Crush ko nga kasi sya >_<

494 16 0
                                    

Ang gwapo talaga ng crush ko.. Kahit chubby sya..

Hindi sya chubby. Macho sya.. Hahaha. Kaya lang ang manhid nya! Shet!

Ako si Kristina Baluyot. (AN: Ginamit ko yung surname ng crush ko. Hahahah.)

At crush ko si Jim Guanzon.. Yay! Ang hayop na yun! Bakit crush ko sya?! Bakit sya pa?! Di bale na. Crush lang naman eh. Crush lang! Basta Crush ko lang sya! Kahit kapag nakakasalubong ko sya sa campus naiihi ako sa kilig! Lalo na kapag nginitian nya ko. Kahit na yung kapatid nya na kasama ko yung nginingitian nya! Hahahah. I therefore conclude that he got a crush on me too! ♥

"Huy! Sino tinitignan mo?" tanong sa akin ni Patricia. Sister ni Jim.

Inalis ko tuloy yung pagkakatingin ko kay Jim. Panira talaga tong bruhang to. Di bale na. Magiging sister-in-law ko na din sya in the near future. Hahaha.

"Si Kuya Jim ba tinitignan mo?" tumingin pala sya sa gawi ng tinitignan ko. >///<

"H-hindi ah!"

"Hush! Makatanggi pa. Crush mo Kuya ko noh?" Uwaaa!!! >////<

"Hindi ah!" para akong sirang plaka.

"In-denial queen." 

"Oyyy Pattyyy! Kahit bulong yan narinig ko kaya!"

Tinawanan nya lang ako. Anong klaseng kaibigan to?!

--------------------------------------------------------------------------------

*Vacant ulit

Nakatingin ulit ako kay Crush ko. Crush ko lang naman sya!

Ewan ko ba, ang daming gwapo dito sa campus pero kay Jim lang ako tinamaan ng ganito eh. >////<

Last year nga nung Valentines Day pumuslit ako sa gym. PUMUSLIT talaga! Nung pagkatapos ng basketball nila, tapos palihim kong nilagay sa bag nya yung Ferrero Rocher na favorite nya daw according to Patricia. Pa-simple kasi akong nagtatanong about sa Kuya nya. ^_________^

Galing ko noh? Gayahin mo kaya ako. HAHAHA.

"Pst! Ate." nilingon ko naman yung kung sinong nagsalita na yun. Hindi ko sya kilala pero ako ang tinatawag nya.

Nasa likod lang sya. Lalaki sya pero mukhang 2nd year college na sya. At ako, syempre 1st year college.

"Pst ka din! Ate ka dyan! Bata pa ko Kuya!" binalik ko na yung tingin ko kay Jim, pero makulit si Kuyang may balbas.

"Bata bata, sinong tinitignan mo dyan?"

Nilingon ko ulit sya. "Wag mo nga ko guluhin! Kita ng BUSY ako eh." Pinagdiinan ko pa talaga yung busy kasi 1 hour lang yung vacant namin. Tapos ginugulo ako ng mokong na to. O____O

"Si Jim tinitignan mo noh?" Hindi ko na sya pinansin. ISTORBO SYA! Psh! "Bakit mo tinitignan si Jim?" Bubusalan ko bibig nya. >__< "Pst! Bakit mo tinitignan si Jim?"

BAHALA SYA. Kahit mapanisan ako ng laway dito basta matitigan ko lang si Jim okay na. Kahit magutom pa ko. Sa kanya pa lang SOLVE na ako.

"Oy! Bakit mo tinitignan si Jim?!"

"Bakla ka ba? Bakit nagagalit ka?" Tinaasan ko na sya ng kilay. ABA! May balak pa ata syang agawan ako. >__<

"Nagtatanong lang eh." Hindi ko na sya pinansin pagkatapos. Ang mga BAKLA hindi basta-basta nauubos yan! Pero ang PASENSYA ko sa BAKLANG to, KONTING-KONTI na lang! "Bakit tinitignan mo si Jim?" PUTEK! >______<

"Crush ko nga kasi sya!"

Crush ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon