Chapter 1

3.5K 53 20
                                    

Kaline's point of view...

BUMALIKWAS NG BANGON SI KATLINE NANG MAY MARINIG SIYANG TUNOG NG FIRETRUCKS. Agad niyang binuksan ang bintana niya at tinanaw-tanaw kung anong nangyayari. “Huh?” Aniya. “Bakit...” Napalingon si Katline sa sidetable ng kama niya kung saan nakalapag ang digital alarm clock niya. Agad na pinatay niya iyon. “Peste... sino ba nagpalit ng alarm tone nito?” Kunot noong tanong niya sa sarili habang ibinabalik sa dati ang alarm tone ng kanyang alarm clock. Malamang si Ethan. Epal talaga ‘yun. Aniya sa isip. Ito lang naman kasi ang gagawa no’n sa kanya. Sa lahat ng pinsan niya, ito ang pinaka makulit. Pero magkasundo parin sila. Parehas kasi sila ng edad at parehas din silang malakas mang-trip. Dahil siguro, malakas ding mang-trip ang kanilang mga ama? Hmmm... Siguro nga. Pero, sa tingin niya, mas malala pa ito sa kanyang tito Trigger. Minsan nga eh, mini Trigger ang tawag nila kay Ethan. Dahil parang pinagbiyak na bunga ang mga ito. Parehas na nga ng mukha, parehas pa ng ugali.

Pagkatapos ibalik ang tamang alarm tone ng kanyang alarm clock ay bumaba na siya. Tumuloy siya sa kanilang kusina para sana sumabay sa kanyang mga magulang na mag-agahan. Pero, wala doon ang kanyang mga magulang. Ang katulong nilang si aling Lydia lamang ang naabutan niya.

“Aling Lydia, nasan po sila mommy at daddy?”

“Nasa labas po ma’am. Kausap po yung business-partner ng daddy niyo.”

Kumunot ang kanyang noo. “Alam niyo po ba kung bakit?”

“Hindi−”

“Uhh, never mind. Ako nalang ang aalam.” Nginitian niya muna ang katulong saka lumabas ng bahay. Doon niya naabutan ang pamilya niya. Kausap nga ng mga ito ang business-partner ng kanyang daddy na si Mr. Reichen Alleje. Kasama nito ang kanyang tita Saskia na katabi naman ang isang lalaki na marahil ay anak ng mga ito. Ngayon niya lang ito nakita. Infairness, Gwapo ah... Mali. Sobrang gwapo pala. Hik-hik! Naghanda muna siya ng isang napakagandang ngiti saka tinungo ang direksyon ng kanyang mga magulang at umupo sa tabi ng kanyang ina.

“Hi po.” Bati niya sa kanilang mga bisita. Pinakamatamis ng ngiti ang ibinigay niya sa lalaking katabi ng kanyang tita Saskia saka iniabot ang sarili niyang kamay. Pero, tinignan lang nito ang kamay niya.

Ang bruhong ‘to! Ibinaba na niya ang sariling kamay at inismiran niya ito.

Wow ah. Nakakahiya....

“Hey there. How are you, hija?” Tanong sa kanya ni Mr. Alleje. Eeeek! Mas sanay siyang tito Reichen.

Ngumiti rin siya. Ng pilit. “Ok naman po.” Joke lang. Pano ‘ko magiging ok, tito Reichen?!

Tumikhim ang kanyang ama. “Hija. Kanina ka pa namin hinihintay na magising.” Anito. “May gusto sana kaming sabihin sayo ng tito Reichen mo.” Tumangu-tango pa ang business-partner ng kanyang daddy Jigger.

“Ano ‘yon Dad?”

Itinuro nito ang katabi ng kanyang tita Saskia. “Hija, he’s Dean. He’s your fiancé. ”

Itong isnaberong to?! “Fiancé ko?” Natawa siya.

“Well... yeah.” Sagot ng kanyang daddy.

“Dad, ang dami mo nang arrangement na inayos. Ang dami mo nang ni-link na lalaki saakin. Pero, kung hindi ako yung may ayaw sa kanila, bakla siya, may girlfriend na o kaya naman, hindi nila matiisan ang ugali ko. Baka naman, tumaob kaagad ‘yan sa ugali ko palang.” Aniya saka itinuro ang lalaking nagpahiya sakanya. “Hindi pa ba kayo napapagod maghanap ng lalaki para saakin? Saka, third year high school palang ako, Dad!”

“’Yun na nga eh.” Wika ng kanyang ama. Hinawakan nito ang balikat niya. “Third year ka palang pero hindi ka na namin ma-kontrol ng mommy Nova mo. Iniisip lang namin ang kapakanan mo. Araw araw tumatanda kami ng mommy mo. We’re not getting younger. Paano kung wala na kami? At mali ang napili mong lalaki? At least, anak, mapapanatag ang loob ko kung si Dean ang mapapangasawa mo. Dahil alam kong safe ka sa kanya. Kilala ko silang dalawa ng ama niya, anak. At alam ko ding mabuti silang tao. Siya na ang huling i-re-reto ko saiyo, Kat. Kapag hindi nag-work out, bahala na.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stallion Riding Club fanfiction *ON HOLD*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon