Errors Ahead. Read at your own risk!!!
*****
Pagkauwi namin ni Persephone galing sa Party Dumiretso muna kami sa Shop nya para makapagkwentuhan.
"Naalala ko yung mukha ni Primo sobrang Priceless." Anang Persephone habang humahalakhak.
"Oo nga gaga ka, kung nakakamatay lang ang titig kanina pa ako pinaglalamayan. Ano bang Dahilan mo at ginawa mo yon ah?"
"Boyfriend ko kase yung isa sa mga kaibigan ni Primo,Mukha kasing nakakahalata si Primo Pero ayaw namin ipaalam sakanya kase may rules rules pang nalalaman yung mga kupal." Ani nya ng nakabusangot ang mukha
"Sino ba yung boyfriend mo?"
"Ipangako mong hindi mo sasabihin?"
"Mukha ba kong Chismosa?"
"Si Daegan."
"Hindi ko kilala yon, wala naman ata kanina yon don ang nakilala ko lang ay Sina Primo, Kit, At Ratchet."
"Oo wala sya kanina hindi nakahabol. Nagalit nga sakin yon, lalo ko pa daw pinakumplikado ang lahat. Dapat daw nag antay nalang ako."
"Medyo Gaga ka din kase sa part na yon."
"Pasensya na nadamay ka pa. Mag kaibigan pala kayo ni Ratchet?" Tanong nya saakin
"Oo Magkaharap lang yung bahay namin."
"Sainyo pala yung bahay sa harap nila? So, Ang grandparents mo ba ay sina Ameter at Dimencio Albaran?"
"Oo. Bat mo kilala?."
" Narinig ko lang sya sa mga kuwento dito ng matatanda at ni lola?"
"Sikat pala ang lola dito."
"Oo."
***
Nagising ako nang alas dyez at masakit ang ulo, putakte! Pagkatapos kong magbihis ng simpleng jeans at shirt ay bumaba na ako para kumain.
"Manang, Pwede po bang may sabaw ang ulam natin?"
"Sige Hija."
"Ah manang pwede po bang mag tanong?"
"Sige Hija ano ba iyon?"
"Naabutan nyo po ba ang lolo at lola ko?" Ang sabi ni Persephone sikat daw ang lola dito.
"Ah oo naman, ako nga ang nag alaga sakanila dito noon bago sila mamatay."
"Bakit po hindi si Daddy ang nag alaga sakanila?"
"Nasa Maynila sya nang mga panahon na iyon Dahil Ipapanganak ka ng iyong ina, kaya hindi sya nakaabot dito. Alam mo bang noong mga panahon na iyon gustuhin man umuwi ni Dominador ay hindi maaari dahil kailangan nyang asikasuhin kayo ng Mommy mo."
"A...ah Hindi po iyan nababanggit ng Daddy ang alam ko lang po patay na sila." Nang mga oras na ito parang gusto kong yakapin si Daddy at humingi ng Patawad sa mga kalokohan ko. Sobrang hirap pala ang dinanas nya maitaguyod nya lang akong mag isa.
Pag katapos namin kumain ni Manang ay dumiretso kaagad ako sa Shop ni Persephone.
"Si Persephone?" Tanong ko sa staff na nakatalikod at gumagawa ng kape. Mukhang may bago syang staff ah.
"Mukha ba kong tanungan ng nawawalang tao?" Bastos ampots.
"Bastos ka Ah? Nagtatanong ako ng maayos dito." Iritado kong sabi sakanya
"Oh tapos?" sabay harap saakin. Putakte! yung kambal ni Persephone!
"Primo! Ano bayan napaka sama naman ng ugali mo, umuwi ka na nga sa Manila panggulo ka lang dito!". Sigaw si Persephone Galing sa Likod ko. "Halika na Demi may date pa tayo." sabay hatak saakin palayo ng shop at umupo kami gilid ng kalsada.
"Sira ulo ka talaga Pers mukhang paniwalang paniwala yung kapatid mo hahaha."
"Wag mo na lang pansinin yon. Pasensya na talaga Demi."
"Gaga okay lang, kaya siguro ayaw pa umamin ni Daegan natatakot sa kambal mo haha." sabi ko sakanya nang nawala ang ngiti nya sa mukha at nag simulang umiyak. "May nasabi ba kong mali?Pasensya na kung meron man, Pers tahan na pasensya na talaga." NAtataranta kong pag tatahan sakanya.
"Pasensya na Demi ah. Hindi ko na kase kayang pigilan mag iisang taon na kaming nag tatago nag aantay lang ako sakanya, kasi kung mahal nya ko hindi nya dapat ako tinatago ng ganito. Naiinggit ako sa mga Couple na kayang mag holding hands sa public. Sobrang nasasaktan at napapagod na ako, Demi. Kung mahal nya ko handa nyang harapin si Primo siguro nga duwag ang gago, walang bayag.." Sabi pa nya ng naluha
"Hindi ko alam ang kwento nyo pero Pers kung sobrang pa ulet ulet yung sakit at hindi ka na masaya tama na, hindi ako yung tipo ng taong magpapayo sa mga paniniwalang kung sobrang sakit na pahinga tapos lalaban ulet. Tahan na Pers." Noon lang iyon. Noon.
"Pero mahal ko sya Demi eh." hagulgol nya.Gantong sitwasyon yung ayaw ko naawa ako at nasasaktan ako para sakanila. Naalala ko yung bestfriend ko noon ganto rin sya umiiyak gabi gabi dahil lang sa hindi boto sakanya ang pamilya ng boyfriend nya at hanggang sa hindi na nya kinaya at nagpakamatay na sya. Pakiramdam ko noon ako ang may kasalanan dahil lagi kong sinasabi sakanya na kung pagod na pahinga lang sya then laban ulet. Yang kasabihan nayan para lang sa mga taong martir sa totoo lang.
"Oo mahal mo na sya pero masaya ka pa ba? Yun ang tanong don."
"Hindi ko alam Demi, Hindi ko na alam!". Sa maikling pag sasama namin ni Persephone bilang magkaibigan pakiramdam ko kilalang kilala ko na sya nang lubusan.
Nang araw na nag labas saakin ng sama ng loob si Pers hindi na ako umalis sa tabi nya halos lagi na kong sa Coffee shop nya tumutulong ako doon sakanya para lagi ko syang matitignan. Ayoko na ulet mangyari yung nangyari noon.
"Demi sira ulo ka talaga baka maipasara itong shop ko sa ginagawa mo! Kulang nalang ikaw na ang gumawa ng lahat dito tapos walang sahod."
"Anong walang sahod? May bayad to next time nalang ako maniningil." Biro sa kanya. Ang boring kaya sa bahay.
"Umuwi na ba si Ratchet?". Tanong saakin ni Persephone.
"Malay ko. Pero parang wala naman ata sya sa bahay nila kaya baka hindi pa."
"Parang kabute yon palagi."
"Pero baka nasa girlfriend?Noong nakaraan nakita ko syang may kasamang babae."
"Hala si Manong binata na." Sabay halagpak nya ng tawa
***
Hindi ko napansing Mag Dadalawang Buwan na pala ako dito. At Bukas mag babakasyon din daw sina Asia dito ng Dalawang linggo.
"Hello. Asaan na kayo? Napakatagal nyo naman!" Palahaw ko kay Denzel sa Telepono.
"Gago! Naliligaw ata kami! wait lang mag tatanong ako dito may chixx..... Miss saan dito yung Delos Reyes St.?.... Doon sa may tawid." Si Persephone yon ah.
" Hoy Denzel! Nasa may Coffee shop ba kayo?"
"Oo!"
"Intayin nyo ko dyan saglit lang."
"Peri mga kaibigan kong taga manila sina Denzel, Rifle at Asia." Pag papakilala ko sa kanila sa Isa't isa " Persephone naman kaibigan ko ditoat may ari ng shop na to."
"Peri nalang. Ano bang gusto nyo?"
"Basta masarap." Masiglang sagot ni Denzel at animo'y nakislap ang mga mata. Bida bida naman ang gago.
Pag katapos naming kumain at mag paalam kay Persephone ay dumiretso na kami sa bahay.
***