“Ariiii!”
“Ariii! Gumising ka nga puta ka!” nagising ako sa isang malamig na tubig na sumaboy sa maliit na pangangatawan ko.
“Bakit hindi mo nagising si Maria ha? Alam mo bang late siyang nakapasok ha? Kasalanan mo to eh!” galit na galit na dinuro ako nito gamit ang matutulis niyang mga kuko.
Palihim akong napairap sa narinig. Kasalanan ko bang inumaga sa kakalandi ang anak niya kaya nalate?
Mariin akong napabuntong-hininga at pilit na inalala ang tinuro sakin ng mga magulang ko. Hindi dapat ako sumagot-sagot sa mga nakakatanda kahit gaano pa kakitid ang utak nila.
“M-madame, pasensiya na po.” paghihingi ko nalang ng tawad sakanya.
Mas lalong nanlisik ang kanyang mga mata sa narinig. “Anong pasensiya? Hindi mo ba alam na dahil sa katangahan mo ay nagkaroon si Maria ng bad record sa school niya ha? Bobo! Hindi mo alam kasi hindi ka katulad ng anak kong may pinag-aralan!” umakyat papuntang ulo ang lahat ng dugong meron ako sa katawan.
“May pinag-aralan ba ang tawag mo doon sa anak mong gabi-gabi linalandi ang pangawalang asawa mo?” isang sampal ang bumakat sa pisngi ko. Napakuyom ako ng kamao.
“Bastos! Wala kang modo! Huwag mong pagsasalitaan ng kahit ano ang anak ko! Dinamay mo pa si Calixto rito. Kung alam kong ganito ka sana hindi nalang kita kinupkop!” mabilis na nawala siya sa harapan ko.
Nanghihina akong napaupo pabalik sa higaan kong kahoy. Sobrang sakit ng katawan ko sa kakalinis sa marumi pa sa tirahan ng baboy na bahay niya. Pinaglaba, pinagluto at pinaghugas ako ng pinggan pero hindi man lang ako pinakain kaya sobrang kumakalam ang sikmura ko ngayon.
Nakita ko pang nagtatalik ang disesyete anyos na anak niya at ang pangalawang asawa niya sa may attic na lingid sa kaalaman niya.
Madame Margarita Sanchez lang naman ang babaeng may mabuting puso na kupkupin ang batang musmos na kagaya ko. Minsan hindi na kinakaya ng pisikal na katawan ko ang mga gawaing pinagpagawa niya sakin. Kung hindi lang sana namatay ang mga magulang ko.
Mabilis na nagpalit ako ng damit ng makita kong may mga butas butas na ito at nagsimula na naman sa dating gawi ko rito sa bahay.
Nagdidilig ako ng halaman at nakikita ko ang mga bata na masayang naglalaro sa paligid ng mga bahay nila. Wala sa sariling napangiti ako. Ganyan kasaya ang buhay ko noon. Nuong hindi pa ako pinagkaitan ng kaligayahan.
Matapos akong magdilig ng halaman ay kaagad ko namang linabhan ang mga basahan na binilin ni Madame saakin. Nuong nakaarang araw pa to at hindi ko matapos tapos dahil sa sobrang dami.
“Ari oh, kanina pa kita nakitang naglalaba diyan. Mananghalian ka muna,” biglang lumitaw sa harapan ko ang kalaro kong lalaki na si Carl. Anak ng isang may mataas na antas ng pamumuhay rito sa amin. Pero hindi naman siya nandidiring makipaglaro saakin.
Huminto ako at mahinang pinunasan ang malilit na pawis na bumubuo sa noo ko. “Salamat Carl ha? Gutom na gutom na talaga ako eh, ” kaagad kung tinanggap ang pagkain.
“Hindi ka ba pinapakain nina Madame Margarita Ari? Mukhang wala kang kain ng ilang araw ah, ” puna pa niya sakin. Mabilis kong linunok ang pagkain at ininom ang tubig na bigay rin niya.
“Wala talaga Carl. Gutom na gutom na ako grabe,” dumighay ako sa harapan niya. Parang hindi na siya nabigla sa ginawa ko at nginitian lang ako ng kimi kaya wala akong nagawa kundi ang mag peace sign sakanya.
BINABASA MO ANG
Royal Blood University 1: The Vampire's Beloved
VampierRoyal Blood University is full of mystery so when Kianna received an invitation, inviting her to transfer to Royal she didn't hesitate to accept the offer. As a trouble maker Kianna finally found out the University's biggest secret. It was a vampir...