ISFFWIHS

0 0 0
                                    

𝐈'𝐌 𝐒𝐎𝐑𝐑𝐘 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑, 𝐅𝐎𝐑 𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐈 𝐇𝐀𝐕𝐄 𝐒𝐈𝐍𝐍𝐄𝐃

"Elena, ano ang gagawin natin!?" naghihisterikal na sambit ng boyfriend ko na si Gio. I understand him, sino bang hindi maghihisterikal sa sinabi ko?

"I don't know, Gio." Mahina kong sabi or should I say bulong dahil sa sobrang hina ng boses ko.
Ilang beses ang narinig kong mura sakanya.

"We are just sixteen at papatayin ako ng Dad ko kapag nalaman niya ito! Naiintindihan mo ba? Ha!" nakikita ko ang gigil sa bawat pagsambit niya ng salita.

"Ipalaglag mo yan!" nagulantang ako sa sinabi niya.

"What? Nababaliw ka ba? Gio, kasalanan yon! At hindi ko nanaisin na gawin yun!" oo, kanina takot ako pero sa sinabi niya mas natakot ako.

"Elena please, I don’t want us to be in this situation. And besides maliit pa naman ang tiyan mo walang makakahalata." Kalmado na niyang sambit.

"Eh tangina mo pala e! Sabihin na natin wala ngang nakahalata. Pero mayroong nakakita, Gio...Alam mo yan.'' sabi ko.

"Kung ayaw mong panindigan. I can do it alone. Ako na bahala sa amin." Nagsimula na akong tumalikod sakanya para maglalakad na pauwi.

I was about to go when he speaks.

"Your'e going home. But not with that unborn child."

Naramdaman ko nalang na hinigit niya ako papasok sa isang kwarto dito sa pinagkitaan namin.

Nakita kong akma niya ako susuntukin kaya agad kong kinagat ang kamay niya at agad akong pumiglas sakanya. Nakita ko ang isang basag na vase sa tabi ito at tinarak sakanya.
Gulat ako ng bumagsak siya ng nanghihina.

"O my gosh! Gio." Nilapitan ko siya, alam kong napuruhan ko siya dahil sa leeg ko naisaksak. "I'm sorry Gio." Umiiyak kong sabi habang nasa hawak ang kamay niya. "But you better be dead!" nag iba ang boses ko. Tumayo ako at kinuha ang isang kahoy sa gilid at itinarak sakanya ito.

Hingal na hingal ako ng magising ako sa isang bangungot. Buti na lamang at panaginip lang yun. Agad akong kumilos at umalis sa bahay.
Pumara ako sa isang tric na papalapit saakin. "Kuya, sa Celes Park ho tayo." Naibaba ako dito sa park. I badly need to have time with myself.
Naglakad lakad ako at bumili ng pagkain sa nakita kong bakery shop.

Nandito na ako sa simbahan para mag pa kumpisal. Nag bless ako kay Father at nag simula na magsalita.

"I'm sorry Father, for what I have sinned."
"Ituloy mo lang, makikinig ako." Naka ngiting sambit niya.
"Napatay ko po ang nobyo ko twenty seven years ago. Araw araw na ako binabangungot, pinipilit ko lagi na hindi totoo yun sapagkat mahal ko siya at hindi ko kayang saktan siya. Napatay ko po siya—" nagsimula nang pumatak ang aking luha hanggang sa naging hagulgol na.

"Dahil mas pinili ko ang anak ko, father..." Tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan ang kanyang mga mata.

Kitang-kita ang kaguluhan sa mga mata niya.

"Mas pinili kita...

anak ko".

──────────
🖋️; E.Z (2020)

AA—
HALAAAAAA ANG SAYA KO NAG RANK #23 TAYO SA GENRE. SUMASABOG PUSO KO SA SOBRANG SAYAAA✨💗 THANK YOUU

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now