PROLOGUE

2K 20 1
                                    

"TABI!" Galit kong sigaw.

8:30 na. Patay nanaman ako kay Mrs. Hidalgo.

Mas lalo kong binilisan yung pagpedal. Hingal na hingal nako sa pag-bibike. Pero kelangan kong humabol sa oras. Malalagot na ako kapag na late pa ako ngayon.

Sa lahat ng prof na meron kami, si Mrs. Hidalgo ang iniiwasan naming magalit. Ayaw na ayaw nitong may nalalate sa klase. Dalawang beses nakong na-late sakanya, kapag na late na ako ngayon, sa principal's office ang paglalagyan ko.

*BEEEEEP*

"AHHHH!"

Pepreno na sana ako pero agad akong naabutan ng kotse sa kanan ko. Hindi ko inaasahang tumilapon.

"Ouch...." Pinilit kong umupo. May gasgas ako sa siko at sa tuhod ko. Tumama rin yung ulo ko pero mabuti nalang at naka helmet ako.

"Om...g!! I'm so sorry---are you okay!? "

Teka...

Agad akong napatayo ng maayos. Kahit nagdudugo yung mga sugat ko, nagkunwari akong wala lang. Pero sa kaloob looban ko, sobrang hapdi men.

"Let me bring you to the hospital na." Tarantang sabi nito.

Hindi ako nakapagsalita. Parang natameme ako sa itsura niya...

Pre hindi ako nagbibiro. Parang nasa langit ata ako.

"Hello?  Omg....did you hurt your head ba??"

Umiling naman ako.

"Please, ihahatid kita sa hospital---"

"H-hindi...." Nauutal kong sabi.

"Hindi na. A-ayos lang ako." Pagtanggi ko.

Tinignan niya yung sugat ko at sinuri pa.

"Pero kelangang magamot yang sugat mo." Pagaalala pa nito.

"Ayos lang. Ma-lalate pako sa klase ko. Mas nagaalala pa ako don." Sabi ko pa rito.

"I'll drive you there. Please, that's the least I can do. " Suggest pa nito.

"Hindi ayos lang, kaya ko pa namang mag bike...."

Napatingin ako sa bike ko na naka handusay sa sahig. Sira ito at natanggal pa yung gulong dahil sa lakas ng pagkakabangga.

"See? Let's go na. Baka ma-late ka pa."

Pumunta ito sa kotse niya at binuksan yung pintuan ng shot gun seat. Kahit paika ika ako maglakad, tiniis kong banatin yung tuhod ko na maglakad ng maayos.

Inalalayan niya pa ako makasakay sa kotse. Nagulat ako nang bigla itong lumapit sakin.

"Safety first..."  Sabi nito at inayos yung seat belt ko.

Ang bongo bango niya. Mukhang vanilla ang pabongo niya. Parehas sila ng pabango ni mama.

Sinarado na niya yung pinto at umikot sa kabila. Pumasok na rin ito sa loob at naupo sa driver's seat. Pagkaayos niya ng seat belt, nagumpisa na itong magmaneho.

"So, saan pala yung school mo?" Tanong nito habang nagmamaneho.

"Dyan lang pagkaliko mo. Deretsuhin mo lang ng konti. " Sabi ko rito.

"Wait, so nagaaral ka rin sa Quin University!?" Gulat nitong sabi.

"O-oo. " Sagot ko rito.

"Omg!"

Bigla niya akong nahampas sa braso dahil mukhang excited pa ito.

Ang sakit. Natamaan sugat ko. Pre, titiisin ko talaga lahat.

"It's my first day today! Alam mo ba, I'm just a transferee. I'm from New York kasi. "

Napaka swerte ko. Iisa lang pala school namin.

Magsasalita na sana ito pero agad itong huminto. Hindi ko namalayan na andito na kami. Naka civilian kasi ang suot nito kaya hindi ko alam na dito rin siya magaaral. Mukhang wala pa siyang uniform. Di bale nang malagot kay Mrs. Hidalgo.

Bigla itong lumabas at umikot uli. Tinanggal ko na rin yung seat belt ko pag bukas nito ng pinto.

"Careful...." Paalala pa nito.

Dahan dahan niya akong inalalayan palabas ng kotse niya. Sinarado niya muna yung pinto bago ako alalayan maglakad.

Sa sobrang excited nito binilisan pa niya ang paghila sakin.

"I've heard a lot of good things about this school. And my mom graduated here." Sabi pa nito.

"T-Teka..." Pagpigil ko.

Kakapasok palang namin sa gate, hinila ko ito para huminto. Napatingin ako sa tuhod ko. Butas yung pants ko dahil sa sugat ko. May dugo rin na mantsa yung blouse ko na galing sa siko ko.

"I'm sorry, I almost forgot. Tara let's go to the clinic. "

Inalalayan ako nito ng maigi habang papunta sa clinic.

---

"There. Kapag kumirot pa, inumin mo nalang yung mefenamic na nireseta ko. I-apply mo lang yung cream twice a day. Isa sa umaga then bago matulog. Pag uwi mo sa bahay, tanggalin mo na yung bandage kuya ha? Para makasingaw. " Paalala nung school nurse.

Mabuti nalang at binigyan niya ako ng excuse letter na ibibigay ko kay Mrs. Hidalgo.

"Salamat nurse. Mauna na po ako."  Sabi ko rito.

"Okay, nasabi ko na sa friend mo na alalayan ka muna. Pinakuha ko sakanya yung wheelchair sa kabilang room." Sabi pa nito.

"Sige po. Salamat uli." Sabi ko rito.

Sobrang kumikirot yung buong tuhod at binti ko sa kanan dahil sa laki ng sugat. Masakit rin yung sugat ko sa siko.

Kahit hirap akong maglakad, parang nawala lahat ng sakit nang makita ko siya na naka-upo sa wheelchair habang naghihintay sakin. Tuwang tuwa pa ito habang umiikot ikot sa wheelchair. Huminto ito nang makita ako.

"Uy. Okay kana?" Bungad nito.

"Oo." Tangi kong sagot.

Nagpedal dito palapit sakin at huminto sa harapan ko.

"Sabi pala ni nurse gamitin mo muna ito." Sabi pa nito.

Hinawakan ko yung tulakan ng wheel chair at dahan dahan itong tinulak para hindi na ito mahirapang gamitin yung kamay niya.

"Teka, hindi ba dapat ako yung nakasakay dyan?" Pagtataka ko habang pilit kong tinutulak yung wheel chair papunta sa lobby.

Maayos pa ang pagkakaupo nito at nakapatong yung paa sa upuan.

"Mukhang hindi mo naman na kailangan e. Kayang kaya mo namang maglakad." Nakangiting sabi nito.

Natawa naman ako, pero deep inside pinapatay nako ng sugat ko sa kirot. Pero tiis muna tayo. Tulak tulak ko yung wheel chair hanggang makapunta kami sa lobby.

"SHIT! IT'S ALMOST 9:30!" Taranta nitong sabi.

Agad itong napatayo sa wheel chair at kinuha yung bag.

"I'm sorry, malalate nako sa klase ko." Taranta nitong sabi.

Naglakad ito papunta sa hagdan pero pinigilan ko ito.

"Teka!" Sigaw ko.

Napalingon naman ito sakin.

"A-ano palang pangalan mo?" Nahihiya kong tanong.

Napangiti naman ito sakin.

"Summer."

----

Love, Zachary [ COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon