Kabanata 2

13 2 0
                                    


Errors Ahead. Read at your own risk

***

Nagising ako ng alas sais sa hindi pamilyar na kwarto ngunit napagtanto ko na nasa Vigan pala ako at pinatapon ng Tatay dahil sa kalokohan.

Pagkatapos kong mag bihis bumaba na ako para kumain at maagang makapamasyal, Sana talaga sinama ko si Asia.

"Manang? Manang!" Baka namalengke.

Dumiretso ako ng kusina para makapagluto ng kakainin ng may madatnang hindi kilalang tao na nagluluto.

"Sino ka?!"

"Ha! Ginulat mo naman ako miss." Ani ng strangherong lalaki habang nakahawak pa sa dibdib na tila aatakihin sa puso, Pero bakit parang pamilyar tong lalaking to? Nakita ko na to pero hindi ko malaman kung saan.

"Sino ka sabi! bakit ka nandito? Nasaan si Manang Anie?!".

"Grabe ka naman Miss, Ako nga pala si Ratchet Taga dyan lang ako sa Tapat oh. Si Nanay Anie namalengke." Ah anak pala ni Manang pero nakakapagtaka sabi ni Daddy Wala daw itong anak at ang asawa at namatay sa komplikasyon sa sakit 

"Taga dyan lang pala sa tapat bakit nandito ka? Have we met before? You seems familiar to me."

"Para kumain hehehe. Alam mo Miss sa sobrang gwapo ko marami talaga akong kamukha dyan sa tabi tabi." Napaka kapal ng mukha nito. "Ikaw sino ka? Ngayon  lang ako nakakita ng ibang babae dito maliban kay Nanay Anie."

"Demeter Albaran. Ano bayang niluluto mo? tutal dito ka naman nag luto baka pwede akong manghingi nyan gutom na ako."

Habang kumakain nag kukuwentuhan kami  kung bakit ako napunta dito, napag-alaman kong hindi nya pala nanay si Manang Anie.

"So bakit Nanay ang tawag mo kay Manang Anie?".

"Tulad mo pinatapon lang din ako dito, bahay ng Lola ko yung nadyan sa harap. Hindi tulad  mo nung dumating ka dito maayos na kaagad yung tutuluyan mo, may pagkain na kaagad. Ako hindi, Mukha nga akong tanga dito noon ni hindi marunong mag luto hahaha then nakita ako ni Nanay Anie Dyan sa harap ng pinto namin tulad mo akala nya mag nanakaw ako dahil yung bahay namin dyan ilang taon na palang walang tao at nag lilinis dahil yung Caretaker namatay kaya pinakain ako ni nanay dito kaya ayon Dito ako laging nakain, Masarap mag luto yan si Nanay."

"Oh Ratchet nandito kapala, baka kung anu anong kinukwento mo kay Demeter Nakong bata ka." Anang Manang Anie namay bitbit pa ng basket napuno ng mgagulay at karne

"Grabe ka naman Nay, Maupo ka na muna doon nay ako na mag lalagay nito sa kusina." Gentledog naman pala.

"Ratchet! May gagawin ka ba ngayong araw?". Sigaw ni Manang kay Ratchet sa Kusina

"Wala po nay, Bakit?".

"Demeter diba mamamasyal ka ngayong araw? Dyan ka nalang kay Ratchet mag pa sama."

"Sige po."

"Ratchet, samahan mo si Demeter mamasyal ngayon araw."

Ang sabi ni Ratchet pupuntahan daw namin ang mga pinuntahan nya noong bago palang sya dito. Actually hindi naman boring kasama si Ratchet ma sense of humor syang tao. Pakiramdam ko kasama ko si Denzel ampots Hahahaha.

 Isang linggo na kaming pagala gala ni Ratchet halos napuntahan na ata namin ang lahat ng tourist destination dito sa Vigan at ngayong araw ang huli namin destination ang Baluarte zoo.

"Ratchet,  Ayoko na!" Kapit ko ng mahigpit sa braso nya.

"Hindi ka naman kakainin ni Bestie, Demeter." Asar nya saakin Habang nakapalupot saming Dalawa ang isang sawa na pagkahaba haba habang pinipicturan kaming Dalawa.

Love Me Instead (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon