7:30 A.M.

46 0 0
                                    

Miyuki's POV

7:30 A.M.  na at naglalakad parin ako papuntang train station na sasakyan ko papuntang school namin. Di naman talaga malayo yun eh, kao may binili pa kasi ako kanina sa book shop na nadaanan ko at napatagal ako. 

"Yuki-chan!!!"  Napahinto ako at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Sa tinis at ingay palang ng boses ay hindi mo maitatangging bestfriend ko nga iyon.

"At kelan ka pa naging Japanese, Rica? Anong trip mo ngayong araw na 'to?" I asked her with full sarcasm nang makalapit na siya sa akin. Sabay naman kaming naglakad patungong train station.

"Ano ka ba? Uso yun ngayon lalo na sa mga otaku!" she said while wiggling her eyebrows.

"Mukha kang tanga!"  

"Ouch! Ang hard mo bestfriend." sabi niya with matching acting pa na parang magkaka heart attack.

Napairap nalang ako sa kanya. Haay! wala na talagang pag-asa ang babaeng ito. #PoreberOA

7:45 A.M. na nang makarating kami sa station at hinihintay nalang naming dumating ang tren.

8 A.M. Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon