Kabanata 4

5 1 0
                                    

Errors ahead.Read at your own risk.

*****

Nag paalam na kami kay Persephone pag katapos naming kumain. Habang nag lalakad kami papunta sa bahay bulong ng bulong saken si Denzel.

"Demi reto mo naman ako don sa kaibigan mo. Hindi ka ba naawa sakin? Single parin ako walang nag mamahal." Bulong ni Denzel na nakakapit pa sa braso ko na parang unggoy.

"Ayoko. Fyi Denzel, Single? Kelan ka pa naging single? Sa maynila napakadami mong babae. Jusko Denzel isasama mo pa si Persephone sa Collection mo, tigil tigilan mo ko Denzel." Tanginang Unggoy to lahat nalang ng babae gusto.

"Demi eto na ba yung bahay nyo?" Tanong ni Rifle na may hawak na Ice cream. Hanggang dito ba naman ang takaw paden neto.

"Oo. Pasok na ang init dito."

"Demi pa-cr naman." Anang Asia.

"Ah oo. Pasok ka lang dyan."

Pumasok ako ng kusina para sabihin kay Manang na magluto. Nakalimutan kong sabihin sakanya na may bisita ako. Pero wala sya shemss nakalimutan ko pumunta palang bayan si manang may bibilhin lang daw.

"Hala, wala akong ipapakain sainyo. Nakalimutan ko pumunta pala si manang sa Bayan." Epic pa ata yung punta nila dito. Kaya napag disisyunan nalang namin na mag order.

Habang nag aantay ng order puro kami tawanan.

"Bakit Hindi nyo nga pala kasama si Haines?" Tanong ko dahil bihira lang na hindi sumama si Haines kapag ganitong galaan. Palaging present yon.

"Ewan ko don sa ugok na yon. Dapat sasama yon tas nag back out. May pupuntahan daw sya." Sabi ni Denzel habang nangungulangot. Napaka baboy talaga neto.

"Ayan na yung order." Lumabas na ko para kuhanin yung order at mag bayad. Papasok na sana ako nang may tumawag saakin.

"Demi! Dami nyan ah, kakainin mo lahat yan?" Sabi ni Ratchet habang palapit saakin. Ngayon ko nalang ulet to nakita dito ah halos dalawang bwan.

"Hindi may kasama ako." Sabi ko habang naglalakad papasok sa gate. Hindi ko na sinarado yung gate alam ko namang papasok sya.

"Sino? Penge naman ako." Buraot paden. Pag pasok namin ni Rachet si Denzel lang ang naabutan namin doon at topless pa ang gago.

"Oh, Wait lang kukuha ako ng plato." sabi ko kay Denzel.

"Sino yon?" Hindi ko napansin na sumunod pala saakin si Ratchet. 

"Ah h--..." 

"Demi!! Ang tagal mo naman, gutom na ko." Sigaw ni Denzel na kakapasok palang ng kusina.

"Saglit lang naman. Napaka apurado neto." 

"Gusto mo kumain? Upo ka muna don sa Sala. kukuha lang ako juice." Sabi ko kay Ratchet.

"Hindi na uuwi na ko may pupuntahan din naman ako , dumaan lang ako dito at chineck ka kung buhay ka pa ba Hahaha."

"Sira ulo ka ah!"  At sabay kaming lumabas ni Ratchet sa kusina.

"Pre alis na ko. Demeter Dito na ako." Sabi ni Ratchet kay Denzel at tinap ang balikat.

Pag kalabas ni Ratchet nag tanong na kaagad si Denzel.

"Sino yon? feel at home ah?"

"Si Ratchet yon taga dyan sa tapat. Kilala yon ni manang. Saan na nga pala Sina Asia?"

"Si Asia pumunta ata sa Likod bahay nyo may tumawag sa Cellphone nya si Rifle nasa cr nyo natae, Ang dami ba naman nyang kinain kanina."

"Asia! Rifle! Tara na dumating na ang Pagkain."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me Instead (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon