SME-Chapter 6

141 0 0
                                    

Chapter 6

(Gab's POV)

 "Here." bigla akong napamulat at nakita ko ang isang babae.

"Oh.. thanks." kinuha ko yung handkerchief nya. "Teka sino ka nga pala?"

"I'm Clarisse Juliene, but you can call me Juliene." she smiled at me.

"Ah i'm --"

"Gab" sabi nya.

"How did you know?" tanong ko.

"Wala. I just know." she smiled at me again. "Bakit ka nga pala mag-isa?"

"Uhh.. wala lang. E ikaw bakit ka napadpad dito?"

"Wala napadaan lang ako."

"Ag ganon ba?"

"Oo." *smiles*

Kwentuhan lang kami ni Juliene. Kung san-san na napunta ang usapan namin. Madami akong nalaman sa kanya. At salamat sa kanya, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ang sarap nyang kausap.

--

(Sof's POV)

Uwian na ngayon, pero nandito parin ako sa library ,magrereview para sa exam namin. Hindi ko kasi masyadong nagets yung last na lesson kaya eto aral mode muna ako.

Nasa kalagitnaan  na ako ng pagre-review ko ng pumasok sa isip ko si Alia. Umiiral nanaman ang kagagahan nung babaeng yun dahil kay Patrick. Akala ko pa naman e tumigil na sya sa pagpapantasya sa lalaking yun nung malaman nyang si Patrick at Angelie na.

Kaya lang bigla namang umepal 'tong si Patrick. Ilang araw na din silang magkasabay kumain. At ngayon naman sabay ng uuwi. Ano kayang plano nun kay Alia? Mukhang may hidden agenda yung ugok na yun ah. Naku pag nagkataon baka --

"E-ehem ehem!" bahagya pa akong napatalon sa kinauupuan ko.

"N-Nate? A-anong ginagawa mo dito? Nakakagulat ka naman!" sabi ko.

"Bakit, bawal na ba akong pumunta dito?"

"H-ha? Hindi naman! Parang nakakapanibago lang kase. Ikaw magla-library? Ang funny lang." pagbibiro ko sa kanya.

"Hindi naman ako pumunta dito para mag-aral e," umupo sya sa tabi ko at ipinag patuloy ang pagsasalita. "Ikaw talaga ang sadya ko."

Natameme ako dun. Ako.. ang sadya nya?

"Ha? B-bakit ako?"

"Uhh.. pwede ba akong humingi ng favor?"

Favor? Ano naman kayang favor yun? Jusko kinakabahan naman ako dito kay Nate.

"I-it d-depends.." nauutal kong sabi. "A-ano ba yun?"

"Uy chill ka lang, kabado ka naman masyado. Ano kasi.. pwede bang magpa-tutor sayo?"

"WHAAAT?!"

"Shh.. wag ka ngang maingay, ang OA nito."

"E bakit kasi ako?"

"E ikaw nalang kasi ang naisip kong pwedeng tumulong sakin e, hindi ko kasi mahagilap si Alia.."

"So pang no choice lang ako ganon?"

"Oh Nate bakit ang ingay nyo dyan? May LQ ba kayo ni Ms. Mendez?"

Ayan nagalit na tuloy yung librarian sa ingay namin.

She's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon