Ma. Teresita Alonzo
Malamig na simoy na hangin, payapang gabi, maniningning na bituin sa langit wala na atang iba pang depinisyon ng perpekto kung hindi ito na pagbubuo ko ng tula sa'king isip habang nakahiga sa duyang gawa sa rattan, na nakatali sa dalawang puno ng niyog. Kapit lang Sita malapit mo na'ding maabot ang lahat ng mga pangarap mo.
"Sita! Nasa'n ka! Alam mo bang sunog na ang sinaing mo? H'wag kang papakita sa 'king bata ka kung ayaw mong mapalo!", nako patay na naman ako Tiya Mabel! Tumayo na'ko sa duyan at agad na nagtungo sa maliit naming tahanan, lumingon akong pakaliwa't pakanan para masipat kung nasa likod ba ng pinto Tiya o wala.
"Ako ba ang hinahanap mo Sita?", at parang napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Tiya Mabel sa aking likuran. Pilit kong isinantabi ang takot ko at hinarap si Tiya ng nakangiti. Pero mukhang di ata uubra ang ngiti ko sa ngayon.
"Halika ka nga ritong bata ka", gigil na sabi ni Tiya Mabel habang pingot-pingot niya ako sa tengang iginiya sa loob ng bahay.
Iniupo ako ni Tiya sa aming lumang upuang kawayan habang nakaharap siya sa aking naka-pa-maywang at galit nag alit.
"Sita ano ba ha? Pagsasaing na nga lang hindi mo pa magawa ng maayos? Alam mo bang kakaunti na lang ang bigas na mayro'n tayo tapos magsasayang ka pa?" at heto na nga simula na ang sermon ni Tiya.
"Pasensya na ho Tiya Mabel hindi na mauulit", tanging sagot ko at inismiran lang niya ako.
"Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginagawa mo rito sa maghapon kapag wala ako?" agad akong napatingin sa 'king tiyahin na nanlalaki ang mga mata habang siya nama'y mas lalong dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ni hindi ko na nga namalayan na umalis na rin siya sa 'king harapan at nagtungo na sa aking kuwarto—hindi ang mga libro ko!
Halos liparin ko ang pagitan ng aming tanggapan papunta sa silid ko para lang maisalba ko ang mga gamit ko sa pag-aaral pero huli na ako, dahil nakita na ito ni Tiya Mabel at inihagis isa-isa ang mga libro ko papalabas ng kuwarto ang iba pa nga'y tumama sa'kin kaya napaupo na lamang ako sa sahig.
"Tiyang h'wag! H'wag po!", halos impit ko nang pasigaw habang isa-isa kong pinupulot ang gamit ko.
"Iyan ang pinagkaka-abalahan mo hindi ba? 'Yang pesteng pag-aaral na 'yan? Kaya hindi ka na nakakatulong dito sa mga gawaing bahay dahil palagi ka na lang wala at nasa labas! Lintik ka talaga! At sa palagay mo ba maisasalba ka ng pag-aaral na 'yan? Eh gastos lang 'yan at saka sino ba nagsabi sa'yo na puwede kang mag-aral ha?", tanging hikbi na lang ang kaya kong gawin habang nakasalampak sa sahig at tinititigan ang mga kaawa-awa kong gamit na halos hindi na maibabalik sa ayos o madadaan sa dikit ang mga libro at kwaderno ko.
"Halika rito at tuturan kita ng leksyon na talagang dapat mong matutunan", aamba na naman sanang muli si Tiya Mabel upang pingutin ako sa tainga ngunit saktong dumating si Tiyo Lando kaya hindi niya ito naituloy.
"Mabel anong ibig sabihin nito?" ma-awtoridad na tanong ni Tiyo Lando kay Tiya Mabel, hindi kaagad nakasagot si Tiya Mabel dahil sa pagkakataong ito ay nahuli na siya sa akto.
"Sita halika, tumayo ka", pagdalo sa'kin ni Tiyo habang ako'y kanyang itinayo at pinahiran ang aking pisngi na kanina pa dinadaluyan ng masaganang mga luha.
"Sita, pumaro'n ka na muna sa Nanang Lucresia mo at ako na ang bahala rito ha?" mahinahong sambit sa'kin ni Tiyo Lando, tango na lamang ang aking naisagot at kumaripas na ako ng takbo papunta sa bahay ni Nanang Lucresia.
Pagkarating na pagkarating ko ro'n ay naabutan kong nagtatahi si Nanang ng isang damit panlamig kaya umupo na lamang ako ng tahimik sa isang sulok para hindi ko siya maistorbo.
"Sita alam kong nariyan at hindi ka pa kumakain, halika na dine sa loob at may paksiw na galunggong diyan sa mesa pati bagong haon na kanin pagdamutan mo na", mas lalo lamang akong naiyak sa ng sabihin 'yon ni Nanang Lucresia hindi ko din alam kung bakit.
Dahil na 'din siguro sa kanya ko lang nararanasan na alagaan at mahalin, dahil sa t'wing may away kami ni Tiya Mabel ay dito ang takbuhan ko sa bahay niya. Nakakahiya nga dahil mula pa lamang no'ng 8 taong gulang pa lamang ako ay dito na ang taguan ko sakanya.
"Sita, apo?" pagtawag sa 'kin muli ni nanang at nang mapansin niyang hindi ako tumatayo sa kinuupoan sa labas ng bahay niya'y ito na ang lumapit sa 'kin. Inilapag niya sa kanyang tumba-tumba ang mga gamit pag-tahi niya at dahan-dahang naglakad papunta sa 'kin.
"Sita, apo alam kong iniisip mo. Hindi ka na iba sa 'kin, sa loob ng 8 taon na halos dito ang takbuhan mo at dito ka ibinibilin ng Tiyo Lando mo itinuring na kitang tunay kong apo hmm? Kaya sige tama nang iyak lamanan mo na 'yang tiyan mo para makatulog ka na at may pasok ka pa bukas hindi ba?"
"Nanang", tanging sambit ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
Nang makakain ako ng hapunan ay pumunta na 'ko sa silid ko rito sa bahay ni Nanang kwarto iyon ni Ate Mary-Ann na ngayon ay nasa Maynila na nagta-trabaho kaya madalang na lang umuwi rito sa amin sa Batangas, pero dito siya nakapagtapos ng pag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Talagang mas marami lang talagang opportunidad sa Maynila kesa dito.
Kinagabihan mga bandang alas-10 ay hindi pa 'din ako makatulog, kahit na anong pilit kong ipikit ang mata ko ay di parin ako dinadalaw ng antok kaya bumangon na lamang din ako sa 'king higaan at dinukot ang kanang-bulsa nang suot kong shorts kanina. At awtamatikong parang kinurot agad ang puso ko nang makita ko ang larawan ni Inang na karga ako sa kaliwang braso niya habang pareho kaming nakapaloob sa yakap ni Tatang sa palaruan ng paborito kong parke.
Sa totoo lang ay pareho ko nang silang hindi naabutan na buhay kaya ang talagang kinalakihan ko nang magulang ko ay si Tiya Mabel at si Tiyo Lando kaya kahit na parati akong nabubulyawan ni Tiya ay hindi ko magawang lumaban sa kanya dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala akong masisilungan dahil alam ko sa likod ng pagiging masungit ni Tiya ay mahal na mahal din niya ako sabi nga ng mga kababata ko dito sa 'min sa t'wing nakakalaro ko sila pinaniniwala ko lang daw ang sarili ko na mahal ako ng tiyahin ko.
Pero hindi ko na lang pinapansin 'yon dahil mas naniniwala ako na hindi naman lahat ng tao ay ipinanganak na tunay na masama may iba lang talaga na naliligaw ng landas, at may iba lang na natatabunan ang mga puso nila ng galit, inggit at hinanakit at sa pakiwari ko'y ganon si Tiya Mabel. Hindi ko lang alam kung sa'n nanggagaling 'yon pero sigurado akong mayroong dahilan kaya hanggang kaya kong intindihin si Tiya ay gagawin ko.
Ala-6 na ng umaga nang magising ako, mataas na'din ang sinag ng araw sa labas ng kuwarto ko kaya nag-ayos nako't naghanda para makagayak na 'ko pauwi sa 'min pero siyempre bago iyon ay ipagluluto ko muna nang masarap na almusal si Nanang bilang pagpapasalamat sa pagpapatuloy niya sa 'kin dito sa bahay nila.
Nang makatapos ako sa pagtutupi ng kumot at pag-aayos ng mga unan na ginamit ko ay bumaba na ako nang dahan-dahan didiretso na sana ako sa kusina pero naunahan na ata ako ni Nanang magluto dahil handa na ang mesa, nakalagay na 'din ang mga pinggan at baso, nasa upuan na 'din ang mga gamit ko—teka? Mga gamit ko?
Kinusot-kusot ko ang mata ko at di makapaniwala sa nakikita ko, nilapitan ko ang mga bag na nakalagay sa upuan hinaplos-haplos ang mga ito—mga gamit ko nga! Pero bakit nandidito 'tong lahat sa bahay ni Nanang?
"Oh hija, gising ka na pala. Mamaya mo na itanong kung bakit nandidito ang mga gamit mo sa bahay ko, umupo ka na muna sa hapag kainan para makapagsimula na tayong kumain at may pasok ka pa hindi ba?", tumango naman ako bilang pag sang-ayon.
Tahimik naming tinapos ang agahan ni Nanang Lucresia, kanina nga habang naliligo ay hindi ko na nakita ang mga gamit ko sa kung sa'n iyon nakalagak kanina. Sinabi na lamang sa 'kin ni nanang na nasa kuwarto na raw ito ni Ate Mary-Ann, at pagpasok ko nga'y nakaayos nadin ang mga gamit ko ro'n nakasalansan na ng maayos ang mga damit ko sa tokador, maging ang uniporme ko ay nakahanger at handa na.
Hindi ko na kinuwestyon pa ang mga bagay na sunod na nangyari, ang pagpunta ni Tiyo Lando na mayro'n nading mga dalang maleta at gamit at dumiretso na lamang ako sa 'king paaralan.
YOU ARE READING
The Coffee Bean Series : Aroma of Love Book #01 : Where Have You Bean?
RomanceMa. Teresita "Therese" Alonzo a 23 year old girl from the Coffee Capital of The Philippines, Amadeo Batangas aspires to be a young successful CEO of her own business, she graduated from BS/BA Operations Management. She comes to Manila for the very...