WHYB CH02

3 1 0
                                    



Ma. Teresita Alonzo

Makalipas ang 5 buwan. . .

Pagkatapos naming lumipat sa bahay ni Nanang Lucresia no'ng Nobyembre ay mas naging payapa na ang buhay namin ni Tiyo Lando, pero minsan ay di 'ko pa rin maalis sa isip ko si Tiya Mabel lalo na't mag-isa na lamang siya ngayon sa kabilang barangay. Ilang beses ko naring tinanong si Tiyo Lando kung babalikan pa ba niya si Tiya Mabel pero hindi siya nasagot, pero kita ko naman sa mga mata niya ang lungkot.

At ang lagi lang niyang sagot sa 'kin ay "Mas pipiliin kong protektahan ang kapatid ng Ate ko kaysa sa sarili kong pangkaligayahan", si Tiyo Lando na lang kasi ang natitira kong kamag-anak na buo sa side ni Inang paminsan nga nakaka-konsensya na ako pa ang pinili ni Tiyo kaysa sa kay Tiya Mabel.

Alam ko naman ko naman kung bakit niya 'to ginagawa, isang beses no'ng nakatira pa kami kasama si Tiya Mabel ay narinig ko ang pagsisigawan nilang dalawa ni Tiyo Lando.

"Lando! Ano ba naman niyan! Wala ka na ba talagang maiaabot sa 'kin ha? Baka nakakalimutan mong asawa mo ako?" bulyaw ni Tiya Mabel kay Tiyo Lando na kararating lang mula sa trabaho.

"Mabel naman, pu-puwede bang pa-upuin mo muna ako bago mo 'ko talakan?" singhal pabayak ni Tiyo sa kanya.

"Oh sige ho Senyorito, maupo na ho kayo! Hindi naman sana kita tatalakan ng ganito kung hindi ka nagdala ng palamunin dito sa bahay! Ni wala ka na ngang oras para sa 'kin nauubos na lang 'yang panahon mo sa pagta-trabaho. Hindi naman san natin an—"

"Anak pa rin siya ng kapatid ko Mabel, at saka ano bang kasalan sa 'yo ng bata ha? Wala naman diba? Maawa ka naman wala ng ibang tatakbuhan 'yong bata kung hindi ako lang dahil wala nadin ang ibang mga kapatid ko" putol ni Tiyo Lando kay Tiya Mabel.

"Alam mo kung anong kasalanan sa 'kin nang batang 'yon? Ha? Alam mo ba?"

"Ano Mabel? Ano? Dahil mas inaasikaso ko na siya? Nasa kanya na lahat ng atensyon ko? lahat ng ipon ko ano Mabe—"

"Dahil pinapamukha sa 'kin ng batang 'yan na kahit kailan ay hinding-hindi na ako magka-kaanak!" at pagkasabi ni Tiya no'n ay bumuhos na din ang mga luhang no'n ko lang din nakita.

Ilang beses ko ng tinangkang tanungin si Tiyo Lando tungkol ro'n pero minabuti ko na lang na hindi gawin dahil ayaw kong buksan o manariwa muli ang mga sugat ng nakaraan. Naghanda na ako ng agahan namin dahil maaga si Tiyo Lando ngayon sa bago niyang trabaho bilang bagong pahinente sa mansion ng mga Torres.

Isa sa mga kilala at prominenteng pamilya rito sa Batangas ang mga Torres pa'no? sila lang naman ang nagma-may-ari ng malalaking kapihan dito, bukod pa do'n ay may sarili din silang lupa na pinagkukuhanan ng kapeng barako. Kaya hindi mapagkakaila na talagang tingalain sila ng mga kagaya namin.

Sikat din kasi ang pamilya nila bilang pamilya ng mga inhinyero at arkitekto, madalas namin silang napapanood sa telebisyon dahil sa mga magaganda nilang gawa na mga matatayog na building sa ka-maynilaan. Nang makatapos ako sa pagluluto ng agahan ay agad ko ng tinawag si Nanang Lucresia at Tiyo Lando para makakain at makagayak na.

Huling linggo na rin kasi ng klase namin sa ika-4 na baitang ng highschool at di maglalaon ay tutuntong na ako ng kolehiyo hindi ko nga alam kung sa'ng unbersidad ba ako papasok.

"Tiyong, Nanang handa na ho ang agahan natin tara na po kain na po tayo", masiglang tawag ko sa kanila, at di rin naman nagtagal ay bumaba na sila.

"Oh ang aga mo atang nagising Sita? Mukhang mas excited ka pa sa 'kin sa bago kong trabaho ah", pagbibiro ni Tiyo Lando na parang hindi niya alam na malapit ng magtapos ang nag-iisa niyang pamangkin.

The Coffee Bean Series : Aroma of Love Book #01 : Where Have You Bean? Where stories live. Discover now