"Isn't it too fast? And suspicious?" Singit ko sa pag-uusap nila.Kanina pa ako tahimik mula nang mag-umpisa kaming kumain, ngayon pa lang ako nagsalita.
Kingsley's silent too and like me, hindi masyado ginagalaw ang pagkain. He's sitting in front of me. Malaki ang mesa kaya malayo parin siya kahit na parang magkaharapan kami.
"Why suddenly, you two wanna get married?" Hindi ko alam kung tumakas ba ang sakit sa boses ko. Hindi ko alam kung nahalata nila. Hindi ko maiwasang masaktan ara kay Dad.
I understand that he died long time ago and there's no chance he'll come back. He'll never ever comeback. I am asking for a miracle for that to happen.
Pero bakit kailangan ikasal?
"We've planned this long time ago." Mama said.
I stopped poking the meat on my plate. My emotion changed, now I feel angry.
"Long time ago, huh?!" I hissed.
"Pero kahapon ko lang nalaman ang plano mo." Rinig ko ang tampo at galit sa boses ko.
"Artia-"
"Why not just be boyfriends and girlfriends? Like how you were doing all this years, Ma."
"This is different."
"How is this different?" I asked coldly.
"This is serious."
"Serious?" I utter, hindi makapaniwala sa sagutan namin ngayon.
"I understand why you're acting like this Artia. Nabigla ka namin-"
"Really, Ma? Do you?" My voice raised a bit. Nakikinig lang ang dalawang mag ama samin. Conrad looks like he have something to say pero parang pinipigilan siya ni Mama.
"You're acting like this because of your Dad. Artia, your Dad is long gone!"
"He's not gone!" I exploded, just like that. Sumigaw ako at napatayo. When it comes to Dad. I get emotional.
"He's dead, but not gone." My voice cracked so as my heart. Matagal na siyang patay pero sa tuwing naalala ko siya sariwa parin ang sakit sa puso ko. He's dead but he's still in my heart and will never be gone.
Mama looked at me with concerned eyes. Iniwas ko ang tingin sa kanya.
"Excuse me for a while." Paalam ko bago umalis sa room na iyon.
I need air. I'm losing it. I'm getting too emotional. Paano ko maisasagawa ang plano kong pagpigil kung ganiyan ang nararamdaman ko.
I don't know this place kaya nagpatinaod nalang ako sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napadpad ako sa sala, ngayon ko lang napansin ang malalaking pulang kurtina.
Gumagalaw iyon, parang nahihipan ng malakas na hangin. Then I saw a what's outside. Lumapit ako doon at nakumpiramang glass wall nanaman iyo at nakabukas ang pinto.
Lumabas ako doon at namangha sa nakita. So, this is the pool area? I stood there for a while, kahit na masakit na ang sikat ng araw. Nilanghap ang hangin kahit na mainit din ito.
Nang nakaramdam na ng hapdi at namawis na ay pumasok na ako sa loob. Sinubukan kong punasan ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad. Naiwan ko sa kusina ang purse ko. Tumingin tingin ako sa paligid, baka sakali may tissue dito or towel or even glass of water. Nauhaw ako. Ang huling ininom ko ay whine. Hindi naitulak ang kinain ko kanina.
Sakto ay may padaan na maid.
"Miss!" Tawag ko. Napatigil siya at lumingon sakin.
"Yes po, Ma'am?"

BINABASA MO ANG
Sultry Scheme
RomanceBook 1 completed in the Good Novel App. (PTR) with >20k reads. Warning: R-18! This story contains mature language and rated scenes. Read at your own risk. Prepare yourself for another naughty story. Artia's father died years ago and now her mother...