SME-Chapter 1

182 5 0
                                    

Ako si Aliana Cortez 17, anak ako ng isang senator na si Fernando Cortez Jr. at ni Atty. Amelia Cortez. Kahit ganyan ang trabaho ng aking mga magulang, may time parin sila samin ng aking kapatid. Oo may kapatid ako, si Karille (lalaki po sya)  5 years old. Speacial child. Pero kahit ganon eh mahal na mahal namin sya. :)

"Hi baby!" sabay halik sa pisngi.

"Ay lechugas!! Yaya naman e! Nanggugulat!" yaya ko nga pala at yaya din ni mama bata pa lang sya. Pinamana nya lang sakin hahaha. "Bakit po?"

"Bakit anak? Mukha na ba akong lechugas?"

"Eeee! Yaya naman e! Bakit po ba kayo nandito?"

"Ah si Gab kasi nasa baba, hinahanap ka."

"Sige po, pakisabi bababa na ako."

Dali-dali kong inayos ang sarili ko, kelangan kong mag-ayos, andito nanaman ang alaskador kong bestfriend, naku baka asarin nanaman ako nun, mapang lait pa naman yun, pero wag kayo guys gwapo yung bestfriend ko na yun :)

"Bansoooooooooot!!" sigaw mula sa baba. Nasa hagdan na kasi ako. At sino pa bang tumatawag sakin ng "bansot"? E di syempre si Tuko! Bakit Tuko? Kasi nung bata pa kami nakagat sya ng bubuyog sa nguso habang naglalaro kami ng bahay-bahayan. Hihihi.

"Hoy tuko! Anong sinisigaw-sigaw mo dyan ha? Anong karapatan mong sumigaw sa loob ng pamamahay ko?"

"Eh kasi naman kanina pa ako naghihintay dito, tinutubuan na ako ng ugat sa tagal! Palibhasa maliliit yang mga biyas mo, maliit humakbang! BANSOOOOOT!!!" pang aasar sa akin ni tuko.

*Hampas ng throwpillow* "Ay sorry naman ha! Atleast ako kahit maliit, maganda naman! E ikaw? Ang panget mo mukha kang Tuko! Tukoo!! TUKOOOO!!!" asar na asar kong sabi.

"Oy ang kapal! Bata pa ako nun kaya ganon itsura ko, pero kitams mo naman! Ang pogi ko na!" at nag Mr. Pogi sign pa sya. "E ikaw, lalaki ka pa ba? Parang hindi na! HAHAHAHAHA!!!"

"BWISEEEEEEET KAAAA!!!" *hampas hampas hampas*

*ilag* "Aray masakit! Wag ka nga mamisikal! Pikon!"

"EEEEEH WAG MO KASI AKONG ASARIN! BWISET KAA!!! "

"Oo na hindi na! 'To naman hindi pa nasanay!"

(1 minute silence)

Gab:  Hey.

Ako: Hmn?

Gab: I realized something.

Ako: Ano yun?

Gab: Hindi ka dapat  magkaanak.

Ako: WHAAAT?!?

Gab: Kawawa yung bata 'pag nagmana sayo!!

Ako: Uuugh! Bwiset ka talaga!

(silence again)

Ako: Teka, bakit ka nga pala nandito?

Gab: E kasi po sabi ni mommy ibigay ko daw 'to sayo! *sabay abot ng rose*

Ako: Ano 'to?

Gab: Ay bulag ba?

Ako: Gabriel Santiago! Alam kong rose 'to, pero bakit?

Gab: Ang OA mo bansot *laughs* pinabibigay ni mommy ilagay mo daw sa altar nyo. HAHAHAHAHA

Ako: Ah ganon ba?

Gab: Oo, anong sa tingin mo? Bibigyan kita ng rose? ASA ka bansot!! *pisil sa ilong ko*

Ako: Aray naman e!

Gab: HAHAHAHA! Osha alis na 'ko! Bye Bansot!

Ako: Osha lumayas ka na Tuko!

 Bago ako umakyat inilagay ko muna yung rose sa altar namin hihi. Dyeren! Maganda na ulit sya :D Tapos umakyat nako at nahiga sa kama.

Haay! Start na ulet ng class bukas. Aaam so excited *_* Bakit? SECRET! :P

-- --

*RIIIIIIIIIIIIINNNNNGGGGGG!!!!*

"Ay kabayong tumalon!!!" amfufu nahulog ako sa kama ko huhu T_T

Umaga na pala *inaaatt, tingin sa orasan, 6:30*

 "6:30 na pala!!! Waaaah !! 6:30 na malelate na ako.... KYAAAAAAA!!!" sabay takbo sa CR.

*minutes later*

Takbo pababa ng hagdan..

"Oh hija, ang aga mo naman ata?" sabi ni yaya.

"Ya! Ano pong maaga? 7 na po o!"

"Anong 7 ka dyan? Tumingin ka nga sa orasan!"

*tingin sa orasan*  Nak ng 6:30 palang!

"Advance nga pala ng 1 hour yung relo ko sa kwarto!" huhu

At dahil maaga pa, lumabas muna ako para kamustahin si Chuchay :) alaga kong aso hihi

"Goodmorning Chuchay!" *halik sa kanya*

"Alam mo ba..."

"Hoy Bansot! Goodmorning! Baliw ka talaga noh, pati aso kinakausap mo! HAHAHAHA!" hay eto nanaman si Tuko, sabay lapit kay chuchay "At chuchay pagpasensyahan mo na  yang amo mo, may topak talaga yan."

"Tse! Magtigil ka nga!"

*silence*

"Gab."

"Hmn?"

"Alam mo kung di kita bestfriend malamang crush kita." *smiles*

(Gab's POV)

"Alam mo kung di kita bestfriend malamang crush kita."

Pagkasabing yan ni Alia umalis na ako. Ang sakit kasi e. Ang sakit malamang hanggang bestfriend lang talaga. Hindi ba pwedeng mahalin nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya? Oo mahal ko sya, bata palang kami. Aish ang gay ng mga sinasabi ko.

Hindi pa nga pala ako nakakapag-pakilala. Inuuna kasi ang drama *laughs*. Ako nga pala si Gabriel Santiago 17. Anak ako ni Leolanda Santiago. Ang tatay ko? Ewan ko sa g@gong yun. Iniwan nya kami dahil sa kirida nya. Madaming business mama ko kaya hindi kami sa kalsada tumira nung iniwan kami ng walang hiya kong ama.

*Back to reality*

Pasukan na ngayon, ang totoong purpose ko kung bakit ako pumunta kela Alia e para sabay kaming pumasok, pero nawalan na ako ng gana.

"Haaay! Aliana Cortez bakit ba mahal kita?"

"Anak, sinong kausap mo dyan?" naknang! Narinig ni Mama ang mga pinagsasabi ko!

"A.. wala po Ma. Nagpapractice lang." palusot >.<

"A ganon ba? Sige baba ka na at baka malate ka pa."

Phew. Lusot. Thank you Lord!

"Opo ma, susunod na po." galang ko di ba? Syempre mahal ko nanay ko eh! (eew mama's boy)

Haay makapasok na nga.

She's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon