CHAPTER 1~ Umpisa

167 5 1
                                    

Cupid's 25th Girlfriend


Written by:
HannaGoBlueJazmine


"Put that thing right there! And please paki-ingatan! Mahal ang mga 'yan! Malalagot tayo kapag nagkataon!" narinig kong utos at muestra ng designer sa mga arrangers. Metikulosa ito at binubulyawan niya talaga ang mga nakikita niyang mali lalo na doon sa mga hindi nag-iingat. Kapag nga naman sila nakadisgrasya ng gamit ay malaki ang kanilang babayaran. Bukod pa ro'n ay masisisante sila ng 'di oras. Ilang oras na lang din kasi ay magsisimula ba ang party. Ako naman ay panay ang shot ko sa bawat magaganda'ng anggulong nakikita ko. Lahat ng makulay at kakaiba lalo na sa mga bulaklak na inaayos nila sa may entrada.

Photo Editor, magazine editor, Freelance camera woman, Freelance photographer. Lahat yata ng mga 'yan ay pinapasok ko na para lang kumamal ng limpak na salapi. Jusko. Hirap kumita. Kailangan mong magka cramps, ma-stress, magkasakit, mahilo, magtiis ng gutom at ma-stranded sa isang isla dahil walang bangkang pabalik ng bayan o payong dahil naulan kaya nasa isang waiting shed ka at naghihintay ng himala na may dumaang taxi kahit napakalabo ng daan. Hindi mo naman puwede suongin ang ulan dahil mababasa ang mga dalang Camera.

"Haily!" tawag sa akin ni Ate Sabelle. Napalingon ako sa direksiyon na pinanggalingan ng boses niya. Natanaw ko siyang kumakaway habang nagdi-diyosa walk. Siya ang friend ko dito. Contact na talaga nila ako noon, hanggang ngayon kapag may mga ganitong event. Siyempre ano pa ba? Being photographer or sometimes Videographer. Tinatawag ko ang mga tropa ko. Para sumaydlayn din doon. Pero ngayon mukhang ako lang talaga ang kailangan dahil ang event na ito ay welcome back party lang naman para sa anak ng may-ari nito. Galing daw itong ibang bansa para mag-promote ng mga produkto nila doon at mag-extend ng branch.

"Ate Sab!" kaway ko sa kanya. Sinalubong namin ng yakap ang isa't isa. Na miss ko siya, sobra. Hindi na kasi kami niyan nagkikita nitong mga nakaraan dahil parehas kaming B.C.

"Kamusta? Sumisexy tayo ahh? Baka naman wala ka nang pahinga?" aniya sa akin na tila inoobserbahan ang kabuuan ko. Iminuestra niya sa akin na tumabi dahil nasagitna kami kaya napasulok kami. Hindi nakaligtas sa akin ang mga simpat ng mga tao sa paligid. Siguro tinitingnan nila ang suot ko. Naka-black rubber shoes lang kasi ako. Naka-white T-shirt at ripped  jeans. Hala, may mali ba? Sa bagay party nga naman ito tapos ako ganito ang suot? Hindi naman kasi ako kumportable magsuot ng dress and stiletto kaya wala akong paki sa dress code. Isa pa, alam nila na iyon lang ang tanging kondisyon na hiningi ko sa kanila. Pumayag naman sila. Ang mga nagtitinginan sa akin? Don't mind them. Nagagandahan lang sila talaga sa akin.

"Hehe... Oo Ate, wala na akong time magpahinga. Mabenta tayo ngayon eh, sayang naman kung palalagpasin ko pa. Pera rin 'yun," pag-amin ko. Why? There's no point of keeping the obvious thing. Totoo namang money seeker ako.

May nakita akong ipinasok na mga bulaklak at mga lobo kaya itinutok ko ang lente ng kamera ko at walang sabi-sabing pinush ko ang Capture botton. Ganda. Pero wait? Coctail party na may baloons? Sa bagay trip nila yan. Baka mahilig ang anak ng may-ari sa lobo. My gaahd ano bang pakialam mo Haily kung isip-three year old 'yun?

"You've done a good job before ate girl, Kaya nga kapag may mga ka kilala ako, ikaw agad ang ni-re-recomend ko sa kanila. Isa rin sa mga nakatulong sa pagtaas ng sales sa stock market namin ay ang mga kuha mo. So far, hindi pa naman ako napapahiya sa iba sa pag-re-recomend ko sa 'yo sa kanila," aniya. Nahiya naman daw ako. Sorry na, mahiyain ang lola niyo. Kaya nga sa ganitong field ako umangat kase hindi talaga ako mahilig makipag-socialize. Tahimik lang akong tao kaya kapagsinama mo ako sa isa ring tahimik na tao, magkakapanisan kami ng laway. Mas gusto kong magtago na lang sa isang tabi at makinig ng music o kaya ay maggala sa kung saan-saan para kumuha ng letrato. Ang saya ng buhay ko ano? Hindi boring.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cupid's 25'th GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon