Fuck this punishment! Taena! Pagod na pagod na akong tumakbo sa napakalaking field nato ng sampung beses. Late na naman ako at naging instant celebrity pa ako dahil sinalubong ako ng dean sa may gate.
Pagpasok ko pa lahat ng estudyante sa room nasa lobby at pinapalakpakan ako at dahil sa inis ay kumaway rin ako ng pang Miss Universe tapos ng makita ko kung ano ang nasa stage ay mas lalong nasira ang mood ko. Nag-abala pa sila.
Congratulations for being late again, Kianna.
Pinag-abalahan pa nila ang banner ko ha? Pagkatapos no’n naglobby trip ako papuntang dean’s office at nakatanggap ng extra sermon ta’s pababalikin pa ako bukas sa opisina niya.
“Three more rounds Santiago! Faster!” sigaw ng dean gamit ang mic. Talagang pinapahiya ako nito ah. Pero di bale nalang, lahat naman siguro sila kilala na ako. Sumasakit siguro ulo nila kapag nakikita ako o naririnig ang pangalan ko na laging pinipaging kong dumating na ba ako kasi kunting-kunti nalang daw maeexpel na ako kung hindi lang daw talaga ako ulila.
Hingal na hingal na ako kaya naman huminto ako saglit. “Santiago! Go back!”
Napaikot ako ng mga mata ko at kaagad na bumalik sa pagtakbo. It's okay Kianna. Just three more rounds and you're done!
Ubo ako ng ubo ng matapos ko ang sampung rounds. Basang basa ako ng pawis dahil sa nangyari at wala akong extra shirt. Bigla kong namataan si Lester na naglalakad papunta sa direksiyon ko dala-dala ang bag niya.
Tumayo ako at tinali ng mahigpit ang buhok ko bago ako tumakbo papunta sa bag niya at kaagad na binuksan iyon. For sure he has a towel. I know he's always ready.
“Kianna what are you doing?” tanong pa niya habang hindi gumagalaw.
Hinalungkat ko ang bag niya hanggang sa may nakita nga ako. Isang lampin. Agad na kinuha ko ito at akmang ibibigay sakanya ng bigla akong may nakitang sulat na nakaborda rito.
Bathory.
Napahaplos ako sa ganda ng pagkaborda nito. Pati ang pagkakahabi ng lampin napakaganda.
“Les? Ba’t may lampin ka?” kunot noo kong tanong sakanya at isinara ang bag niya.
Kaagad na humarap siya saakin at akmang kukunin ang lampin ng inilayo ko ito sakanya. “Tell me ba’t may lampin ka? You always brought face towels to school not swaddling clothes.” seryoso kong saad sakanya.
Hindi na mapakali ang mga mata niya at mukhang hindi alam ang sasabihin. “May nabuntis ka ba?” dahil sa tanong kong ‘yun ay napabulanghit siya ng tawa kaya naman kinunutan ko siya ng noo ko.
“H-hindi no. Nakita ko lang ‘yan kanina sa may labasan at pinulot ko. Sayang naman ang ganda pa kasi nagpakaborda eh.” simpleng sagot niya
Hindi na ako nagtanong pa at agad nalang na ibinigay sakanya ang lampin kaya naman kunot-noo niyang tinitigan ito. I motioned him to move at tumalikod ako.
“Lagay mo sa likod ko Les. Basang basa na ako sa pawis at wala akong extra shirt.” saad ko pa sakanya at hinintay siyang kumilos. Pero ilang segundo pa walang Lester na nagsalita kaya hinarap ko ulit siya at doon ko siya nakitang tulala.
“Les? Ilagay mo na sabi eh.” ungot ko pa sakanya.
Napakurap-kurap siya at napatikhim. “Are you sure Kianna? I'm a man and—”
“Just put it in already goddammit! I don't care what people would say all I care is my back!” there, I was ran out of patience. Kasi wala naman talaga ako noon. I'm hotheaded.
He immediately obliged at ng matapos ay tila napapaso siyang lumayo saakin. I smiled when I faced him.
“Thanks. Susunod ka rin naman pala eh. Gusto mo talaga palagi kitang pinipilit.” nakangiting saad ko sakanya at inabot ang bottled water na dala ko.
BINABASA MO ANG
Royal Blood University 1: The Vampire's Beloved
VampireRoyal Blood University is full of mystery so when Kianna received an invitation, inviting her to transfer to Royal she didn't hesitate to accept the offer. As a trouble maker Kianna finally found out the University's biggest secret. It was a vampir...
