Ika-2 Kabanata

50 0 0
                                    

Kabanata 2. Family Portrait

Tatlong araw na ang lumipas nang makauwi ako rito mula sa aming tahanan.

"Ngayon na pala ang dating ng larawan ng pamilya Romero"

Narito kami ngayon sa kusina. Ang lahat ay abala sa kani-kanilang gawain para sa paghahanda ng tanghalian para sa mga bisita rito sa mansion.

"Balita ko pa'y, ipininta pa ito ng isang sikat na pintor sa Italya."

"Talaga? napaka swerte naman natin at isa tayo sa makasisilay ng isang obra maestra"

Kanina pa sila nagkukwentuhan tungkol sa larawan na ipininta kuno ng isang kilalang pintor na nagmula pa raw sa Italya. Ang kauna-unahang larawan ng pamilya Romero.

"Ano raw ang pinagkuwentuhan nila?" tanong ni Isyang habang nagpupunas ng kahuhugas pa lang na mga plato.

"Tungkol sa larawan. Masyado lang silang nagagalak sa larawang iyon"
Hindi ko na pinansin pa ang mga kasamahan naming nagkukwentuhan. Pero alerto naman ang aking mga tainga.

Sinita naman sila ng aming punong tagapagluto. Naingayan na rin siguro ito.

Laking pasasalamat ko at hindi naatasan si Selya rito sa kusina. Baka maurat lang ako sa boses niya at maisungalngal ko itong sandok sa bunganga niya.

Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako sa babaeng 'yon. Palagi na lang niya sinisira ang maganda naming araw.

"Kayong dalawa. . ."

Agad kaming naalerto nang bigla-bigla na lang sumulpot sa aming harapan si Señora Matilde, ang mayordoma ng mansiong ito. Minsan ay nagugulat na lang ako sa pa bigla-biglang sulpot nitong si Matilde.

Dati ba siyang kabuti?

"Ano ho iyon, Señora?" pinunasan ko na naman ang basa kong kamay sa basahang nasa aking tabi.

"Samahan ninyo si Selya sa paghahanda ng mga putahe"
aniya habang malakas na ipinapaypay ang kanyang pulang abaniko-- iwinawasiwas niya kasi ang mga usok na maaaring dumikit sa kanyang balat. Madalas nakataas ang kilay nitong si Matilde, minsan pa ay mapagkakamalan mo talaga siya ang Donya nitong hacienda. Marahil ay dala ng mga makukulay na palamuti sa kaniyang katawan at mahahaling alahas.

Agad naman kaming nagkatinginan ni Isyana. Sa dinarami-rami ng maaari naming makasama ang babaeng iyon pa. Baka maibuhos ko lang sa kaniya ang mainit na sabaw.

"Abah, himala at tahimik siya ngayon" kanina pa kami pabalik-balik mula sa kusina at dito sa napakalaking salas ng mansion.

Taka kong tiningnan si Selya 'saka ibinaba ang bagong lutong letson na mula pa sa kabilang lalawigan at ipinatong sa gitna nitong napakahabang lamesa.

Nakatungo lang ito at. . . humihikbi ba siya?

"Ayos ka lang ba, Selya?" mahinahong alo ni Isyana kay Selya. Umikot lang ang mata niya dito.

Napataas na lang ang kilay ko 'saka humalukipkip. Siya na nga itong inaalala, tsk.

"Hayaan mo na lamang siya, Isyana. Baka may pinagdadaanan 'yung tao" asik ko.

Mayamaya pa ay pinapila na kaming lahat sa gilid ng malaking pinto ng mansion. Wala ni isang gumagalaw sa amin sa takot na mahampas ng abaniko ni Matilde.

Naalala ko pa noong biglang nangati ang binti ko. Nagulat na lang ako nang may humampas sa aking balikat. Kamuntikan ko pang masigawan si Matilde dahil sa pagkagulat. Buti na lamang talaga at agad kong natakpan ang bunganga ko.

"Magsi-ayos kayo ng tayo" ani Matilde sa maawtoridad nitong boses.

Agad kaming umayos ng tayo. Ganito talaga ang aming nakasanayan sa tuwing may mga panauhing pandangal ang bibisita sa hacienda Romero.

Beneath The Sun's Heartbeat (on-going) Where stories live. Discover now