Ika-1 Kabanata

133 8 0
                                    

(This is a work of fiction. Walang kinalaman ang istoryang ito sa nakaraan at sa kasalukuyan.)
~*~

Kabanata 1. Hacienda

"Magandang umaga po, Aling Belen" masiglang bati ko sa matandang may-ari ng balon na pagliliguan ko.

"Magandang umaga din, Klara"

Ibinaba ko na ang hawak kong palanggana at saka sinimulang sumagop ng tubig mula sa malalim na balon.

"Ngayon na ba ang alis mo patungo sa Hacienda Romero?" tanong nito.

"Opo, kailangan ko na pong bumalik sa Hacienda. Hanggang ngayon na lang po kasi yung palugit ko" asik ko.

Nang mapuno na ng tubig ang palanggana ko ay sinimulan ko ng magbuhos.

"Oh kay lamig..." madaling araw palang kasi, kailangan ko na kasing makabalik sa Hacienda bago sumikat ang araw. Kung kaya't naghahanda na ako madaling araw palang.

Nang matapos na ako sa pagligo ay agad akong nag pasalamat kay Aling Belen. Naglakad ako sa mahabang pilapil dala ang aking palanggana. Madilim dilim pa kung kaya't maingat ako sa aking paglakad. Ang layo ng nililiguan ko ano?

Ginagawa palang kasi nila kuya ang sarili naming balon para hindi na kami mahirapan pang tahakin ang tahanan nila Aling Belen na siyang pinagkukunan namin ng sariwang tubig. Malayo rin kasi ang ilog dito.

Mas malamig ang simoy ng hangin dito sa palayan. Kasabay nito ang ingay ng mga kuliglig.

'Nung una ay takot pa akong magtungo rito mag-isa, baka kasi may masalubong ako ditong babaeng lumutang tulad ng kinukuwento sa akin nuon nila kuya o kaya naman may ahas na bigla bigla nalang susulpot, kaya lagi akong nagpapasama nuon sa pinsan kong si Mika. Pero 'di kalauna'y nakasanayan ko na ring tumungo rito nang mag-isa. Tamad kasi 'yon gumising nang ganito kaaga, kaya nakasanayan ko na rin.

"Oh!~ Kay gandang umaga, dalagitang naliligo walang kasama, tamad kasi gumising pinsan niyang si Mika, kung kaya't sa pilapil nag-iisa lamang siya~"

Ito ang lagi kong ginagawa kapag mag-isa akong umuuwi.

Sabi nga nila, kapag nakaramdam ka ng takot idaan mo na lang sa pag-awit.

At oo, inaamin ko na nakasanayan ko na ito ngunit pa tuloy parin akong ginagambala ng aking takot.

"Ko Kak! Ko Kak!"

"AY PALAKANG HITO!"

jusmiyo marimar naman 'tong palakang ito.

"Ikaw palaka ka, wag mo akong ginugulat ng ganyan. Jusko! aatakihin ako sa puso eh. Mamamatay ako sayo nang maaga"

Kamuntikan ko ng mabitawan ang palangganang hawak ko.

"Pasalamat ka at hindi ko nahampas sayo itong palangganag hawak ko"

Hindi ko namalayang nalagpasan ko na pala ang mahabang palayan na iyon.

Wala na rin ang palakang gumulat sa akin kanina. Pabalik na ata siya sa tahanan niya. Nilalamig na ako kailangan ko ng makapag palit ng damit.

Pero bago ako tuluyan makauwi sa amin ay mahaba haba pa ang aking lalakarin. Malamang kung maliligo ako ng maaraw ay pagod at pawis na ako niyan bago makauwi sa amin. Ito na rin naman ang huling araw na maliligo ako sa balon ni Aling Belen.

Hindi na masyadong na kakatakot dito 'di tulad sa palayang iyon.

Kahit wala akong dalang gasera ay ginagabayan naman ako ng buwan sa mga oras na ito.

Buti na lamang ay may nakakasalubong na akong mga tao, mukhang magsisimula na silang mag trabaho sa bukid.

"Magandang umaga, Klara" masayang bati nila sa akin sakay ng kanilang mga kalabaw.

Beneath The Sun's Heartbeat (on-going) Where stories live. Discover now