Chapter 2

5 0 0
                                    


Charneah's POV

Nakatitig lang ako kina Mikey at nung babae na magkayakap. Whoa...

"Run bastards!!! Ito nalang ang pag-asa niyong makatakas or else we will wipe out that fucking gang of yours!"malakas na sigaw ni Aleksanteri.

"Fuck! Let's get out of here."

"Talo na rin si boss so let's back off."

"Let's go!"

"FUCK YOU, TOMAN!"

Pahabol na sigaw nang mga kalaban nina Keio. Mabilis din silang sumakay sa kanilang mga motor at pinaharurot ito paalis sa bakanteng lote. Naiwan nalang ako at ang mga miyembro ng Toman. Tahimik pa rin kaming lahat at nakatayo lang sa gitna nang malakas na buhos ng ulan.

"Neah!"

Agad akong napalingon sa gilid nang may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko naman si Keio na tumatakbo papalapit sa kinaroroonan ko. Napalunok nalang ako nang makita ang mga tinamo niyang sugat sa mukha at katawan. Dumudugo din ang gilid ng bibig niya at halos hindi na mabuka ang kaliwang mata. Hayss.

"Hi."ani ko sabay hawak sa kanyang pisngi. Kailangan niyang magamot agad lalo na't may pasok pa rin kami bukas. At isa pa siguradong mag-aalala na naman si Tita kapag nakita niya na naman ang anak sa ganitong kalagayan. "Let's go home, gagamutin natin mga sugat mo Keio."

"Eh? Teka muna Neah, yung ano..."lumingon siya sa direksyon nina Mikey kaya napatingin na rin ako doon. "Sino yung babae?"

Umiling-iling naman ako dahil pati rin ako walang kaalam-alam kung sino yung babae. Akala yata ni Keio na kilala ko lalo na't sumulpot ito kanina galing sa kinaroroonan ko.

Bigla naman bumitaw ang babae sa pagkakayakap kay Mikey ngunit bigla din itong nanghina kaya muntik nang bumagsak sa lupa buti nalang hinapit ni Mikey ang bewang nito at binuhat na parang prinsesa.

"Mikey, do you know her?"tanong nang lalaking nangngangalang Aleksanteri.

"No."sagot naman ni Mikey habang tinititigan ang babaeng buhat-buhat niya.

Nagsimula namang kumilos ang iba at pinalibutan ang babaeng nawalan nang malay. Gusto kong tumingin din ngunit ang dami na nila na nakapalibot sa babae at di ko alam kung saan sisiksik para makalapit doon. Pero nagulat ako nang hawakan ni Keio ang kamay ko at hinila papunta sa harapan. Nakisiksik kami at inabot lang ng ilang segundo ay nandito na kami mismo sa harapan nina Mikey.

"Keio, dinala mo girlfriend mo dito?! Pag yan nadamay sa away!"sigaw ni Aleksanteri. "Good day, Neah-chan."bigla naman siya bumaling ng tingin sa akin at ngumiti.

"I'm so sorry, hindi alam ni Keio na pupunta ako dito. Nag-alala lang ako baka may magyaring masama sa kanya."mahina kong sabi habang nakayuko. Sabi ko na eh, sobrang delikado nang ginagawa ko. Pero di ko kayang umupo nalang at pabayaan si Keio na masaktan. I'd rather fight with him than do nothing. "Pero gusto kong protektahan si Keio kahit sa paraan na di ko alam kung makakatulong so please allow me to do something."

"Neah..."Keio said while smiling at me.

"Galing ng girlfriend mo Keio, di mo siya deserve."sambit ni Lesgrei na nasa tabi ni Keio.

"Shut up Les!"asik niya pagkatapos ay nilingon ako ulit. "Pwede payakap?"sabi niya at aakmang yayakapin ako.

"Oi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I were the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon