Part 15

727 25 4
                                    

Lisa Pov

Alas otso na ng umaga ng nag pasya nakong bumangon.

Umunat muna ako at sumigaw

"AHHHHH! ANG GANDA NG GISING KOOO"

Agad akong tumayo at inayos ang higaan ko tsaka ko sinuot ang tsenelas ko na pang bahay lang.

Agad akong lumapit sa pinto at binuksan ito

Pero..

"MAMA!"

Nagulat ako ng bumungad saakin si mama na nakakunot noong nakatingin saakin

"M-ma? B-bakit???"tanong ko

Tinaasan niya ako ng isang kilay sabay hawak sa bewang niya

"Anong oras kana umuwi ha?, di mo din kinain yung niluto kong ulam para sayo. San ka nanggaling Ha?!"

Napapikit ako dahil sa pagsigaw ni mama saakin

Aish ang ganda na nga ng gising ko ma sisirain mo pa.

Ay hindi pwede.
Hindi pwede masira ang araw ko

"Ma.."sambit ko at niyakap siya

"Sorry na.."malambing kong sambit at nilagay ang ulo ko sa balikat niya

"Sorry na ma, kasi naman. Naglakad lang po ako pauwi. Ubos na laman ng bus card ko" malambing kong saad at nag pout pa tsaka tumingin kay mama

"Bakit dimo kinain yung ulam na niluto ko kagabi? Iniwan ko naman iyon sa lamesa ah hmp! Ayaw mo na ng luto ko noh? Hmp!"sabi ni mama at umaktong nagtatampo

"Ma, gusto ko ang mga luto mo. Hindi ko lang na kain kase. Umuwi ako ng sobrang busog. Nilibre ako ng kaibigan ko na kumain sa isang restaurant" sabi ko habang yakap yakap si mama

"Sinong kaibigan yan?"tanong sakin ni mama

"Yung kaklase ko po,na si jennie.."sabi ko

"Jennie?"

"Opo,alam mo ma. Apaka sungit nun sakin pagdating sa Kim high, pero pag kaming dalawa nalang mag kasama. Ang sweet niya" nakangiting sabi ko  at humiwalay na sa pagkakayakap kay mama.

Tumingin naman siya saakin at nginitian ako ng nakakaloko kaya nagtaka ako

"Anak, alam kong nagkakagusto ka sa babae wag kanang tumanggi. May gusto ka sa jennie nayon noh?" tanong ni mama na ikinalaki ng mata ko nabigla lang ako..

"Ma, straight ako noh!. Hindi ako nag kakagusto sa babae mamatay man ako"sambit ko

"Sus, lisa wag kanang tumanggi. Simula bata ka pa kita kong nagkakagusto karin sa babae. Nagsabi ka pa nga kay nini na papakasalan mo siya paglaki niyo" sabi ni mama na ikinatingin ko sa kanya

"Babae ba yung nini?" tanong ko

"Aba oo malamang. Kaya nga nini eh" sabi ni mama at hinawakan ang balikat ko

"Miss na miss kana ng batang yon panigurado. Magkikita na kayo"sabi ni mama tsaka ngumiti

"Ma.. bata pa naman ako non, tsaka wala akong matandaan na may sinabihan akong ganyan" sabi ko

"Lisa, baka nakakalimutan mo? Naaksidente ka. At nagkaron ka ng amnesia. "sabi ni mama at dumiretso na sa kusina

Napaangat nalang ako ng balikat at sumunod kay mama

"Mama, bat ko ba sinabi sa nini na yon na pa-pakasalan ko siya?"

"Kasi sabi mo,  ang taba ng pisngi niya at sobrang kyut niya." sabi ni mama at nagsuot ng apron

My First & Last ||JenLisa|| [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon