5

354 7 0
                                    

Ouch.

My head hurts like hell. I told myself not to get drunk na e. Worst feeling talaga yung magkaroon ng hangover.

Dahan dahan akong bumangon. Napansin ko na iba na yung suot kong damit----

Naka T-shirt ako na beige at walang suong pang-ibaba except for my undies. Wala rin akong bra! Yung tube kasi na suot ko, padded na.

Nilibot ko yung tingin ko. This room is not familiar at all. Nasa isang kwarto ako. Simple lang ito at puro black and grey ang kulay ng mga gamit. Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto.

Paglabas ko sa may pinto, may kwarto rin sa hindi kalayuan na tapat nito. Maliit lang yung hallway. Naglakad ako palabas at una kong nakita yung living room.

Who's cooking? Ang bango nung amoy. Mukhang masarap pa.

Lumingon naman ako right side. Bookshelf lang andito. Lumingon naman ako sa left side at nakita na may nakatalikod na lalaki sa kusina at abala sa pagluluto.

Naglakad ako papasok sa kitchen. Namukhaan ko si Zach habang nagluluto ito.

"Z-Zach!?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

Nananaginip ba ako !? Si Zach ba itong nasa harapan ko!? Teka bakit ba ako andito!?

Hindi ako pinansin ni Zach. Pinatay niya yung stove at kinuha yung pan. Naglakad ito sa counter table at nilagyan ng sauce yung dalawang plato na may pasta.

"Sit. You should eat something." Cold nitong sabi.

Hindi na ako umangal. Naglakad na ako sa may counter table at na-upo sa high chair. Nilagay niya sa harapan ko yung plato ng pasta, platito na may ilang slices garlic bread, mushroom soup at mini bowl na puro prutas na hiniwa. May dalawang baso rin siyang nilagay na may coffee at tubig.

Na-upo na si Zach sa harapan ko at nag-umpisang kumain. Kinuha ko naman yung fork at tinikman yung pasta.

"Hmmm...this tastes good!" I said.

Ang sarap talaga magluto ng mga Italians, no doubt. I could eat this pasta all day.

Naalala ko yung itatanong ko kay Zach. Tinignan ko naman siya habang abala ito sa pagkain.

"Uhm, Zach. Paano ako napunta rito?" Pagtataka ko.

"I picked you up." Simple niyang sagot.

Medyo naalala ko na dumating si Zach noong naglalaro kami ng spin the bottle.

"Bakit mo pala ako sinundo?" Tanong ko.

Huminto si Zach sa pagkakn at tinignan ako.

"You were already drunk." Cold nitong sabi.

Teka, ang labo e. Hindi ko ma-connect yung dahilan ni Zach kung bakit niya ako sinundo.


"Bakit mo naman ginawa yun? E ano naman kung lasing ako? Tsaka sabi mo sa parking lot, hindi naman tayo friends. So why bother?" Pagtataka ko.

Napahinto si Zach at tinignan ako.


"I-I.....I called you because I wanted you to return my shirt. But I heard a loud noise so I thought you were in a bar."


Napatango naman ako.


"Isosoli ko nalang bukas. Kakalaba ko lang noong Friday." Sabi ko sakanya.


Love, Zachary [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon