Chapter twenty-four

271 15 35
                                    

Tumakbo ako nang tumakbo at minsanang nagsosorry sa mga nababangga ko. I can't see clearly because of my blurry eyes. Hindi ko alam kung may sakit na ako sa puso dahil wala namang oras sa isang araw na hindi masakit ang dibdib ko.

Hindi ko na nakita si Timothy sa paligid kaya siguro ay uuwi na lang din ako mag-isa sa bahay o baka bumalik na lang din sa school. I should not waste any centavo that Daddy spent for my studies kaya baka nga bumalik na lang din ako ng school tutal baman ay wala akong gagawin sa bahay.

Siguro dahil private ang ospital kung nasaan ako ay walang masyadong tao na makakasalubong sa hallway o sa entrance kaya malaya rin akong nakapaglakad ng mabilis. I don't want to imagine my mom's angry eyes looking at me. Kitang-kita kanina na ayaw niya ako roon, kaya pinilit niyang magpanggap na malakas kahit na hinang-hina siya.

But my mood got uplifted as I saw a familiar build of a man. He is now talking to a man while his knitted brows are still vivid. Di ko alam kung bakit pero unti-unting bumigat ang dibdib ko sa ikalawang pagkakataon. Mas mabigat. Mas nakakalunod. Mas nakakatakot.

Ang ala-alang pinipilit kong ibaon sa limot sy bumulaga sa aking harapan. Alam na alam ko, magulo man at puno ng ingay ang paligid ay kitang-kita ko ang mukha niya. The man who killed my daddy is here, in warm blood and flesh. Buhay na buhay.

Bakit niya kausap si Timothy? Is he here for what? Baka guluhin na naman niya si Mommy! May kinalaman ba si Timothy sa mga nangyari? What is his connection to the man I hated the most?

"I heard from the investigator that she is here! You are the one who brought her here. What happened? Is your sister okay?" my mind went blank. I mentally cursed and hissed. Baka naman kaya nawala sa tabi ko si Timothy ay may nangyari sa kapatid niya. O baka nagtext ang kapatid niya at nagpapasundo.

Bakit sila nag-uusap ng kaswal na parang kilala niya ito. Nawala na ang lahat ng dahilan na pumasok sa utak ko. All I thought is he was asking Timothy about directions pero mukhang personal na kilala nila ang isa't isa.

Pinipilit kong ipasok at tanggapin ang mga dahilan na pumapasok sa isip ko kahit na alam kong sa pagitan ng paghihiwalay namin ni Timothy ay alam kong imposible yon.

"Dad, I told you already, hindi siya. Sinamahan ko lang siya para bumisita sa Uncle niya." Timothy is massaging his temples, like the man he is with is giving him headaches.

Kusang nanumbalik ang pagtambol ng malakas ng dibdib ko sa narinig. Kapapahinga lang dulot ng pagtakbo ay ito na naman.

"Pero gusto ko pa ring makita ang kapatid mo," nagsusumamong saad ng lalaki. Kung hindi ko lang alam ang kanyang kademonyohan ay masasabi kong isa siyang ama na miss na miss na ang kanyang anak.

Inihilamos ni Timothy ang palad sa kanyang mukha saka nakapamewang na tumingin sa lalaking tinawag niyang daddy. Well, hindi pa rin ako makapaniwala. How can he hide that to me, eh alam naman niya ang itsura ng taong pumatay sa daddy ko. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko siya kapatid! That night, the same night na gusto mong makuha siya ay ang naging dahilan kung bakit namatay si mama na walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka! Iniwan mo siya kaya siya nagpakamatay!" rinig na rinig ko ang mga sinasabi niya.

My heart beats as fastest thar it could. I narrowed my eyes to see the man Timothy's talking to.

Hindi. Imposible! I mentally shook my head to prove myself that I am wrong. I let the fingers on my thumb to dig on my other fingers para makaramdam ng sakit. Namamahid ako. Nag-aangatan ang mga balahibo ko at nang napatingin ako sa salamin na dingding ay kita ko ang pamumutla ng mukha ko.

My heart felt numb, unti-unting nagsisink in sa akin ang lahat. Dahan-dahan ang mga hakbang ko paatras para makaiwas. Ayoko, ayokong makita siya. Siya ang naging dahilan kung bakit ako miserable.

Mess Series #1: Faded Smiles [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon