WHYB CH03

3 1 0
                                    



Ma. Teresita Alonzo

Matapos ang huling linggo ng pasok namin sa eskuwela ay naghanap na ako ng mapapasukang trabaho kaso mukhang sadyang mailap sa 'kin ang tadhana at sa ilang araw ko ng paghahanap ay kung walang bakante ay hindi pa daw puwede ang mga gaya kong menorde-edad gusto pa nga sana mag-dahilan na hindi naman patas 'yon.

Kaso kung magpupumilit din ako ay wala namang mangyayari nag-apply na 'din ako ng scholarship sa munisipyo sa opisina ni Mayor Alcantara na-aprubahan naman na 'yon, pero iba rin naman 'yong may sarili kang kinikita at gusto ko na din namang makatulong kina Tiyo Lando at Nanang Lucresia. Si Nanang kasi ay matanda na kung sakali nga sana'y gusto ko na siyang patigilin sa pagtanggap ng tahiin pero mukhang imposible 'yon lalo na't noong nakaraang linggo sa unang suweldo ni Tiyo Lando ay niregaluhan niya ng makinang pantahi si Nanang.

Napabuntong hininga na lamang ako nang makarating ako sa bahay na lupaypay na naman ang pak-pak ko at wala akong nahanap na trabaho, pa 'no na? pa 'no na ako tutulong kina Nanang at Tiyong? Nawala na lamang ang iniisip ko nang may pumulupot na kamay sa 'king magkabilang balikat. At sa amoy rosas pa lamang na ito ay alam ko na kung sino ito.

"Oh apo nakabusangot ka na naman", Si Nanang.

"Pasensya na ho Nang, nag-iisip lang po", sagot ko.

"Nag-iisip kung sa 'n ka makakahanap ng trabaho?", at tumango naman ako.

"Bakit apo hindi ba sapat ang binibigay namin ng Tiyo Lando mo para sa panggastos mo? At saka hindi ba iskolar ka naman ng Mayor natin?",

"Nang sobra-sobra pa nga po yung binibigay niyo ni Tiyo sa 'kin, pero siyempre po malaki na ho ako at gusto ko pong makatulong na 'din sainyo dito sa mga gastusin sa bahay. At opo iskolar na nga po ako ni Mayor pero iba parin po kasi kapag may sarili ka ding kita may maitatabi ka", sagot ko kay Nanang sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

Naputol lamang ang maganda naming usapan ni nanang ng biglang sumulpot si Tiya Mabel sa bahay na galit na  galit animo'y sa hitsura niya ay puwede na siyang makapanakit ano mang oras.

"Nandito lang pala kayong mga hinayupak kayo, dito ko lang pala kayo nagtatago? Sabagay alam ko naman dito ang lungga ninyo no'n pa pero wala akong problema no 'n dahil nagbibigay pa ang Tiyo Lando mo ng pera sa 'kin pero nitong mga nakalipas na 5-buwan wala na! Ano kinakamkam mo na ba lahat ha?" tuloy-tuloy na hayag ni Tiya Mabel.

"Mabel, h'wag kang mag-eskandalo dito. At kung puwede ba ay huwag mong pagbibintangan si Sita na kinakamkam niya ang pera ng dati mong asawa", pagtatanggol sa 'kin ni Nanang.

"Aba nakikisawsaw kang matandang hukluban ka ah, 'di sana ikaw ang haharapin ko at may respeto ako sa mga matatanda pero kung nakikigulo ka at nakikisawsaw ka sa usapang pamilya damay ka na!" sigaw ni tiya Mabel at akmang sasampalin sana niya si nanang ng mabilis kong naiharang ang mukha ko at ako ang sumalo ng sampal niya.

"Sita!" sigaw ni nanang.

"Wow papa ka-santa ka? Eh demonyinta ka naman", asik ni Tiya Mabel sa 'kin.

Maluha-luha ko siyang hinarap ayaw ko man sana siya sagutin pero sumu-sobra na siya.

"Ano bang problema mo Tiyang? Wala na nga ako sa puder mo di 'ba? Wala ka ng palamunin sa bahay mo, wala ka ng alagain pero bakit nanggugulo ka parin?", sigaw ko pabalik sa kanya na halatang ikinagulat niya pero siyempre hindi siya patitinag.

"Sumasagot ka na ngayon? Sumasagot ka na?" isang sampal na naman sana ang matatanggap ko nang biglang dumating si Tiyo Lando at hinawakan ang kamay ni Tiya Mabel mula sa likod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Coffee Bean Series : Aroma of Love Book #01 : Where Have You Bean? Where stories live. Discover now