Siguro by Yeng Constantino

18 0 0
                                    

°°°°°°

My name is Aiko, I am just a simple girl in this world at sa sobrang pagkasimple ko, everyone treat me as an invinsible.

Even the love of my life Casper.

Hay! Kaylan mo kaya ako mapapansin?

"Uy! Aiko, tulala ka na naman dyan!" sermon ng blockmate kong si Janna.

"Hay!" tsaka ako napasalumbaba.

"Naku! pustahan tayo si Casper na naman ang tinitignan mo" nakanguso pa nyang sabi.

"Eh, bakit ba?! bawal bang magka-crush sa kanya? wala naman syang girlfriend eh!" reklamo ko.

"Sus! asa ka namang mapapansin ka ng Oh so yummy crush mong si Casper Castillo!"

"Shh! ang ingay mo naman! mamaya may makarinig sayo!" tsaka ko tinakpan ang bibig nya.

"Sus! para namang may pake sila eh no? Hello? sino ka ba? sino ba tayo? We are the invinsible girls, right?!"

"Sabagay" sagot ko tsaka ulit sumalumbaba.

Paano nga naman ako mapapansin ng isang Casper Castillo eh sya lang naman ang star player ng team nila, sikat sya,  ako? parang di nga ako nag-e-exist sa mundong ito, walang pumapansin sa akin, palibhasa panget ako, nerd pa, well not the typical nerd ba may malaking salamin.

Sadyang mas gusto ko lang ang magbasa kaysa magparty.

Naglalakad kami sa hallway ng university ng makasalubong namin si Casper kasama ang mga ka-team mates nya.

Yumuko ako tsaka naglakad ng dirediretso, tumingala ako ng bahagya at nagsalubong ang mga mata namin, tapos parang biglang nagslow motion ang lahat ng bigla syang ngumiti.

Sh*t totoo ba yung nakita ko? oh naghahalucinate lang ako?

"Ouch!" reklamo ko ng bigla na lang akong mapaupo sa sahig ng mabunggo ako ng isa sa mga kasamahan niya.

"Naku! sorry miss" hinging paumanhin ng lalaki at tsaka ko nakita ang kamay niya sa harap ko.

"Hindi ok lang...." di ko na naituloy yung sasabihin ko ng makita ko kung sino ang may ari ng kamay na nasa harapan ko.

"Need some help?" nakangiti nyang tanong, grabe ang gwapo nya pala lalo sa malapitan!!

"S-salamat" sagot ko kahit na di ko pa naiaabot sa kanya ang kamay ko.

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at itinayo ako, at dahil sa wala ako sa sarili ko, natisod ako sa sarili kong paa at kyaaaaaa!!

>////< nahalikan ko sya! sh*t!

agad akong lumayo sa kanya.

Napayuko ako.

A-ang first kiss ko?

"S-sorry" mahinang sabi nya.

"Woah! naka-score din si Mr. Torpe!" biglang sabi ng kasamahan nya.

Huh? Torpe? Score?

"Tss! shut up Gino!" sermon nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pamumula ng mukha nya.

"S-sorry ulit, u-una na kami" sabi nya sabay talikod.

Anyare?

Hay! ambilis ng panahon, agad valentines day na, at uso na naman ang prom.

Tss! sayang lang sa oras yang prom prom na yan, dahil bukod sa wala akong pambili ng damit, tamad din akong pumunta kasi puro magagandang nilalang lang ang bagay dun, and I know that I dont belong there.

Your song, Your storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon