Chapter 1- Heart Candy

22 0 0
                                    

"Nak, Good Morning! kumain kana ba?" Bati ni Nanay sa pintuan hàbang umaakma

"Yes nay! Dinalhan na ako kanina ni Nay Ninang dito sa kwarto tapos na daw kasi kayo." Sagot ko.

"Ah, yung uniform mo? Nandun pa yun sa baba kukunin ko lang."

"Ay, wag na Nay dinala na dito kanina ni Na Ninang."

"Hay! Kaloka yung dalawang yun inunahan pa akong mag-alaga sayo."

"Nay, alam ko namang pinaghandaan niyo talaga ang First day of University ko kaya Love much Nay. *mwah!" Sabay himas sa likod niya.

"Sige anak, Dalian mo baka malate ka." Sabay kiss.

Bumaba na ko at nagpaalam sa kanila. Naghanap ng jeep at sumakay.

Ako si Denee Marie Dela Cruz. Anak ng tatlong bakla sa Sta. Cruz. Na walang churva churva sa katawan gandang fes lang ang kailangan para makahugot ng gwapo dun sa tindahan.

Haynaku! Ang tatlong kong magagandang Nanay. Hanggang ngayong college nako hindi ko parin alam kong paano ako nailuwal sa mundo.

Nung grade 5 naman ako napag-aralan naman namin na babae lang ang may matress at nanganganak pero naniniwala ako na anak ako nila Na Ninang, Nay Ninang at Nanay.

Minsan naiisip ko na lang na galing ako kay Nanay sinubo ni Na ninang , pinalabas at sinubo ulit ni Nay Ninang at nilabas ulit.

Pero impossible yun kaya ngayong college nako. Mag-memedicine ako.

"Peeeeeeeeeeeeeep-peep!"

Grabe naman maka pee-peep si Manong.

Ay grabe sa pag-iimagine ko dito na pala ako sa tapat ng school.

Dito nako sa tapat ng gate, wide open talaga ang gate for student cars kaya kahit may sasakyan sila hindi ako papatalo Dela Cruz yata to. Nanalaytay sakin ang dugo ng tunay na Juan Dela Cruz.

Bago ako magfirst-step huminga muna ako at.

"Huh! *hingang malalim* this is it! Hindi ko sasayangin ang paghihirap ng tatlong Nanay ko dun sa bahay. Ga-graduate ako! Hwaiting!"

Ihahakbang ko pa lang sana ang First right foot step ko nang biglang ba naman akong pituhan.

"Peeeeeeeeeeeep!(kunwari sound yan ng pito)"

"Magpapakamatay kaba Miss? Aba! First day pa lang mukhang ayaw mo nang grumaduate." Sabi ng guard.

"Ga-graduate ako! Tsaka hindi ako nagpapakamatay!"

Hmpf. Panira!

Pumasok nako at nakaka-one kilometer na siguro ako kakalakad mukhang di ko parin makita ang gymnasium.

"Freshmen please proceed to the gymnasium NOW! Again I repeat to all Freshmen please proceed to the gymnasium Now!" Sabi nung speaker.

San ba kasi yung gymnasium?

"Are you a freshmen Miss? Please follow those students they are freshmen too." Sabi nung maganda na nag-approach sakin.

"Thank you." I slightly bow.

Sinundan ko na lang yung mga freshmen daw na tinuro niya. And sa wakas gymnasium.

Nakipagsiksikan nako. Wala naman akong kakilala dito kaya okay lang makipagtulakan.

"Mic test!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nanay ko, Tatay moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon