Part 1

3.1K 40 7
                                    

Lisa pov

Nasa harapan ako ng gate ng Yg National Highschool na pag aaralan ko ngayon at marami naring istudyante na pumapasok rito

Ako si Lisa manoban 16 years old at 4th year highschool this year, ka ka-transfer ko lang dito kahapon galing akong thailand at sa pagkakaalam ko.. nung nakaraang linggo pa nagsimula ang klase dito. Lumipat lang kami rito sa pilipinas dahil sa kadahilanang.. namiss ni mama ang lugar dito at mas masaya raw dito kase andito rin ang mga kaibigan niya na 9years na niyang di nakikita.

Pumasok nako sa loob at nag lakad ng mapayapa kahit ang ingay ng paligid ay diko nalamang pinansin bagkos inilagay ko nalang ang earphone ko sa aking tenga at nag patugtog ng paborito kong kanta sa cellphone ko (first love by utada hikaru)

Habang naglalakad ako patungo sa room na pupuntahan ko

May biglang umakbay saakin na ikinagulat ko

Napatingin ako rito at kita ko ang kasingtangkad kong babae na nakatingin saakin habang nakangiti

Tinanggal ko ang isa kong earphone bago magsalita

"M-may problema ka?"tanong ko na ikinatawa niya

"Wala naman, gusto lang kitang akbayan. Feeling ko kase parehas tayo ng room at seksyon na papasukan" sabi ng babae at ngumiti

Feeling close ampoopoo

"A-ahh.. ganon ba?, ano bang room mo at seksyon?" tanong ko

"Room 2-3 section mapagmahal" sabi niya na ikinalaki ng mata ko at ikinangiti ko

"Parehas nga tayo" sabi ko

"Oh diba!, ang lakas ko talagang makaramdam. Tara" sambit niya sabay hatak saakin

"Ouy! T-teka----"

Fastforward...

Huminto kami sa harapan ng room at bumungad saamin ang magulong upuan at mga nag iingayan na mga estudyante at ang iba ay nagtatakbuhan

"Welkam sa magulong seksyon!" sigaw ng katabi ko na ikinagulat ko, agad itong tumakbo papasok sa loob at nakipag habulan sa mga babaeng naglalaro sa loob

Nag kibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob

Tahimik lang akong pumasok habang sobrang ingay ng paligid

Bigla akong napayuko at napatago sa lamesa ng guro ng may lumipad na bag papunta saakin, buti nalang di ako natamaan.

Nag taka naman ako ng biglang tumahimik ang silid kaya tumayo ako at tinignan ang mga kapwa kong istudyante na nakatingin saakin.

"H-hi?" sambit ko

Nakatingin lang sila saakin kahit yung matangkad na babaeng umakbay saakin nakatingin lang..

May isa namang medyo kaliitang babaeng lumapit saakin

"Bago kalang?" tanong nito saakin

"Ahm.. o-oo" sabi ko

"Welkam sa seksyon Namin! Isa kana sa pamilyang TARANTADOOOO!! Pero MAPAGMAHAL!" biglang sabi nito na biglang ikinahiyaw nila

"WOOOO!!!"

"RRRRR!"

"ARIBA! ARIBA!"

ang ingay nila kaya napatakip ako sa tenga ko

Mali ata ako ng napasukan.

"A-ahh n-nag kamali lang ako ng pinasukan ehehe..sige alis na ako ah byebye" sabi ko at lalabas na sana ng room ng bumungad saakin ang isang guro

My First & Last ||JenLisa|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon