P R O L O G U E
Ang Kpop University ay isang unibersidad kung saan kadalasang kinukuha ang mga kabataang gustong maging sikat. Ang nagmamay-ari ng paaralan ito ay walang iba kundi ang Big Three-- Yang Hyun Suk, Lee So Man at Park Jin Young.
Hinahasa nila ang mga studyante na may talento upang maging mahusay at ng sa gayon ay maaari na nila itong ipa-debut o kunin nila bilang trainee nila.
Lahat ng studyante dito ay pantay-pantay, wala silang pakealam kung mayaman ka ba o hindi as long as may talento ka. Eh kung mayaman ka nga at wala namang talento, umalis ka na lang. Di sila tumatanggap nun.
At ang mga dating studyante na nag-aaral dito ay ngayon ay sikat na sikat na. At alam kong kilala niyo rin sila, sino sila? Well sila lang naman sina..
Chaerin, Minzy, Bom, Taecyeon, Junho, Wooyoung, Donghae, Henry, Krystal, Amber, Victoria, SNSD, EXO, TVXQ, Gdragon, Top at marami pang iba, na sa sobrang dami aabutin pa tayo ng siyam-siyam.
Lahat ng nagtu-turo dito ay ang mga tanyag na manunuro sa ibat-ibang bansa.
Lahat ng dapat malaman ng isang KPOP idol ay tinuturo nila, mapasayaw, kanta, acting at kung anu-ano pa.
Sabi nga ng ilan, ito ang dream school nila. Lahat gustong makapag-enroll dito ngunit pili lamang ang nakakapag-enroll. Swerte ka talaga pag nakapasok ka dito.
Pero ako? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman kong papasok ako sa paaralang iyon....
"You don't have a choice anak, kasi sa oras na sinuway mo ako ipapaalam ko sa lahat na anak kita" banta ni appa sa akin, i gasped
"you wouldn't dare!" sigaw ko, he smirked.
"Try me"
and that my friend is the reason why kung bakit ako mag-aaral sa paaralang iyon. Mababaw? Pakyu hindi mo alam ang pinagdadaanan ko.
