SME-Chapter 7

40 2 0
                                    

Chapter 7

(Gab’s POV)

Nasa bahay na ako ngayon, sa loob ng kwarto ko, nakahiga. Tinext ko si Alia kung nasan sya, yayayain ko sana syang mag-mall kaso 30 minutes na ang nakakalipas mula nung itext ko sya pero di pa din sya nag-rereply. Minu-minuto kong ichi-ni-check kung nag-reply  na sya pero kahit isang tuldok, wala.

Aaaargh. Tatawagan ko na nga lang.. ‘NUMBER BUSY’ naknang, sinong katawagan ni Bansot? Asar naman e!

Si Juliene na nga lang ang kakausapin ko. *dials Juliene’s number*

Ring.. ring..

Hello? Oh Gab, naptawag ka? May problema ba?” bat ang mga babae makapag-tanong wagasan, sunod-sunod. Hindi ba pwedeng sagutin ko muna yung unang tanong bago magtanong ulit?

Ah.. wala. Gusto ko lang ng makakausap, ang boring e.” sa lahat ng tanong nya yan lang ang sagot ko. Haay. Sana kasi si Alia nalang ang kausap ko ngayon.

Ah ganun ba? Akala ko kung ano ng nangyari. Uhh.. Gab, yung bestfriend mo nga pala, si Alia, nakita ko siya kaninang uwian..” bigla akong napabangon nung marinig ko ang pangalang Alia.

Ha? Saan? Anong oras mo sya nakita? Sinong kasama nya?

Wow ha. Biglang naging hyper. Nung uwian. Si Patrick yung kasama nya, ang sweet nga nila e, harutan at tawanan sa daan. Teka? Sila ba?” bigla akong natahimik nung sinabi nyang si Patrick ang kasama ni Alia kaninang uwian. At nanlambot naman ako sa tanong nyang ‘sila ba?’. Teka, sila nga ba? Sana hindi.

Hello?

Hello Gab, yuhoo!

A-ah.. hello. S-sorry ha-ha. Osha I’ll hang up na, may iniuutos pa nga pala si Mommy, bye!” di ko na hinintay yung bye nya, basta pagkasabi ko ng ‘bye’ binaba ko na agad. Napapikit ako sa tanong ni Juliene. Sila ba? Naramdaman kong may isang luha sa aking mata. Bakit ba pag-dating kay Alia palagi akong talo? Bakit ba sya ang kahinaan ko? Ang totoo nyan wala namang inuutos si Mommy, ayoko lang marinig yung iba pa nyang sasabihin, masyado ng masakit e, ayoko ng madagdagan.

Hindi ko alam kung bakit pag-dating kay Alia ang bilis tumulo ng luha ko. Pucha pang-gay lang ‘to e. Pero di ko maiwasang maging gay kapag si Alia na yung pinag-uusapan, ewan ko ba kung bakit ganon ko sya kamahal.

Anak kakain na. bumaba kana. Bumaba kana.” Si Mommy nasa labas ng room ko, di nya ako pwedeng makitang umiiyak. Nakakahiya, baka isipin nun bading ako.

Opo. Sige po, bababa na.” di ko na pinapasok si mommy sa kwarto ko, makikita lang nya kabadingan ng anak nya.

--

Anak may problema ba?” tanong sakin ni Mommy, nasa hapag-kainan na kasi ako.

Wala po.

Ba’t parang umiyak ka?” eto na nga ba kinatatakot ko e.

“Ha? Ma, ang pag-iyak para lang yan sa mga bading.”

E di bading ka?” nabulunan ako sa sinabi ni Mommy.

Haay naku ma. Kumain ka nalang, gutom lang yan.

Lumapit sakin si Mommy at niyakap ako. “Haay, ang anak ko binata na. Marunong ng maglihim sa Mommy.” Buti nalang at may nanay akong mabait, kaya kahit wala akong tatay ay ayos lang. Tsaka di namin sya kailangan, masaya na kami ng nanay ko. Ayan, bitter nanaman ako.

-Kinabukasan-

Maaga akong nagising, syempre naligo na din ako tapos pumunta ako sa bahay nila Alia para sunduin sya. Pagka-dating ko sa tapat ng bahay nila, nag-doorbell agad ako, maya-maya lumbas si Yaya. Yung Yaya ni Alia.

Good morning po. Andyan po ba si Alia?

Good morning din hijo. Ah umalis na sya e, may sumundo sa kanya.” May sumundo sa kanya? Teka, ako lang gumagawa nun a.

Ah ganun po, sige po. Una na po ako.” Umalis na ako dun, ano pang gagawin ko e wala na si Alia dun.

-Sa School-

Nakita ko si Alia, naknampota, bakit nya kasama yung kupal na yun? Teka sya ba yung p*t*ng *n*ng sumundo sa kanya? Fvck.

Uy Gab. Aga mo ata?” si Juliene.

Oo nga e. Ang aga pa masyado para mahalin ko sya.” Mahina lang yung last line ko.

Ha?

Gaaaabrieeeel Santiagooooo!” napalingon ako sa tumawag sakin. Si Alia. “Uy Gab, ang tagal kitang di nakausap ah. Namiss kita. Nung isang araw tinawag kita pero di mo ko pinansin” *pout*

Aa----

Haaan!!” napalingon kaming tatlo.

Oh Han. Andyan ka na pala.” Han? Sila na ba? “Uy Gab, si Patrick nga pala BOYFRIEND ko, Han, si Gab, bestfriend ko.

“Nice meeting you pare,” iniabot nya yung kamay nya para makipag-shakehands pero hindi ko inabot.

Ah.. may ipapakilala rin ako sayo. Si Juliene nga pala--- *hingang malalim* girlfriend ko.” Hinawakan ko yung kamay ni Juliene at pinisilm pinapahiwatig ko na ‘sumang-ayon ka nalang’.

A-ah.. hehe nice meeting you,” phew lusot! Thank you Juliene.

Uy Gab may girlfriend ka na pala di mo manlang sinasabi sakin.” Nagpout nanaman sya.

Hehe. Kasasagot nya lang sakin kanina e, di ba sweety pie?

A-ah o-oo oo. Hehe.” Buti nalang talaga at sumasakay si Juliene sa mga kalokohan ko.

Oh pano, una na kami ah. May date pa kami ni sweety pie e.” umalis na kami, anytime babalik si bagyong Ondoy e, baka bumaha sa buong Pilipinas.

Andito kami sa  may fire exit. Dito kami dinala ng mga paa ko e.

Thank you ha?” sabi ko.

Wala yun.” She tap my shoulder. “So pano SWEETY PIE, una na ko. May date pa kami ng totoo kong sweetie pie e.” sabay alis.

Okay mag-isa nalang ako dito. Ayoko din naman ng kausap, nakakahiyang makita nila akong umiiyak. Baka isipin nila bading ako. Sayang naman ang pogi kong mukha.

Kelan mo sya iiwan?” Napatigil ako sa pag-eemote ng may narinig akong boses. Hindi ko na sana papansinin, kung di lang sa sumunod nyang sibabi. “Patrick naiinip nako. Gusto mo ako nalang magsasabi sa kanya.” Sabi ng boses ng babae. At dahil narinig ko ang pangalang Patrick, hinanap ko kung nasan yung nagsasalita para narin malaman ko kung sino yun.

Bhabe tinext ko na sya. Pupunta na raw sya.” Sabi nung lalaki. At hindi nga ako nagkamali, si Patrick Rodriguez nga ang lalaking kausap ni Angelie. The school flirt. Psh. “Wag kang mag-alala bhabe. Hindi ko naman sya minahal e. She’s just a toy.” Anaknampota. Hindi ko na napigilang ang sarili ko.

BOOOOGSH!!!

 Vote. Comment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon