkain sa mundo. Lahat may kapalit.

"It's okay. No need to pay." He assured her.

"Okay." Kung ayaw niya, walang magagawa. Mabilis namang pakiusapan si Keana. Atsaka, nagkukulang na nga pera niya.

His smile froze as he was rendered speechless by Keana. She didn't even insist. She should at least try forcing him to receive the money, right?

"Ganito nalang, sabihin mo sakin pangalan mo. Then I'll take it as your payment." Sabi ng lalake.

Tumango si Keana. "Irene." Alangan naman sabihin niya ang totoo niyang pangalan sa estranghero?

"Nice meeting you Irene. Ako nga pala si Wade Wang."

"Wang?" Inulit ni Keana. Tinignan ulit ang kutis ni Wade. Hindi niya inakalang half chinese or so ang lalakeng ito.

And, she's not even sure if it's his real name.

"Yes." Wade nodded then explained, "Chinese ang nationality ko. Ang ibig sabihin ng 'Wang' sa chinese ay king or pwede din namang monarch."

'That's a domineering surname' She commented in her mind.

It was just a short conversation, more like exchanging names for formalities.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That Thing Called Sacrifice Where stories live. Discover now