Kabanata 7

1.4K 30 0
                                    

----------
YELL

Nakaharap ako ngayon sa apat na pares ng mga mata ay hindi pala limang pares pala pag isinama mo na si FINN sa bilang.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng malaking silid na pinasukan namin kanina ni FINN. Dark texture ang kulay ng paligid. Mapapansin talaga na puno ngbkalungkutan ang lugarna to. Kumpleto naman sa gamit mula aircon hanggang malaking TV.

"Hi Princess. Nice to meet you?  Bradley Salvador here but you can call me Brad coz you are FINN's girlfriend and new member of the family." sagot ng isang singkit na kumaway pa sa ken.

"Ah nice meeting you rin pero hindi Princess ang pangalan ko. Ako si Yell. Yelena Ora buong pangalan ko at walang princess dun." pagtatama ko.

"Yeah I know that but you are the only girl that FINN brought here even us we didn't bring anyone here. You must be something special. Right FINN??" tinignan ni Brad si FINN at nag-wink pa ang chinitong ito.

"Tama na nga yan. Wag mo nang bolahin pa si Yell. Dinala ko siya rito para ipakita sa kanya ang mga activities ko. Siyanga pala MINE sila ang iba kong kaibigan..."

"Hep hep. Ako na ang magpapakilala kay Yell sa min. Ako nga pala si Pippo Agawin sa apelyido pa lang marami nang babaeng nag-aagawan sa aken."

Nakagat ko ang labi ko dahil nagbabadya akong matawa sa kakwelahan ng sinabi niya.

"I'm Kaleb Marciano. Nice to meet you Yell." seryosong pakilala ng nagngangalang Kaleb. Marciano rin siya.

"Teka ako nga magpapakilala sayo! Panira ka naman ng moment eh!" reklamo ni Pippo

"Marciano ka? Anong koneksyon mo kay Morgan Marciano ng 'bonebreaker gang'???" di ko mapigilang itanong.

Halata ang pagkagulat sa mukha nito pero binawi rin naman agad.

"Aaahhh Princess ito pala si Ed Serano ang pinakamatalino sa aming lima." saad ni Brad.

"Isa ka ring panira eh!" simangot ni Pippo.

Naghihintay naman ako ng sagot ni Kaleb. Alam niyo naman na isa akong dakilang tsismosa at usisera na rin.

"I almost forgot you're in the same school with him." sagot naman ni Kaleb.

"So ano na nga?? Magkaapelyido lang kayo?? No blood connection or something ..."

"MINE stop questioning Kaleb about that. Pasensiya na guys na-encounter lang kasi namin kanina ang bonebreaker bago kami nagpunta rito." -FINN

"What??? Nakaengkwentro mo ang bobong gang na yun!! Sana kinontak mo kami para maresbakan natin. Tss, kala nila magagaling sila lumaban. Tss tsinamba lang sila sa tin."  nanggagalaiting sagot ni Pippo.

"Kelangan ko malaman yun FINN. Kaya mo nga akondinala rito diba kasi sasabihin mo sa ken lahat ng mga activities mo kaya kahit ganun ka liit na detalte kelangan mo sabihin sa ken."

"Pero kay Kaleb na isyu na yan. Hindi na sa ken."

"Okay lang bro. I think she has to know. Apparently Morgan is my brother, he's my twin brother exactly." Nag sigh naman ito pagkatapos sabihin. Hhmmm parang may animosity akong nasesense.

"Talaga??? Eh bat di kayo magkahawig ng mukha??"

"There's such thing as Fraternal Twins in this world Yell." sagot naman ni Ed. Patay nagsalita na ang pinakamatalino daw sa kanila.

"Ah Okay." nag-peace sign naman ako tas dinaklot ko sa kamay ni FINN patungo sa may bintana.

"FINN anong klaseng tao ba yang mga kaibigan mo???"

"Relax they are not the same species that eat humans." nakangiting sambit ni FINN

"Hoy FINN narinig namin yun ah!!! Ano kami monster???" -nagsalita naman si Pippo.

"Wag mo nang pansinin ang mga yan. They are just totally out of their minds most of the time but they can be trusted. Sila lang totoong kinikilala kong family without them i don't know If I'll survive on my own."

"Aww sweet we are so touched." singit ni Brad singkit.

"Hoy wag nga kayong makinig sa pinag-uusapan namin ni Yell!!!"

"Tsk tsk bipolar ka rin bro sabi mo dinala mo siya rito para malaman niya lahat tungkol sayo at sa atin bat nag-uusapan kayo na kayong dalawa. Balik nga kayo rito." saad ni Kaleb

"Ay Oo nga FINN. Lapit na ang duty hours ko. Ahm 1 hour to go na lang kaya dapat sabihin mo na sa ken ngayon wala nang paligoy-ligoy huh!"

Hinila ko na ulit siya dun sa inuupuan ng mga barkada niya.

"Once and for all guys. Pano niyo nakilala ang bonebreaker gang?? Sabi pa nila naglaban daw kayo at natalo naman nila kayo?..."

"I object that. Hindi nila kami natalo pareho kaming napuruhan. Ang aangas ng mga yun para sabihin yan tss!!!" tinaas naman ng short tempered na si Pippo ang kamay niya.

Napaigik ito nang pukpukin ni Kaleb sa ulo.

"Nagsasalita pa nga si little Yell sumasapaw ka na!!! Kalma lang bro wala pang open forum eh. Okay Yell cointinue." - Kaleb

"One and for all guys....ahm.. uh.. Ahmm Ga...ga..." sinusundan naman nila yung pagsasalita ko.

"Yes Yelena we are gangsters you're right with your convictions." Ed

Ako naman ulit ang napanganga. Napakastraight to the point nito. Kaya ko bang makisalamuha sa mga to???

"Tsk woooh bro bilib na talaga kami sa katalinuhan mo. Pano mo naman nasabing yun ang tanong ni princess?? -Pippo kinukulit si Ed

"FINN ga-gangster ka?" kahit narinig ko na ang sagot pero di masyadong mag-absorb sa maliit kong utak ang sagot ni Ed. Gusto kong kay FINN mismo marinig.

Nakayuko siya sa harap ko nang nagtanong ako. Tapos ang ilang segundo tumingin na rin siya sa ken.

"Oo Yell. I'm a gangster. You're boyfriend is a gangster."

Gangster...ang bigat ng likod ko para akong pumasan ng isang sakong bigas sa sinabi niya.

-----------

THE GANGSTER CONNECTION (completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon