ɪɴ ᴛʜᴇ ɴᴀᴍᴇ ᴏꜰ ʟᴏᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜɪʀᴛʏ ᴏɴᴇ
⟮ ᴜɴɪᴠᴇʀꜱɪᴛʏ'ꜱ ᴠɪꜱɪᴛᴏʀꜱ ⟯
『 ʀᴇɴᴢ ᴋʏʟᴇ ꜱᴀʟᴠᴀᴅᴏʀ'ꜱ ᴘᴏᴠ 』
" Sino yung mga yun , Kyle ? Sabi mo babae lang ang tinulungan mo , bakit ang dami nila ? " tanong ni Janine sa akin.
Oo nga , bakit di ko yun naisip ?! Sini ba sila para ganun sila makapagdepensa sa totoo kong pamilya ? Lalong - lalo na ang lalaki'ng yun , tinulak niya pa ako. May konektado kaya sila sa totoo ko'ng pamilya ? Nacurious tuloy ako.
" Yung mga yun ? Anak ng babae yun tsaka yung lalaki'ng may katandaan na rin ay siguro asawa ni Ms. Na yun " sagot ko naman habang naglalakad kami pabalik sa park.
" Ms. Na ? Na pangalan ng babaeng tinulungan mo ? " gulat na tanong ni Janine.
" Oo , bakit ? Tsaka , isa siyang korean " sagot ko , habang nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman sila nagsalita pa kaya ay tahimik nalang kami'ng naglalakad pabalik ng park.
Mga ilang oras ay medyo naboring na din kami at napagisipang umuwi nalang dahil sobra na din ang init dahil tanghali na.
*
( Kinabukasan )
Kring , kring.
tunog ng alam clock ko , bumangon agad ako para mag - ayos na dahil ngayon ang visit nila Mr. Jung at Mrs. Jung sa University." Halika na Kyle " tawag sa akin ni mom sa labas ng kwarto ko , lumabas agad ako paa kumain tapos naman din akong mag - ayos ng sarili ko.
Pagkababa ko ay pumunta agad ako sa dining , naabutan ko si dad at si Mandy pati na din si Mom na hindi pa ginagalaw ang kanilang pagkain , siguro hinintay nila akong makababa. Umupo agad ako sa tabi ni Mandy at kumuha ng plato at kutsara para makapagsimula ng kumain.
" We've heard , may bisita daw na dadating sa University ?! " panimula ni dad habang kumakain.
" Yes po , meron po. Si Mr. and Mrs. Jung po ang pupunta sa university " sagot ni Mandy.
" Alam mo ba to Kyle ? " tanong ni dad sa akin.
" Of course , pero nalaman ko lang ito ng i - announce ni teacher carla sa classroom namin na dadating sila. " sagot ko naman.
" O siya , bilisan niyo na diyan baka malate pa kayo " sabi naman ni mom saka kami nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay umalis agad kami , sumbay nalang kami kay dad since madadaanan lang naman ang university papunta sa company ni dad.
( 15 minutes after )
Nakaabot na kami sa university at agad naman kaming nagpaalam kay dad saka pumasok na ng university. Pagkapasok ko ng gate ay natanaw ko na agad ang nga kaibigan ko maliban kay Casper , speaking of that man san kaya yun ? Hindi din siya nagparamdam kahapon.
" Ang aga niyo naman " sabi ko sa mga kaibigan ko.
" Haha , talaga lang naman. Anyways , tingnan mo ang university...diba ang ganda ?! " sabi ni Ashley.
![](https://img.wattpad.com/cover/267626760-288-k2814.jpg)
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing/Under Editing ]
Fiksi Remaja•MPREG• •SEASON 1• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someone they...