Part 29

631 23 4
                                    

Sa garden..

Hinawakan ni lisa ang kamay ni jennie at hinalikan ang likod ng palad nito banda sa may ring finger

Nakangiting nakatingin naman si jennie sa kanya at walang ka ideya-ideya sa plano ni lisa.

Binitawan ni lisa ang kamay ni jennie at huminga ng malalim

"Jennie kim, alam kong.. masyado pang maaga para gawin ko ito" saad ni lisa

"Jennie kim?, May galit kaba sakin?" Tanong ni jennie

"Ha? W-wala ah.."

"Eh bakit binanggit mo buong pangalan ko ha?"

"Hindi po ako galit.."sabi ni lisa kaya umimik nalang si jennie at nanatiling nakatingin sa kanya

"Ano kase.. ahm.. nahihiya tuloy ako, ikaw kasi eh!" Sambit ni lisa at tinalikuran si jennie

"Sinisi mo pa ako" sambit ni jennie

"Ito na seryoso na.. seryoso naaa" saad ni lisa at humarap muli kay jennie

"Nini.. alam kong masyado pang maaga para gawin ko to--" naputol ang sasabihin ni lisa ng magsalita si jennie

"Omygosh! May balak kang reypin ako?!" Gulat na tanong ni jennie at napahawak sa katawan niya

"Yahhh!!! Wala! Hindi ako ganon! Wala akong balak! Ano kaba?!, hindi ko matapos tapos ang gusto kong sabihin sabat ka ng sabat patapusin mo muna ako OKAY?!" Medyo inis na sabi ni lisa.. oo medyo lang

"So, sinisigawan moko ha?" Tanong ni jennie at nag cross arm

Umiling iling naman si lisa at ngumuso

"Hindi po mahal.."sabi ni lisa

"Patapusin mo muna po kasi ako" kalmadong sabi ni lisa

"Oo na.. sige na sabihin mo na ang sasabihin mo"sabi ni jennie

Umayos muli ng tayo si lisa at inayos ang boses niya

"Eherm.. ahm, mahal.. alam  ko masyado pang maaga para gawin ko ito, hmm.. pero kasi, ang sabi ni mama.. habang maaga pa raw gawin ko na, baka kasi maunahan pa daw ako" sabi ni lisa na ikinatango tango naman ni jennie.

"Nakikita mo itong hawak ko ngayon?" Tanong ni lisa

"Malamang di ako bulag" sambit ni jennie kaya nilakihan siya ng mata ni lisa

"Ay.. sorry oo nga pala, oo na po promise di na ako sasabat" sabi ni jennie at tinaas ng matuwid ang kamay niya at nag cross arm ulit

"Itong hawak ko ngayon, ang mag tutupad sa pangako ko sayo.. nung bata pa tayo" sabi ni lisa

"What do you mean?" Takang Tanong ni jennie

Dahan-dahang lumuhod si lisa at binuksan ang maliit na kahon na hawak niya.

Napalaki ng mata si jennie at napatakip ng bibig dahil sa nakita niya.

Isang couple diamond ring..

"Lisa.."

"Ginamit ko yung ipon ko para mabili lang to hehe.." sambit ni lisa

Naiiyak naman si jennie dahil di niya akalain na mag p-propose sa kanya si lisa

"Yeah, sabi ko nga.. masyado pang maaga para gawin ko ito. Tutuparin ko na ang pangako ko sayo, na kapag lumaki na tayo.. papakasalan kita" nakangiting saad ni lisa

Tumulo na ang luha ni jennie dahil sa tuwa na nararamdaman niya

"I was 8 years old when i met you, and now.. i was 17 years old when you are my girlfriend.. and soon to be my wife" nakangiting sabi ni lisa at kinuha ang isang sing sing tsaka sinuot sa kanyang sarili at ang isa naman ay tinanggal niya din sa kahon. Tsaka niya ibinulsa ang kahon.. at ang isa naman ay hawak niya.

My First & Last ||JenLisa|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon