Chapter 5

7 2 0
                                    

Nang marinig ko yung boses na yun bumalik yung bilis ng tibok ng puso ko at hindi na ako makaimik kasi hinding hindi ko makakalimutan yung boses na yun. Hindi ko magawa magsalita kasi naghihintay ako ng susunod na sasabihin niya sakin

"Kamusta ka na? Kita naman tayo oh"

Tanong niya sakin at ako naman napalunok kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya at hindi ko din alam ang isasagot ko sakanya kasi na-speechless talaga ako

"Punta nalang kita sainyo bukas"

Dagdag niya pa at ako naman nagulat kaya napasagot na ako ng wala sa oras

"Ah okay naman, ikaw ba? Ah busy ako kasi maraming pinapagawa sa school tsaka wag ka na pumunta dito sa bahay magulo dito"

Palusot ko sakanya pero sana umepektib naman kasi alam niya kapag nagpapalusot lang ako kaya kinakabahan ako sa isasagot niya

"Ah ganun ba? Okay lang din naman ako. Ay nga pala may pinadala akong food dyan sainyo, kumain kana ba?"

"Ah eh"

"Ih oh uh HAHAHAHA"

Tugtong niya sa sinabi at natawa naman siya sa sinagot niya. Putek ka! Wag kang tatawa. Rurupok nanaman ako.

"Ah di pa ako kumakain hehe"

Pagsisinungaling ko sakanya at hinihintay ko ang sasabihin niya sakin kasi.... ahm walalang hehe

"Sus! HAHAHA sarap na sarap ka nga nakita ko sa pinadala ni Tita na video sakin"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the! Vinideohan ako nila Mama habang kumakain tapos pinadala kay Ciel?! Ano ba naman yan!! Parang hindi naman Mama

"Ah eh HAHA, kamusta kayo ni Stacey?"

Pagbabago ko ng usapan at nung binanggit ko yung pangalan ni Stacey sumakit nanaman yung dibdib ko. Walang umimik samin dalawa kaya ang awkward ng dating

"Ah sorry HAHAHA wag mo nalang sagu—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya na agad ko naman ikinagulat

"Break na kami, 1 year ago lang"

Kasi ang balita ko simula nung tumungtong si Ciel sa highschool doon siya sinagot ni Stacey at sayang naman yung 5 years na pinagsamahan nila. Kahit masakit yung nalaman kong naging sila suportado ko parin sila. Kasi bilang kaibigan, susuportahan mo yung taong mahal mo sa taong mahal niya.

"Ah sige na, Via. Baka may gagawin ka pa kita nalang tayo kapag free ka, pwede ka rin naman pumunta dito sa bahay kapag pwede ka"

Saad niya at yung boses niya halata kong paiyak na kasi parang nanginginig yun at pinipigilan niya lang umiyak

"Okay sige, pahinga ka. See you when i see you, Ciel"

"Okay, bye. Salamat"

Hindi niya na ako hinintay na sumagot at binaba niya na agad yung tawag at ako naman nagsisi sa tanong ko sakanya, tinabi ko na yung phone ko at naglaptop naman ako ngayon. Naalala ko nga pala may message sakin si Ciel kaya naman tinignan ko yun kasi tutal naman wala akong ginagawa

Cj Francisco

Unsent the messsage

Putek hindi ko pa nga nakikita iunsent na agad?! Hayup na bagong messenger na yan! Hindi ko pa nababasa eh! Sana pala binasa ko na kanina pa. Nagmessage ako sakanya gamit ang messenger ko

Olivia Alexis

Anong yung binura mo?

Cj Francisco

Wala yun HAHAHA
Cj sent a video

Clinick ko yung video na sinend niya sakin, nakita ko yung sarili ko na kumain yun yung kanina na sinasabi niya na sinend daw ni Mama sakanya. Shems naman talaga! Nakakahiya!

Olivia Alexis

Uy burahin mo yan!!! Nakakahiya!🙈

Cj Francisco

😝😝😝

Yun nalang yung naisagot niya sa sinabi ko kaya naman nagreact nalang ako ng HAHA doon sa emoji na sinend niya sakin. Nagpahinga na ako kasi napagod ako sa dami ng project na ginawa ko at pahiga na sana ako ng maalala ko yung kwintas na bigay sakin ni Ciel at napangiti nalang ako bigla

*

"Olivia!!!!"

Sigaw ng isang boses lalake kaya napalingon ako at nakita ko si Ciel na tumatakbo papunta samin ni Bea. Ano nanaman kaya kelangan nito? Mang aasar nanaman siguro 'to

"Oh ano nanaman yun?!"

Kunyaring naiirita ako kasi baka ganito ang mood ko, nang aasar siya lalo pero ako sinusungitan ko lang siya

"May ibibigay lang ako sayo, kasi nakalimutan ko kahapon"

Saad niya sakin at may nilabas siyang maliit na kahon muna sa bulsa niya at nung pinakita niya sakin yun, nanlaki yung mata ko ng makita yung kwintas na gustong gusto ko. Nakwento ko kasi sakanya na may natitipuhan akong kwintas pero hindi ko sinabi kung ano design no'n HAHAHA pero ngayon, omy!

"Yiiieee!!! May pa-kwintas si Kuya mo Ciel!!!"

Kinikilig na saad ni Bea kaya naman ako napatingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin kasi ayokong mag isip si Ciel na may gusto ako sakanya, well oo nga meron akong gusto sakanya pero ayokong malaman niya yun kasi baka masira yung pagkakaibigan namin

"Ciel hindi mo naman kelangan bilhan yan para sakin, dapat bigay mo nalang kay Stacey"

Saad ko sakanya at nakita yung itsura niya na sumimangot pero dahil nga ayaw ko siyang nakikitang malungkot kinuha ko sakanya yun

"Pero dahil dream necklace ko 'to kukunin ko!"

Masayang kong saad sakanya at nakita ko naman yung itsura niya na nagliwanag bigla at niyakap niya nanaman ako. Hilig nito yumakap sakin, feeling close, charot. Pero kinikilig ako, hindi lang halata.

"Thank you ng marami, Ciel"

Bulong ko sakanya habang nakayakap pa ako sakanya at bigla namang may umubo sa likod ko at doon ko lang napansin na kasama ko pala si Bea kaya napabitaw na ako ng yakap kay Ciel

"Sige Olivia, una na ako"

Saad niya at ako naman tumango sakanya at si Bea naman tinawag pa siya. Anong kelangan nitong babaeng 'to?

"Dapat kapag nagbibigay ka ng kwintas, sinusuot mo sa pagbibigyan mo"

Saad niya kay Ciel ng makalapit ulit dito at ako naman siniko ko si Bea at sinamaan siya ng tingin at si Ciel naman napangiti

"Oo nga 'no! Yun din yung sabi sakin ni Mommy"

Saad niya naman kinuha niya sakin yung kwintas at pinatalikod ako at yung buhok ko naman hinawi ko para maisuot niya agad yung kwintas sakin at si Bea naman kitang kita ko na kilig na kilig sa gilid

*

Napapangiti ako habang inaalala 'yon. Alam ko nakatago pa yung necklace na 'yon sa damitan ko, pero bukas ko na check kasi pagod na ako at matutulog na ako.

Almost Forgotten (Childhood Memoirs Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon