PLAGIARISM IS A CRIME

0 0 0
                                    

𝐏𝐋𝐀𝐆𝐈𝐀𝐑𝐈𝐒𝐌 𝐈𝐒 𝐀 𝐂𝐑𝐈𝐌𝐄
───────────────
Isa akong manunulat na walang masyadong mambabasa.

Ngunit itunutuloy ko pa din dahil masaya ako.

Masaya akong naibabahagi ito sa iba.

Ang mga ideya ko.

Ang luha at saya.

Ang mga nararamdaman ko.

Ang dugo't pawis ko sa pagsusulat

Pati ang puso ko ay inialay ko para sa gawa ko.

Gusto ko bawat salita maramdaman nila, ng aking mga mambabasa kung ano yung nararamdaman ko.

Hanggang sa nakilala ko ang isa pang manunulat. Isa siya sikat na manunulat sapagkat kakaiba ang mga gawa niya. Andaming humahanga sakanya, dahil sa aking galing niya. Nahumaling ako sa mga gawa niya.

****
Tuloy pa din ang pag gawa ko ng mga akda.

Pero ngayon ay nawawalan ako ng ideya kung ano ang isusulat ko.

Kailangan ko ng inspirasyon.

Hanggang sa nakita ko sa notification ko ang pangalan ng iniidolo ko.
May bago siyang mga akda!

Agad ko itong pinindot at ito ay aking binasa.

Malapit ko ng matapos ang akda na ginawa ng iniidolo ko.

Mas lalo akong naguluhan.

Sapagkat patagal ng patagal ako ay nagugulat

Alam ko ang mga susunod na pangyayari.

Alam na alam ko.

Iba man ang mga karakter.

At ang 'title' man ay iiba.

Alam kong akin ito.

Ninakaw ng aking iniidolo ang gawa ko.

Natapos ko ang akda at tinignan ang mga humahanga.

Sikat siya kaya marami siyang nauto.

Marami siyang dinaya.

Maraming humanga sa akdang hindi kanya.

Walang kaalam alam ang iba na ninakaw niya iyon.

Hindi man siya makukulong

Alam kong krimen ang ginawa niya.

Gusto ko sanang ipaglaban na akin iyon.

Ngunit anong magagawa ko?

Wala.

Sapagkat mas sikat siya

at ako lang ang gumawa ng akda na hindi naman kanya.
🖋️: @E.Z (2020)

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now