Cake

62 2 0
                                    

Xanthe's POV:

"Silang apat ang member ng CHT? Hindi ako makapaniwala!" - Ako.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng school. Walang katao-tao dito kaya dito muna ako nagstay. Nang maisip ko ulit yung mga CHT na yun, tumayo ako sa kinakaupuan ko at sinigaw ko sa taas,

"Blane Evans! Isa kang basuraaaaa! Kayong mga CHT, para kayong mga langaaaaaaaaw! Maswerte kayo sa buhay niyo dahil mayaman kayo! Pero wala kayong karapatang magmalaki! Para sa katulad niyong maraming pera, hindi dapat ganyan ang ugali niyo! Mga bastos, wala kayong kwentaaaaaaaa! Kayo! Binabalaan ko kayong lahat! Ayoko ng makita kayo kahit kelan! Ha?! Sa oras na maging senior kayo, at dapat igalang, yun ang araw na tatalon ako dito sa rooftoooop, Sumpa maaaaan! Tandaaaan niyooo yaaaaaaan! Aaaaaaaaaah!"

Napatigil ako sa pagtili ko nang makarinig ako ng naghihikab na parang bagong gising lang. Tumingin ako sa may baba at may nakita nga akong tao, kakagising lang siguro niya kasi naingayan siya sakin. Nag-unat unat siya at itnaas tass ang braso niya. Siya si Zane Jarvis.

"Alam mo istorbo ka talaga! Hindi ako makatulog sa ingay mo."  - Zane

"So-so-sorry n-na. Akala ko walang tao rito." Nahihiya kong sabi.

"Totoo ba, ang sinasabi mo?" -Zane

"Huh?" -Ako

"Na tatalon ka sa rooftop." - Zane

"Ah, ano. Ang ibig kong sabihin," Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi naalala ko lahat ng sinabi ko.Nanlaki yung mata ko.

O_O - Ako

"N-narinig m-mo b-ba lahat ng sinabi ko?" - Ako

"Ano?" - Zane

"Yung sinabi ko, yung tungkol sa.." - Ako

"Yung tungkol sa sinabi mong mga langaw kami?" - Zane

Napayuko ako sa sobrang hiya ko. Hindi ko na ata kayang harapan tong lalaking to.Pagkasabi niya nun, paalis na sana siya at makakahinga na ako ng maluwag nung nagsalita siya ulet,

"By the way, Blaze yun." -Zane

"A-ano?" -Ako

"Blaze Evans yun, hindi Blane Evans. Kung magagalit ka, at least, alamin mo naman kung anong tamang pangalan niya." Sabay talikod at lumakad na paalis.

Hiyang hiya talaga ko! Nakakahiyaa! Waaaaah! Sana pala di ko nalang yun isinagaw! Tssk. Buti nalang di siya masyadong nagalit. Phew. Napalunok nalang ako ng laway ko nung makaalis siya.Ang malas ko talaga kahit kelaaaaaan! Waaaaaaah!

Bumama nalang ako sa canteen para makakain. Kinuha ko ang lunch box ko at kinain na ang hinanda ni Mama para sakin. Grabe! Gutom na gutom na pala ako, ngayon ko lang naramdaman! Yumyumyum! Habang kumakain ako, biglang may nagsalita,

"Ooops, I smell something, Eew! Amoy wet market."

Yung tatlong maldita na naman. -___- Hindi ko sila pinapansin basta kumakain lang ako, lumapit sakin yung Victoria, bianaba niya yung baso niya sa table ko.

"Here pala eh! Omaygod! Terrible!" Sabay sabay nilang sabi sakin.

"Uy girl! Bakit ka naman sa Lunchbox kumakain? Hindi mo ba nakikita?" - Naomi

Tiningnan ko lang yung counter na pinagseservan ng pagkain pero hindi ako sumasagot at kumakain lang ako ng kumakain, gutom na ako eh, bakit ba?!

"Eh, Bakiit.." -Sabrina

Love or Anger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon