Kabanata 2

2.4K 52 1
                                    

:-) ...kaway-kaway

----------

YELL

Pasipol-sipol pang naglalakad si Yell sa daan na may malapad na ngiti sa mga labi.

Naging maayos ang takbo ng araw na to sa kanya. Kagagaling lang nya sa karenderyang bago niyang pinagtatrabahoan.

Nakahinga sya ng maluwag nang meron na syang nakitang trabaho kahit kakarampot lang sweldo dun okay naman ang bagong amo nya.

Kaya nga sya muntik na malate kung di pa ginising ulit ni Daria kahapon dahil maghapon at buong gabi syang naghanap ng trabaho pero sa kasamaang palad walang tumanggap sa kanya.

'Mapalad pa rin pala ako kasi hindi nyo ko pinababayaan Papa God.'

Mangiyak-ngiyak naman sya habang kumakain ng fishball.

Nasa daan na sya nang may marinig syang ingay sa di kalayuan.

'Hala ano kaya yun O.o??'

Sinundan nya yung boses para mahanap kung san yun nanggaling. Hanggang sa umabot na sya sa may eskinita na medyo madilim na.

'uuugghhh' Hala may umuungol.

'Bogzh!'

'Kablag!'

'Kapow!'

'Hiyaaah!!!'

May nag-aaway ata sa unahan. Buti na lang may dala akong isang supot na shell. Binilinan ako ni Aling Tina na idaan to sa garbage site. Nakalimutan ko pala dahil sa sobrang thankful ko today.

Nakita ko na yung narinig kung mga boses at tama nag-aaway nga but the right words to say is may binubugbog sila.

May apat na lalake na nagtutulungang mambugbug sa isang lalake na nakahandusay na sa semento.

'Kawawa naman sya. Ang saklap ng nangyari sa kanya. Kelangan ko sya tulungan'

Motto ko kasi: kung tinulungan ka ng kapwa mo, tulungan mo rin ang kapwa mo.

Kaya naman nagtago ako sa may poste at pinagbabato yung apat na lalake na nambugbog.

'aww'

'aruyko'

'what the hell is that?'

Natigil sila sa pambubugbog at tumingin-tingin sa paligid. Sige pa rin ako sa pagbabato ng mga shells. Di rin naman nila malalaman kung san galing ang binabato kasi ang dilim sa parte dito.

'waah. Baka may mumu dito!' sabad ng isa

'ano??! mumu ka dyan! Di yun totoo nuh!'

Sa sinabi nung isa napaisip ako.

'meooww, meooww'

'Waaaahhh!! May multo nga! Takboooo!' at nagtakbuhan na sila.

'Tss, sisiga-siga takot naman sa multo!!'

Mabilis ko nilapitan ang mamang nakahandusay na sa semento!

"Ah ano okay ka lang" tinignan ko sya at dinama ang noo.

Tumingin naman sya sa ken at nagtama mga mata namin.

-

FINN

"Why can't you grow up a little bit Finn! You're not a kid anymore!" mabagsik na panglelecture ni Dad sa ken. Everytime na lang na umuuwi sila galing sa mga out-of-the-country seminar and meetings yan na lang lagi kong naririnig.

"Antonio calm down. Kagagaling lang natin sa biyahe baka ma-stress ka pa! Ako na kakausap kay Finn." pagpapakalmang sabi ni mom sa nanggagalaiti na si Dad. Magkakasama silang dalawa sa meetings.

Our company is one of the most sought after successful entrepreneurial companies in town. But the hell I care!!!

I just need parents who would look out for me! Tss! but that's impossible to happen ever.

"Finn let's talk!" pagsisimula  ni mommy pero ayoko na makinig quota na ko sa pangaral nilang wala namang saysay.

"I'm busy mom! Have to go!" mabilis na kong umalis sa mansion namin.

I drive my car with no destination on mind. Paikot-ikot lang ako sa siyudad until nakaramdam ako ng gutom.

Bumaba na lang ako sa isang tabi. Di naman ako pamilyar sa lugar na to. I bet this is what they called palengke??

Mausok, mabaho, maingay and everything hellish!

"Iho sandali!"

"What??" irritated kong tanong! Wala akong panahon sa mga hindi ko naman kauri!

"Magpapahula ka ba?" tanong ng ginang na sa tantiya ko nasa edad early sixties na sya.

"What again!? I don't believe in such thing!" aktong aalis na ko pero nahawakan ni Lola Manghuhula ang kamay ko.

"Iho, nakikita ko sa mga mata mo ang pangungulila sa kalinga at gabay ng mga magulang. Gumagawa ka ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa lipunan dahil baka pag sumali ka sa mga ganito makikita mo ang kahungkagan sa iyong puso. Wag kang mag-aalala iho may sasagip sayo! Makikilala mo na ang taong magpapatuwid ng paliko-liko mong buhay. Sya ang magiging inspirasyon mo para mabuhay ng matiwasay." dire-diretsong sabi ni Lola Manghuhula.

"Ano ba yang pinagsasabi mo! Walang sense! Dyan na nga kayo!" nakakunot ang noo ko nang umalis. Marami palang loko-loko sa lugar na to.

"Makikilala mo na sya ngayon!" pahabol pang sabi ni Lola.

Dali-dali na akong pumunta sa sasakyan.

"Ooops teka lang. Bat naman ang bilis mong umalis pare?" may biglang humawak sa ken na lalakeng nakatakip ang buong mukha liban sa mga mata. Automatic namang lumabas ang tatlo pa nitong kasama.

Hinawakan ako ng dalawang kasamahang lalake nito sa magkabilang balikat.

At sinimulan nila akong bugbugin. P*tcha! Kagagaling ko lang sa bugbugan kahapon. May mga marka pa ako ng pasa. Masyadong madugo yung labanan kahapon kaya hindi pa ako nakakarecover ngayon!

'Hiyaaah!!!'

'Kapow!'

'uuugghhh' napaungol ako sa sakit. Nung una lumaban ako pero nang tumagal-tagal na masyado na silang marahas tumira.

'Bogzh!'

'Kablag!'

'Hiyaaah!'

Nawawala na ako sa ulirat nang bigla silang natigil sa pambubugbog.

'Waaaahhh!! May multo nga! Takboooo!' at nagtakbuhan na sila.

"Ah ano okay ka lang."

May lumapit sa ken na babae at nagtama ang mga mata namin.

Hanggang sa naipikit ko na ang mga mata ko.

----------
Comment & Vote po!
see yah next UD:-)

THE GANGSTER CONNECTION (completed)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon