Noong Enero 20, 1872, dalawang daang Pilipinong manggagawa mula sa Cavite ang nag-aklas laban sa mga kastila hinggil sa hindi makataong pagtrato ng kanilang pamahalaan. Dahil sa pagmamalabis,humantong ito upang usigin sila ng mga sekular na pari na si Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Sa kanilang pagpupulong ay napagkasunduan nila na bumuo ng isang reporma upang magkaroon ng sariling pamahalaan.
"Kailangan na nating wakasan ang matagal na panahong pang aalipin sa atin ng Espanya." ang wika ni Padre Gomez.
"kumilos na tayo upang maagapan pa natin ang pagdanak ng dugo. Bumuo ng hukbo ang manggagawa mula sa Cavite upang magsagawa ng pagaalsa laban sa mga kastila." ang patuloy na pahayag ni Padre Gomez.
"Ngunit Padre Gomez hindi kaya ang gagawin natin ay maaaring magdulot ng matinding galit sa atin ng Espanya."Ang nababahalang sagot ni Padre Zamora.
"Ang ating gagawin ay isang reporma at hindi pagaalsa. "ang wika ng Padre Gomez.
"Subalit Padre Gomez baka ituring ito ng Espanya na isang banta sa kanilang pamahalaan. Iisipin nila na tinutuligsa natin ang kanilang pamumuno." Ang sagot ni Padre Zamora.
Samantala, tahimik naman na nakikinig sa kanila si Padre Burgos na kalaunan ay nagbigay narin ng pahayag tungkol sa reporma na kanilang isinusulong.
Taglay ni Padre Burgos ang pagiging mapusok at isang matapang na aktibista. Sapagkat nanguna siya sa malaking pagaalsang ginawa ng mga mag-aaral na San Juan De Letran na nagresulta sa pagkamatay ng isang estudyante.Labis siyang kinaiinggitan ng mga prayle at paring kastila dahil isa siya sa napili upang maging kura Paroko ng katedral ng Maynila dahil sa pagiging Insulares.
Dahil sa matinding inggit ng mga prayle at paring kastila kay Padre Burgos, gumawa sila ng masamang plano laban sa tatlong pari. Inakusahan sila na nagpasimula ng naturang pagaalsa sa Cavite na ikinamatay ng isang mataas na opisyal ng kastila noong gabi ng Enero 20, 1872.
Si Padre Mariano Gomez na isang mestisong hapon at isang banal na pari na nagsusulong sa pagreporma ng mga lupa para sa magsasaka ay dinakip kasama ang kanyang pamangkin na si Padre Feliciano Gomez sa kumbento na kaniyang Parokya sa Bacoor Cavite. Ngunit pinigilan ng mga magsasaka ang mga Guardia Civil.
"Huminahon kayo mga kasama,sasama ako sa kanila ng maayos. " Ang sabi ni Padre Gomez sa mga magsasaka.
At mahinahong nagpatali sa kanyang mga kamay.
Samantala, dinakip rin si Padre Zamora na isang marangal na paring Pilipino. Ayon sa usap-usapan,kaya lamang ito dinakip ay diumano sa pagiging malapit nito kay Padre Burgos.
Ang tatlong pari ay hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng garrote.
"Padre Gomez bakit nila tayo ginaganito"?
Walang katotohanan ang mga paratang nila sa atin." Ang malungkot na sambit ni Padre Zamora."May awa ang diyos Padre Gomez, hindi magtatagal lalabas din ang katotohanan. "
Ang sagot ni Padre Zamora sa kaniya."Huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil hindi pa ito ang katapusan ng ating ipinaglalaban kundi ito ay umpisa pa lamang. " ang seryosong wika ng Padre Burgos sa kanyang kapuwa pari.
Ika-lima ng umaga nang hiniling ng Gobernador heneral na si Rafael Izquierdo sa nakatalagang Arsobispo ng Maynila na si Gregorio Meliton Martinez ang hindi pagsusuot ng abito ng tatlong pari kapag sila ay bibitayin.Ngunit mariin itong tinutulan ng Arsobispo sapagkat naniniwala siya na inosente ang mga ito sa mga paratang sa kanila.
Sa kabilang dako ay nagbigay pugay ang Arsobispo sa tatlong pari sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana habang sila ay patungo sa Bagumbayan,sa ika-17 ng Pebrero 1872. Ang araw ng pagbitay kay Padre Burgos, Gomez at Zamora.
Napuno ng dalamhati ang paligid ng Bagumbayan mula sa pagtangis ng mga tao sa sinapit ng tatlong pari.
Mahinahong pumanhik sa entablado si Padre Gomez na 85 gulang na noon at halos uugod-ugod na dahil sa katandaan.Nahulog pa ang salamin nito sa mata, saglit itong huminto upang pulutin at isinuot muli at buong dakilang humarap sa mga tao at Nagwika...
"Tayo'y magtungo sa isang lugar na kung saan ang mga dahon ay hindi kikilos na walang kumpas ang Panginoon. "
At mahinahon itong umupo sa silya ng garrote at isinagawa na sa kanya ang pagbitay.
Sumunod ay si Padre Jacinto Zamora.
Jacinto Zamora!!! Nang marinig ang kanyang pangalan ay umakyat na ito sa entablado na wala man lang sinabi. Tahimik at mahinahong nagpalagay ng itim na tela sa kanyang mukha at umupo sa silya ng garrote. Tulala lang ito sapagkat hindi niya lubos akalain na hahantong lang sa mapait na katapusan ang kanilang ipinaglalaban. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang hinihigpitan ang panakal na garrote.Matapos magarrote si Padre Gomez at Zamora. Si Padre Burgos ay pumanhik na sa entablado ng kamatayan.Pansamantala siyang tumigil at humarap sa kastilang koronel Boscasa,taglay parin ang pagiging aktibista at matapang na paninindigan,at nagwika...
"Pinapatawad na kita at sana'y patawarin karin ng Diyos tulad ng pagpapatawad ko sa iyo. "
At mahinahon itong umupo sa silya ng kamatayan.
Subalit bigla itong tumindig at sumigaw...
"Ako ay inosente!!!
Ngunit sinagot siya ng prayleng Benito Carominas at sinabing...
"Ang Panginoon ay inosente rin!!!
Sa sinabing ito ng prayle ay minasdan ito ng masamang tingin ni Padre Burgos at nagpatuloy sa pagsasalita...
"Ano ang nagawa kong kasalanan?
Mamatay ba ako na wala man lang kabuluhan? "Panginoon!!! Walang katarungan sa mundong ito!!!
Sa pagsigaw ni Padre Burgos ay lumapit na ang berdugong papatay sa kanya. Ang berdugo ay nagsalita...
"Padre patawarin mo ako sa gagawin ko sa iyo. "
Minasdan ito ni Padre Burgos at malungkot na tinitigan ang mga mata ng berdugo at mahinahong sumagot...
"Pinapatawad na kita anak... Gawin mo na ang dapat mong gawin. "
Pagkasabi nito,si Padre Burgos ay humarap sa mga tao at itinaas nito ang kanyang mga kamay upang sila ay basbasan. Pagkatapos ay umupo na ito sa silya ng garrote at tinakpan na ang kanyang mukha. Habang pahigpit ng pahigpit ang pagyakap ng kamatayan sa kanyang dibdib si Padre Burgos ay muling sumigaw...
"Aking Panginoon kupkupin mo sana ang kaluluwang inosen...
Hindi na niya naituloy ang kanyang huling habilin at nalagutan na siya ng hininga.
Ang pagkamatay ng tatlong pari ay nag udyok sa mga Pilipino upang mag-aklas laban sa mga kastila,at patuloy na ipaglaban ang pagkakaroon ng reporma sa sariling bayan. Ang sinapit ni Padre Burgos, Gomez at Zamora ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga nobela.Ito rin ang dahilan sa pagsiklab ng rebolusyong Pilipino sa pangunguna ni Andres Bonifacio ang Supremo ng katipunan nang mga anak ng bayan.
YOU ARE READING
Gomburza
Short StoryAng pagkamatay ng tatlong pari ay nagbunsod upang mag-aklas ang mga Pilipino laban sa mga kastila, at patuloy na ipaglaban ang pagkakaroon ng reporma sa sariling bayan.