Part 30

802 27 8
                                    

Mula sa labas ng room..

Naka angel sit paikot sina irene, nayeon, wendy, chaeng, joy at yeri. Dahil balak nilang ayusan si jennie.

"Liptint beh" sabi ni irene.

Inabutan naman siya ni wendy ng liptint

"Okay, ms.kim.. mas bagay sayo ang mapulang labi para mabigyan mo din ng liptint si lisa"sabi ni irene

"Tanga.. mas bagay sa kanya yung very light lang. Hindi nag liliptint si lisa" sabi ni chae

"Ano ba kayo?, hindi ko naman kailangan niyan.. ang ganda ko na kaya" proud na sabi ni jennie at hinawi pa ang kanyang buhok

"Lana.. may nanalo na" sabi ni yeri

"Tsh.. totoo naman maganda ako, bakit parang di ka sang ayon?" Sabi ni jennie

"Di ah.. sang ayon ako, kinababaliwan ka nga ng mga kalalakihan dito diba?" Sabi naman ni yeri

"Tama na daldalan.. joy akin na yang maganda mong panyo"sabi ni chaeng at hinablot ang panyo ni joy

"May sipon na yan" birong sabi ni joy

"Yak! Ilayo mo sakin yan chae!" Sigaw ni jennie

"Arte be. Tanga walang sipon to, maniwala ka dyan kay joy" sabi ni chaeng at nilagay sa ulo ni jennie ang panyo

Kasabay non ang pag dating ni seulgi na may dalang gitara at paglapit sa kanya

"Oh" pag abot ni seulgi ng gitara kay chaeng

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ni chaeng

"Sabi ni jisoo ikaw daw kumanta at mag tugtog nito" sabi ni seulgi

"Aba... may singer tayo dito ah" sabi ni wendy

"Singer ka din, tayong dalawa kakanta tara.. huy kayo na mag hatid kay jennie.. tara na wendy!" Sabi ni chaeng at kinuha kay seulgi ang gitara sabay pasok sa loob ng room

"Pasok na ako sa loob" sabi ni seulgi at pumasok sa loob

"Lakas talaga ng trip niyo" sabi ni jennie

"Ang boring kasi kung walang mapagtripan.. eh nalaman naming engaged na kayo ni lisa bebe" sabi ni nayeon

"Ah ganon?, boring din ako baka pwede kong pagtripan buhok mo?" Mataray na saad ni jennie

"Wag! Wag naman! Nagbibiro lang ako eh naneto" sabi ni nayeon

"Takot ka pala eh HAHAHAHA" pangangasar ni yeri

"Itong yero na to.. mapang asar" sabi ni joy

"Itong dishwashing liquid na to paepal" sabi naman ni yeri

"Alam niyo.. tumigil na kayo" sabi ni jennie

"Ito kasing yerong to eh"

"Ah ikaw nga nauna"

----

"Seul, ano bang unang gagawin?" Tanong ni jisoo kay seulgi ng makalapit ito sa kanya

"Ahm.. mag bibigay sila ng pangako sa isa't isa.. tapos bibigyan mo sila ng basbas"

"Pot@ daming alam, kiss the bride nalang agad daming satsat eh" sabi ni jisoo

"Gag* ka, ako na nga mag papastora obob mo shuta ka.." sabi ni seulgi

"Tse! Manahimik ka.. " sabi ni jisoo at tinikom ang bibig ni seulgi gamit kamay nito

"Ready naba ang ating bride?" Tanong ni jisoo

"Ready na manok!"

"Guys ready niyo na cp niyo" bilin ni sana sa mga kaklase niya

"Kinakabahan ako gagi" sabi ni lisa

My First & Last ||JenLisa|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon