" Huwag..maawa ka, " naiiyak na pakiusap ng isang babae.
Siya ay hirap sa pagkaladkad ng isang paa na nabali matapos tumalon sa ikalawang palapag ng bahay. Duguan ang babae at gula-gulanit ang damit. Pilit itong umaatras palayo sa taong nasa kanyang harapan.
Ngumiti lamang ang taong nakamaskara at hinigpitan ang pagkakahawak sa palakol na dala-dala.
" Maawa ka na..ayoko pang mamatay.. " pagmamakaawa ng babae, ngunit tila hindi siya naririnig ng kaharap at patuloy lamang ito sa paglapit sa kanya. Dinig ng babae ang tawa nito. Galak na galak sa kanyang gagawin. Iwinawasiwas pa nito ang palakol na tila ipinagyayabang nito kung gaano iyon katalim.
" Hindi na kita maaaring buhayin, nakita mo na ang tinatago kong lihim. " nakakaloko ang ngiti ng kaharap ng babae, lalong napaiyak tuloy siya.
Nagkaroon tuloy ng pagsisisi ang babae dahil kung hindi niya natuklasan ang lihim nito di sana ay hindi siya dadanas ng impyerno ngayong oras na ito! Nakita niya kasi ang itinatago nitong lihim. Matatawag mong baliw ang taong kaharap niya, kung tao nga ba ang gawain nito! Dahil sa kahindik-hindik at nakakasuka na itinatago nito sa isang silid sa kanyang bahay!
" H-hindi ko iyon s-sasabihin sa i-iba..basta pakawalan mo lang ako! Parang awa mo na ayoko pang mamatay! " humagulgol na ang babae, halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Takot, sakit, pagsisisi, pagod at kadesperaduhang mabuhay!
" Gasgas na ang linya na 'yan. Sinabi na din iyan ng mga nagmamay-ari ng parte ng katawan na nakita mo, " natatawang sabi ng kaharap niya. Nakatayo na ito sa harap ng babae. Humahagulgol na ang babae at napahawak na ito sa tuhod ng lalaki para magmakaawa.
" Pangako, hindi ko sasabihin ang nakita ko. Pakawalan mo lang ako! " patuloy na pagmamakaawa nito.
" Hindi pwede kailangang kong linisin ang ebedensya! Dapat walang saksi! Hayaan mo hindi ito masakit parang kagat lang ng langgam. Kung makaramdam ka man ng sakit saglit lang naman. Mabilis lang ito. " tila nababaliw na sabi ng taong nakamaskara. Iniangat nito ang hawak na palakol. Dahil doon ay natakot ang babae.
" AHHHHHHHHHH! " matinis na sigaw nito bago lumaglag ang palakol sa mukha nito at nahati ang babae sa dalawa. Bumagsak ang katawan nito sa lupa at umagos ang masaganang dugo. Nagkikisay-kisay pa ang babae habang tuwang-tuwa na pinapanood ng taong nakamaskara. Maya-maya ay huminto sa pagkisay ang babae at nilapitan ito ng nakamaskara. Walang pakundangan nitong dinukot ang dalawang mata ng babae at inilagay sa isang ziplock na plastic bag. Hinawakan nito ang magkabilang paa at saka hinila nito ang katawan ng babaeng kanina lamang ay nagmamakaawa sa kanya.
" Hahahaha!"
" Pwede ba huwag mo akong pagtawanan. Anong magagawa ko sa hindi ako sanay sa mga movie na ganyan. " napipikon na si Thessa sa katabi niyang si Nathan na kanina pa tawa ng tawa sa tuwing siya ay titili o di naman ay magtatago sa braso ng binata sa tuwing may nakakatakot na eksena.
"Tara na nga at nagugutom na ako, ikain na lang natin iyang inis mo. " nakakalokong ngumiti ang binata. Pinaningkitan naman siya ng mata ni Thessa. Kinurot siya sa pisngi ng binata at hinila palabas ng sinehan.
Sa isang japanese restaurant sila kumain. Kwentuhan, asaran ang ginawa nila habang kumakain. Tawa ng tawa si Thessa sa binata.
" Thessa, kelan mo ba ako sasagutin?" seryosong tanong ni Nathan sa kanya, biglang nawala ang ngiti ni Thessa sa labi.
" Anu ba namang tanong iyan. Bakit naiinip ka na ba? Isang taon ka pa lang naman na nanliligaw ah. " asar ni Thessa sa binata. Totoo ang sinabi ng dalaga, isang taon na itong nanliligaw sa kanya ngunit hindi niya pa din sinasagot dahil sa hindi pa siya ready pumasok sa isang relasyon.
BINABASA MO ANG
BAHAY BAKASYUNAN (COMPLETED)
HororMasarap magbakasyon sa malayong lugar.. Sa lugar kung saan makakapag-relax ka.. Kung saan malayo ka sa polusyon at sariwang hangin ang iyong malalanghap.. Tirahan mo'y isang maganda at malaking bahay.. Ngunit ang masaya mo sanang bakasyon ay nabahir...