Chapter 4: Madison Royal University part 2

20.9K 349 5
                                    

Sa Classroom

"Anong kalyo? Sa ganda ko? Sa kinis ng balat ko, kahit gumamit ka ng microscope, wala kang makikitang kalyo dyan. At anong sinasabi mong bilbil, eh ang sexy-sexy ko ka..." Hindi na natapos ni Sammy ang sasabihin niya nang biglang may tumulak sa kanya papasok sa classroom.

"Yah, Euphy! Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ni Sammy, medyo nainis.

"I didn't do anything..." pagtatanggi ko, nagbubuntung-hininga. Maya-maya pumasok ang isang babae na tumulak kay Sammy.

"Paharang-harang sa daanan," pabulong na sabi ng babae, na walang pakialam na umupo sa bakanteng upuan.

"Ahem," sabi ng guro.

Nagulat kami nang mapansin namin na tinitingnan na pala kami ng guro at mga estudyante sa loob ng classroom.

"Eeeeeeeeeeeeeew!" sigaw ng ilang estudyante. Ang drama nila, parang nakakita ng tae kung maka-eew.

"Hmm. Excuse me? What are you doing here? Do you belong in this class?" tanong ng guro.

"Yes Sir!" masiglang sagot ni Sammy.

"Oh, I see. So you must be the transfer students from Sy University," sabi ng guro habang tinitignan ang papel na hawak.

"Yes, Sir," sagot ko.

"Okay, but before you take your seats, kindly introduce yourselves here in front. I'm Mr. Jerome Guanlao, your English teacher," sabi ni Sir, medyo bata at gwapo.

Pumunta kami sa harapan ng klase. Ako ang unang nagpakilala...

"Hi! I'm Eunice Phenelophy Sy. You can call me Euphy. I'm 16 years old, part Chinese, part Korean, and Filipino. I hope we can all be friends!" pagpapakilala ko.

"Sorry, Ms. Euphy. Di kami nakikipagkaibigan sa di namin ka-level," mapang-asar na sabi ng isang lalaki, na ikinatawa naman ng karamihan.

"Yeah!! Sorry to disappoint you, but we don't befriend nerds, hahahahaha," sabi ng isang babae, kasama ang iba pang tumatawa.

"Okay, that's enough. Well, Miss, it's your turn," sabi ni Sir, sabay tingin kay Sammy.

"Hi everyone! I'm Samantha Park, 16 years old, part Korean, part Japanese, and part Filipino. That's all, thank you!" sabi ni Sammy.

"Okay, you may take your seats," sabi ni Sir Guanlao.

Dahil mukhang ayaw nilang katabi kami, napagpasyahan naming umupo sa likod. Pero hindi kami nakaligtas sa pansin ng ibang estudyante.

"Pssssssst!" Sa Pilipinas lang talaga uso ang pagsitsit sa ibang tao. 

Nilingon ko ang sumitsit sa amin at nakita ang dalawang magandang babae.

"Hey, dito kayo umupo, tabi-tabi tayo!" sabi ng Girl 1, sabik na nakangiti.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Hinatak nila kami papunta sa kanilang upuan.

"Hello! I'm Aubrey Lee, and this is my sister, Victoria Lee," sabi ni Aubrey habang nakangiti.

"Hmm... Hello din. I'm Samantha Park, and this is my best friend, Eunice Phenelophy Sy," sabi ni Sammy, sabay turo sa akin.

"Nice meeting you, Sam and Eunice" sabi ni Aubrey.

Napatingin ako bigla kay Aubrey. Hindi ko gusto na tinatawag akong Eunice.

"Oops, sorry, Aubrey, wag mo siyang tawaging Eunice. Ayaw na ayaw niya nang tinatawag siyang Eunice. You can call her Euphy," sabi ni Sammy.

"Ah, ganun ba? Sorry ha, Euphy," sabi ni Aubrey, medyo nag-aalala.

My Nerdy Princess (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon