Chapter twenty-six

299 17 31
                                    

Halos dilat pa rin ang mga mata ko nang tumunog ang alarm sa kwarto ko. Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon. Naalala ko kung paano si Mommy kagabi. I hope she is okay now. Sana ay nasa maayos na kalagayan si Tito.

He still my favorite's person brother kaya ayaw ko rin na mapahamak siya. I smiled bitterly. I can't even call him my dad anymore dahil kahit ako ay nahihiya sa mga nalaman ko. My own flesh pulled a trigger on him making him dead na pakiramdam ko ay kasalanan ko rin kaya kahit na gaano ko siya kagustong tawaging daddy  pakiramdam ko ay wala akong karapatan.

Saglit lang akong nag-ayos sa sarili para mabilis na makababa. I should check on mommy, alam ko kasi ay dumiretso siya sa kwarto niya matapos niyang sabihin sa akin ang kahilingan niya.

Pinakiramdam ko ang dibdib ko nang marinig ko na ulit sa tenga ko ang sari-saring mga bulong. I am hearing things again but katulad ng nangyari noon, kahit na anong bulong at salita ang naririnig ay wala akong maramdamang sakit o hapdi sa sistema ko.

I smiled bitterly. Manhid na naman ako.

I held my bag tighter as I walked towards the staircase. Dinig na dinig ko ang boses ni Mommy, siguro ay may kausap sa telepono.

"Kumusta Doc, mayroon na bang possible kidney donor para kay Rommel?" I watched her massage her temples, maybe because of hang-over. Luckily, yesterday, she didn't passed out.

"Pero kaya pa naman niya, Doc, hindi ba?" She put her fist above her lips while listening on the other line.

"Hindi ba pwedeng paunahin na siya, doc kapag may nahanap?" Mabilis ang naging pagkilos ng kamay niya para mapunasan ang mga luha sa mga mata niya.

Tahimik kong tinahak ang kusina at nakita ang ilang katulong na naroon na naghahanda ng breakfast.

"Yaya Rina, nasaan po si Yaya Minda?" Kahapon ko pa kasi siya hindi nakikita kaya nakakataka na wala pa rin siya hanggang ngayon.

Rina's eyes looked away, she keeps her mouth shut pero hindi makatingin sa akin.

Napakunot ang noo ko sa pananahimik niya, iginala ko ang mata konsa kusina pero miski ang iba naming kasambahay ay parang iniiwasan ako dahil sa aking tanong.

Nang alam kong wala akong makuhang sagot ay naglakad ako papuntang maid's quarter na malapit lang sa kusina. Air-conditioned din ang kwarto nila pero sama-sama na sila. Malaki at may tatlong double-deck para sa anim na kasambahay.

Yung isahang folding bed na para kay Yaya Minda ay nakatupi na kaya bigla na lang kumabog ang dibdib ko. Marahas ang bawat paghakbang ko papuntang closet dapat ni Yaya at doon  ako nanlambot bigla. Napaupo ako sa sahig habang diretso ang mga mata kong nakatingin sa closet na walang laman. Nagbagsaksakan na rin ang mga luha ko ng wala na akong makitang laman bukod sa isang sobre. Nanginginig man ang kamay ay pinilit kong abutin ang papel and my tears begun to fell as I read whose letter is this for.

I traced the ink she used writing my name.

Binuksan ko ang sobre at nakitang may sulat nga roon at bond paper. Binuklat ko ang bond paper at nakita ang drawing ko noon na binigay ko sa kanya. Makulay ang guhit na yon. May malaking bahay tapos may batang babae na nandoon kasama ang isang babae, habang hawak naman ng isang kamay ng bata ang lalaki tapos katabi ng ginoo ang isang babae sa picture.
This is my drawing of how I see my family few years ago. Yaya Minda belongs to my family.

Aryl ija,

Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal ka ni Yaya. Ikaw na ang nagsilbi at pumalit sa aking anak na nagtatrabaho sa ibang bansa sa ngayon. Pasensya ka na at hindi ka na masasamahan ni Yaya sa ngayon pero palagi mong tandaan na mahal ka ng tatay mo. Mahal ka ni Daddy Rodrigo mo. Saksi ako sa kung gaano ka niya kamahal. I witnessed how he cried when you say 'Daddy'as your first world. Anak ka niya, tinuring ka niyang prinsesa kaya sana ay matutunan mo rin ulit mahalin ang sarili mo. Sana sa muling pagkikita natin,makita ko na ulit ang napakagandang mga ngiti mo. Yung totoong ngiti ng alaga ko. Wala akong hiniling kung hindi ang gabayan ka, alam ko na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa daddy mo pero palagi mo sanang tandaan na wala kang kasalanan. Hindi ka niya iniligtas para parusahan. Iniligtas ka niya dahil mahal ka niya. Hindi man kita masamahan ngayon ay hinihiling kong gabayan ka niya sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo.

Mess Series #1: Faded Smiles [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon