CHAPTER 4

258 5 0
                                    

CLEO's POV

" Ma "
Napalingon si mama saken ng tawagin ko eto.
Gusto ko lang itanong kelan ba lalayas yang Rio nayan dito para  mapaghandaan ko diba?

" Kelan susunduin si Rio? "

" Hindi ko alam, pero kakasabi ng Tita mo kanina na baka jan muna sya titira. Rason nya daw na tinatamad sya mag empake ng gamit nya "

Kelan ba sinipag un?

" Naayos mo na ba ang mga gamit mo? "
Tanong ni mama dahil maya maya ay aalis nako.

Bahagya akong tumango at tutungo na sana sa kwarto ng mag salita pa si mama.

" Ihahatid ka daw ni Rio mamaya sabi ng Tita mo  "
Napa hilot ako sa sintido ko ng mapa isip kung anong sakit ng ulo nanamn ang dala neto pag nag sama kame.

Kaya ko naman mag commute.

Napalingon ako sa pinto ng mapansing may impaktong papasok.

" Tara na  "
Aya neto at seryosong naka tingin saken.

" ang aga pa ata Rio  "
Sabi ni mama habang abala padin sa ginagawa.

" Baka po kase ma traffic kami ni Cleo, ayoko pong abutan kame ng dilim sa daan  "
Sagot neto

Kung tutuusin saglitan lang naman ang byahe bat ba nag mamadali tong hinayupak na to.

" Kumain muna kayo bago umalis "
Sabi ni mama at nilingon kame.

" Sa dorm nalang ma, naalala ko may mga pagkain pang naiwan sa ref baka masira pag di naluto agad "
Buti na lamang ay naisip ko iyon.

" Kunin ko lang mga gamit ko ma "
Paalam ko at akma na sanang papasokbsa kwarto ng mapansin kong dali daling lumapit si Rio.

" jan kalang "
Bulong ko na sakto lang para marinig nya

" ako na mag bubuhat   "

Diko na napigilan si Rio ng dali dali ng pumasok sa kwarto ko.

" Lahat to? "
Tanong nya ng makita ang mga gamit na nasa lapag.

" Oo, di muna ako uuwi ng weekends "

Kinuha ko ang ibang gamit at nauna nang lumabas.
Sumunod naman agad si Rio.

Ang sasakyan nya ay nasa labas ng gate.

Binaba ko ang mga gamit at dali daling binuksan ang pinto ng sasakyan nya upang maipasok ang mga gamit.

" Ako na kukuha sa iba, mag paalam kana muna "
Sabe neto at iniwan ako.

Pumasok ako sa Loob at nakita dun si mama na naka upo sa harap ng Tv.

" Ma aalis na kame para maaga rin kaming maka rating  "
Paaalam ko.

" Alis na po kame"
Paalam din ni Rio habang bitbit ang ibang gamit ko.

" Sige mag iingat kayo  "
Sabi ni mama at nginitian lang kame.

" Cleo "
Tawag sakin ni Rio.

Papasok na sana ako ng sasakyan ng bigla akong tinawag neto.
Nilingon ko sya sa likuran.

" Lutuan mo ako mamaya nagugutom ako "
Kasabay nun ang paglitaw ng makinis nyang ngipin.

Walangyang ngiti yan oo.






CH

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE LIKES IT ROUGH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon