Taekwondo

5 2 0
                                    

RAI's POV


Umorder ako ng burger and french fries' para saming lahat, sinama ko na rin si Nurse Oli. Si Suzie ay tinanggihan ang panglilibre ko sakanya dahil meron naman daw siyang pera. Tch.

"Tara?" ika niya.

"Andami mo naming binili, Para kanino yang mga yan?" tanong ko dahil 5 iba't ibang chitchirya ang nilalagay niya sa bag, at meron pa. Fries and burger with coke. Tch gutom na gutom ba siya.

"Ahh hindi ko alam concern ka pala saki—-"

"No, I am not. Tinatanong ko lang." pigil ko sakanya. At nagpaunang maaglakad. Bakit ko ba kinakauusap to.

"Hey, biro lang." sabi niya na nasa tabi ko na.

"Tch. Paano mo pala nagawa yon kay Cisco?" tanong ko. Kasi hindi parin ako makapaniwalang nakatulog siya.

"Sinong Cisco?" she asks.

"Cisean Coe. Pinagsama ko ang pangalan niya. Kaya Cisco" paliwanag ko.

"Hmm sounds like gay, Hahahaha. Ehem sorry." Paumanhin niya dahil sinamaan ko siya ng tingin. Hindi niya nalang sagutin tanong ko. Palihim ko siyang tinignan.

Hindi kaya, kaya siya nandito sa Star Academy dahil basugulera siya. Hindi ko man nakita kung anong ginawa niya kay Cisco alam kong konti lang mga nakakagawa non. Kahit sabihin nating self-defense lang yon. Sanay na siguro siya, kase sa tindig niya palang matatakot na sakanya ang mga babae at lalaki. Tch but not me.

"Natutunan ko yon sa taekwondo." She said. Saka tumingin sakin.

Napahinto ako sa paglalakad. Pati siya ay napahinto rin. Tinignan ko siya uli para tignan sa mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Totoo. Hindi ako makapaniwala. Kung titignan mo ang pangangatawan niya ay maganda. Siguro ay dahil nag wowork out siya. Hindi man lang sasagi sa isip ko na taekwondo siya.

"Wag ka ngang tumingin ng ganyan, iisipin kong may gusto ka saken, Forsythe." Sabi niya saka siya nag paunang naglakad. Tch Sumunod nalang ako.


CISEAN COE's POV

Pagmulat ko ng mata ko ay si Caity ang nakita ko, nagbabasa ng libro. Bumangon ako. Shit ang sakit ng batok ko. Bakit andito ako sa clinic.

"Hey, are you okay now?" tanong niya.

"Huh oo. Bakit nandito ako?" tanong ko naman sakanya.

"Ano sa tingin mo?" balik tanong niya. Saka nagbasa uli.

"Can you just please answ—-" hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil pumasok si Sadako. Oww shitt I remember now! Si Rai ay bigla ring dumating may dalang pagkain.

"Hey are you okay now? How was your feeling?" sunod-sunod niyang tanong. Pero naka tuon lang ako kay Sadako.

"I'm sorry, Sadak--"

"I have a name. Call me Suzie. Apology Accepted. Okay ka na ba?" she said.

"Uhh Suzie sorry. Im o-okay now." Sabay lunok ako. Nabastos ko siya kanina pero nandito siya para kamustahin ako.

"Good for you."

"Biruin mo na ang bagong gising, wag lang ang black belter. Tch. Let's go Suzie. Sumunod na kayo may klase pa tayo bago ang lunch." Ani ni Caity saka sila lumabas.

Black belter! Woah! No, it can't be! TAEKWONDO?! Wala sa itsura niya. Naiwan kaming dalawa ni Rai.

"Give me that." Utos ko sakanya. Saka niya binigay ang burger at fries. Binuksan ko saka kumagat. It's absurb.

Dumating si Nurse Olie. At tinanong ako kung may masakit pa pero ang sabi ko ay wala na.

"Have some, Nurse Olie." Ika ni Rai. Saka bigay ng meryenda.

"Ohh so kind of you, Mr. Mendez. Wala ba kayong klase?" tanong niya.

"Oo nga pala. Punta na po kami, Nurse. Thanks." Rai said.

"Let's go? kaya mo ba?" Baling niya sakin. Pumauna na akong lumabas saka nag paalam kay nurse Oli. 

"Nakahanap ka ng katapat, hahaha. Hindi rin ako makapaniwala kanina nung sinabi niya sakin. Alam mo bang pamangkin yon ni Miss Love." Tawang tawa na sabi niya.

Miss Love and we are close. Hindi ko alam na may pamangkin siya. Pumupunta kami sa house niya minsan dahil kapit-bahay lang siya ni Rai pero wala man lang kaming alam na may kapatid siyang may anak.

"Hey. Dito ang room naten." Pigil niya saakin. Lumampas na pala ako.



{

Thank you for reading! Sorry sa mga wrong choice of words ;>

Please vote and help me get readers ;>

Godspeed <3

}

DON'T LIMIT YOURSELF TO THE SKIES WHEN THERE IS A WHOLE GALAXY OUT THERE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon